While I'm busy typing on my laptop, pakiramdam ko ay mayroong matang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa paligid hanggang sa mabaling ang tingin ko sa may counter nitong café at nakita ang isang babaeng nakatayo doon at nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Saka mukhang naghihintay ito ng kaniyang order pero bakit hindi na lang siya umupo sa isa sa mga upuan rito sa loob at nakatayo pa siya diyan? Hindi ba siya napapagod tumayo? Nang ilang segundo kaming nagkatinginan, napagdesisyunan kong ibaling na ang tingin ko sa aking laptop dahil hindi ako matatapos sa ginagawa kong assignment kung makikipagtitigan lamang ako sa babae sa counter. "RAVEN?" Rinig ko sa malakas na sabi sa may gawi sa counter kaya agad akong napaangat ng tingin. Nagbabakasakaling iyong Ra

