"Sir, hindi mo ba talaga sisiputin 'yung fiance mo? Kawawa naman po 'yon baka maghintay." Tanong ni Kuya Ed habang nagmamaneho ito patungo sa Valentino High.
"No." Tipid na saad ko at nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro.
Wala naman si Daddy dahil may urgent business meeting daw ito with his business partners and clients kaya nakakuha ako ng tyempo na huwag siputin 'yung sinasabi ni Daddy na si Hagya. Ayokong umattend dahil hindi ko naman kilala si Hagya at isa pa, wala akong naaalalang may childhood friend ako noon.
Hihingi na lang ako ng pasensya doon sa Hagya in the future dahil sa hindi ko siya sinipot ngayon sa date namin. Isa pa, wala pa akong balak mag-asawa hangga't hindi ko pa natutupad ang gusto kong maging isang sikat na manunulat.
I want to read books para nadadagdagan ang kaalaman ko sa paggawa ng mga stories. May ilang sikat na authors rin akong iniidolo dahil sa magagaling sila sa pagsulat ng mga sarili nilang akda katulad na lamang ni Tres Nai-stress.
Naalala ko tuloy ang isinulat niya noong kwento tungkol sa isang multo at sa isang babaeng naging magkakilala ng pitong buwan. Sa bawat pagbasa ko sa mga salita sa kwentong iyon, ramdam na ramdam ko at para bang buhay na buhay ang mga bida sa kwento niyang iyon. Akala ko rin ay makakaamin na ang babaeng bida roon sa multo dahil nagkagusto ito doon sa lalaking multo pero sa araw na aamin na sana yung babae, eh biglang naglaho 'yung multo. Doon natapos 'yung season one ng kwentong isinulat niya habang ang season two naman ay nalaman nung babaeng bida na na-coma pala 'yung inakala niyang multo at may babaeng mahal na rin pala.
"Sir. Owen, nandito na po tayo, sir." rinig kong sambit ni Kuya Ed nang maihinto niya sa tapat ng school ang sasakyan.
Tumango na lamang ako bago bumaba ng kotse at saka inayos ang suot kong salamin sa mata. Nagsimula na rin akong maglakad papasok ng school. Hindi na rin ako nag-abalang magpakita pa kay Canary para makinig na naman sa mga ichichismiss niya kaya dumiretsyo na ako sa classroom.
Sinadya ko rin talagang agahan ang pagpasok ko para hindi ako maabutan ng mga stylist na binayaran ni daddy para ayusan ako para nga sa date namin nung Hagya— na hindi ko naman kilala o sadyang hindi ko lang matandaan kung childhood friend ko nga ba talaga?
"Eh?" tanging nasambit ko dahil sa gulat nang maabutan ang nag-iisang babaeng nakaupo sa upuan niya.
Sa sobrang aga ko, inaasahan ko na ako ang mauunang pumasok rito sa classroom. Ang aga naman niyang pumasok at as usual busy pa rin ito sa cellphone niya.
Gusto ko mang batiin si Raven ng good morning ay hindi ko na lamang ginawa dahil na rin sa hiya. Umupo na lamang ako sa tabi niya at kinuha ang librong binili ko kahapon sa bookstore. Ito ‘yung librong binabasa ko sa loob ng kotse kanina.
Tahimik lang akong nagbabasa habang ang katabi ko naman ay tahimik lang sa kakapindot ng kung ano sa cellphone niya.
Ilang minuto ang lumipas at nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin. Nakakapagtaka lang dahil nagsimula nang magdiscuss ng lesson si Mrs. Jacqueline pero wala pa rin si Ryan. Mukhang wala atang balak na pumasok.
*****
"OWEEEEEEN!" Rinig ko sa malakas na sigaw ni Canary habang papalapit ito sa akin. Nandito ako ngayon sa cafeteria habang kumakain at nagbabasa.
"Stop hugging me, Canary," bored kong sabi at marahang itinulak siya papalayo sa akin. Nang makalapit kasi ito ay agad itong yumakap sa akin na parang bata.
