Dalawang araw na ang lumipas, araw ngayon ng biyernes at nandito ako sa school ngayong hapon. Hindi na naman pumasok ngayong araw si Raven kaya nag-aalala na ako dahil baka kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Palagi ko namang tinatawagan o tinetext ang celphone number niya pero palaging walang sumasagot o nagrereply man lang. "Hi, Owen!" Nakangiting bati nitong babaeng kapwa ko estudyante at kumaway pa sa akin. Nginitian ko lang naman ito at nilagpasan na saka nagpatuloy sa paglalakad. Patungo ako ngayon sa library para magpalipas oras dahil vacant namin ngayon ng dalawang oras. Nasanay na rin ako sa mga babaeng schoolmates ko na panay ang tawag sa pangalan ko at nagpapacute pa sa harap ko kahit hindi ko naman sila kakilala. Mayroon pa ngang nagpapa-picture kaya para bang nagsasawa na

