"May I have this dance?" Nakangiting sambit ko habang nakatingin kay Raven. Hinawakan naman ni Raven ang kamay ko at nagbabakasaling pumayag ito pero marahan niya lamang hinila ang kamay ko papalapit hanggang sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. "You should dance with her. This is a chance for you to find a girl who can play as your fake girlfriend, Owen. Malay mo biglang sa susunod na araw na pala ang date niyo ni Hagya." Bulong nito na ikinakunot-noo ko pero umiling ako. "I will but not her. Hindi ko gusto ang ugali niya dahil hindi ka nga niya kinakausap. Tayo na lang ang magsayaw." Mahinang saad ko at kinuha ang basong hawak niya at inilagay ito sa lamesa bago siya marahang hinila papatayo. Hindi naman na ito umalma at hinayaan na lamang niya akong hilahin siya patungo

