As the bell started to become noisy, tumayo na ako at kinuha ang bag ko bago naglakad papalabas nitong Cafeteria. Hanggang ngayon ay pansin ko pa rin ang maraming matang pinagtitinginan ako na para bang ngayon lamang ako nakita. "He is so familiar! Gosh! Ang gwapo-gwapo naman niya." Rinig ko sa sinabi nitong babaeng kapwa ko estudyante nang madaanan ko ito. "Hoy, be! Ang pogi! Hindi ba siya rin 'yung lalaking nakita natin kanina papasok?" Rinig ko pa sa sambit ng isa pang babae. "Oo, siya nga. Transferee ata? Ngayon ko lang nakita rito 'yan, e." Napapailing-iling naman na lamang ako habang nakangisi dahil sa mga naririnig kong sinasabi nitong mga nakakasalubong ko tungkol sa akin. Hindi ba nila ako natatandaan? Noong huli ko bang pasok rito ay hindi ganito ang itsura ko kaya hindi n

