"Raven?" Gulat kong sambit sa pangalan niya nang makita ko siya sa gilid ko. Nag-angat naman ito ng tingin at kunot-noo akong tiningnan. "Bakit?" Tanong niya. Akala ko ba hindi na siya papasok rito sa paaralan niya kasi tapos na ang sinasabi niyang misyon niya na baguhin ako? Bakit nandito siya? "W-why are you here?" Utal kong tanong at siya namang ibinalik na ang atensyon niya sa kaniyang cellphone. "Rui told me na nakita ka raw niyang pumasok na kaya naman napagdesisyunan kong pumunta rito." Aniya. Si Rui? Ang student president? Pero hindi ko naman iyon nakita kanina o nakasalubong man lang. "Ah, gano'n ba? Gusto mo ba akong makita kaya pumunta ka rito?" Nakangisi kong sabi at siya namang parang nandidiri akong tinapunan ng tingin. "Hindi pero naboboring ako sa condo at wala na

