"Ah! Edi ang ibig niyong sabihin, e noong hindi pa natin kilala itong si Owen at tayo pa lang tatlo ang magkakakilala ay nagugustuhan niyo na talaga ang isa't-isa?" Sambit ni Tyler na ikinatango naman ng dalawa matapos nilang magkwento. Pinapanuod ko lang naman silang tatlo habang umiinom ng beer. "Ha? Pero hindi ba babaero days niyo pa 'yon?" Naguguluhang saad ni Tyler kaya pati ako ay napangiwi dahil sa sinabi niyang "babaero days". Babaero days ang puta! Baduy! "I-It's just our cover." Utal na sambit ni Tip na ikinatango-tango naman ni Tyler. "Oo, cover lang namin 'yon para hindi mo kami mahalata. Saka para hindi ka nag-iisa sa pagiging babaero." Sambit naman ni Bryan saka uminom ng alak. Akmang sasapukin ito ni Tyler nang mabilis na dumikit ito kay Tip upang makailag. "Gago! B

