"Tara, Owen. Come in. Welcome to my room!" Nakangiti niyang sabi at naunang pumasok sa kaniyang kwarto. Sumunod naman ako sa kaniya nang sensyasan niya akong pumasok na. Pagkapasok na pagkapasok, bumungad ka-agad sa akin ang ilang magagandang paintings na nakasabit sa wall. Halos mamangha ako sa sobrang ganda ng mga nakikita ko. "D-did you paint all of this, Raven?" I asked. Nabaling naman ang tingin ko kay Raven na iniisa-isang halungkatin ang loob ng plastic na naglalaman ng mga binili niya sa National Bookstore. "Yeah, but not really." Aniya. " See that painting on your left side? Iyang isang babae at isang lalaking magkasama sa beach wedding?" Tanong niya kaya naman nabaling sa painting na tinutukoy niya ang atensyon ko. "Woah!" Reaksyon ko nang makita ang painting. Bukod kasi

