"Dito lang sa bahay namin. Welcome!" Aniya saka ngumiti na parang pagkatamis-tamis bago muling nagsimulang magmaneho papasok ng gate. "H-ha? B-bakit?" Tanong ko. Hindi ko kaso inaasahan na pupunta kami rito sa bahay nila. "Kasi gusto mong makita akong gumuhit 'di ba? I'll show you my works." Nakangiting aniya na ikinangiwi ko. "Y-yeah, but it's still depends on you whether you want me to see it or not?" Saad ko saka ibinaling ang tingin sa labas. Pagkapasok na pagkapasok sa gate, makikita mo agad ang isang malaking fountain sa gitna. May mga magaganda at mabukadkad na mga halaman rin ang nasa paligid nito na siya namang hindi matatamaan ng mga papasok ng kotse dahil sa malayo ito sa daan. Nang mai-park ni Raven ang kotse sa tapat ng hagdan. Ka-agad itong bumaba at siya namang sineny

