Nang matapos kong kumain sa cafeteria, pinanuod lamang ako ni Raven kung paano ipagkasya sa loob ng bag ko ang mga pagkaing ibinigay ng mga estudyante sa akin. Ni-hindi man lang niya ako tinulungan at talagang pinanuod lang. That's okay tho, hindi naman siya obligadong tulungan ako kaso nga lang ay napakarami. Tinanggal ko nga rin muna ang mga gamit ko sa loob ng bag ko ko ilagay ang mga pagkain dahil tiyak na mahihirapan akong kunin ang mga ito kapag nagsisimula na ang klase. "You done? Let's go!" Aniya na ikinatango ko matapos kong isuot ang mabigat kong bag na puno ng mga pagkain. Nauunang maglakad sa akin si Raven at hindi na rin siya busy sa kaniyang cellphone dahil low battery na. Tinatawanan ko nga siya kanina dahil halatang inis na inis ito kung kailan naman daw may kalaban siya

