"W-why did you k-kissed me?" Gulat na tanong ni Hagya nang matapos ko siyang halikan. Nakahawak pa ito sa kaniyang labi dahil halatang hindi niya inaasahan ang ginawa kong paghalik sa kaniya kani-kanina lang. "Tinatanong kita, Owen!" Sambit pa ni Hagya pero nginitian ko lamang ito at saka marahang ginulo ang buhok niya. It's Raven fault. "Forget what I told you last saturday. I want to date you starting tomorrow." Saad ko saka iniwan na ito at bumalik sa aming table kung nasaan ang tatlo kong kasama. "Oh, anong nangyari? Sinabi raw ni Hagya kay Raven?" Tanong ni Bryan nang makabalik ako. Umiling lamang ako saka umupo sa tabi ni Tyler bago kumuha ng bote ng beer at nilaklak ito. Napansin ko naman ang pagtitig sa akin ng tatlo na para bang nagtataka sa ikinikilos ko kaya naman kunot-no