"Tss! Ang sungit mo naman!" parang batang sambit niya habang inaayos ko ang salamin ko sa mata.
"Bakit?" Kunot-noong sambit ko nang ibaling ko ang atensyon ko sa librong hawak ko.
"I'm so happy for you! Alam mo bang bali-balitang hindi na raw papasok rito 'yung mag-jowang bully?" Mahinang sambit niya na parang iniiwasang may makarinig na iba maliban sa akin.
Kaya pala hindi pumasok si Ryan at hindi ko naman nakita buong maghapon si Zia kahapon. Pero bakit?
"Bakit raw?" Tanong ko nang maisara ko ang librong hawak ko. Hindi na ako makapag-focus sa pagbabasa dahil dumating ang babaeng ito.
"Ewan? Siguro dahil sa ginawa ni Raven sa kanila?" kibit-balikat niyang sagot na patanong.
"A—"
"Excuse me.”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses pambabae at nagulat nang makita si Raven.
“Y-yeah?” si Canary. Para itong hindi makagalaw sa kaniyang pwesto. Mukhang nagulat din ito nang makita si Raven.
“Can I sit here? There's no other vacant table kaya makikiupo sana ako rito kung okay lang sa inyo?" para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil nasa harap namin si Raven. As in si Raven Valentino.
Narinig niya kaya na isa siya sa pinag-uusapan namin ni Canary?
Napatingin naman ako sa paligid at nakitang occupied na nga ang lahat ng table rito sa cafeteria.
"Y-yeah, sure." utal kong sambit kaya naman napatingin ito sa akin at parang nagulat nang makita ako.
May dumi ba ako sa mukha?
Para naman akong namalikmata nang makita itong ngumiti pero agad ring naglaho ang ngiting iyon sa labi niya.
"Ow! I know you. Hindi ba ikaw 'yung lalaking kinwelyuhan nung isa pang lalaki noong first day of school?" walang ganang sambit niya pero parang gulat pa rin ito. Hindi ko ito maintindihan!
Lagi ba siyang walang gana sa pagsasalita?
"A-ah y-yeah, a-ako nga. A-ano... S-salamat pala noon, ha? Kung hindi dahil sa'yo b-baka n-nasuntok na ako ni Ryan nung araw na iyon,” nahihiyang sambit ko habang nakahawak pa sa batok ko.
"Eh? Hindi mo ba siya nakikita sa classroom ninyo? Classmate mo rin siya,” sabat ni Canary kaya naman nagtataka akong tiningnan ni Raven na para bang gusto niyang malaman kung totoo ba ang sinabi nitong kaibigan ko.
"Y-yeah, a-actually seatmate mo a-ako,” usal ko kaya naman napatango-tango ito at parang naka-'oh' pa ang bibig nito dahil sa sinabi ko.
Sa reaksyong ipinapakita ni Raven mukhang hindi ito aware na ako ang katabi niya sa classroom.
Talaga bang hindi niya ako napapansin kahit na katabi niya na ako sa classroom? Palibhasa lagi itong busy sa cellphone niya pero himala dahil nakikipag-usap ito sa amin ngayon na hindi hawak ang cellphone niya.
"P-pasensya na.... Masyado kasi akong busy sa kakalaro ng online games kaya wala akong nagiging pake-alam sa mga nasa paligid ko," sabi niya at halata sa mukha niya na nahihiya ito.
"No need to apologize. Nerd naman itong kaibigan ko kaya sanay na itong hindi siya napapansin." natatawang sambit ni Canary kaya marahan ko itong siniko at ganoon rin naman ang ginawa niya sa akin pero mukhang medyo malakas nga lang ang pagganti niya.
Narinig naman namin ang mahinang pagtawa ni Raven na sandaling ikinatigil ko. Ito kasi ang unang beses na narinig ko itong tumawa. Gumaganda siya lalo kapag lumalabas rin ang dimples niya. Ibang-iba rin ang itsura niya kaysa doon sa unang araw na nakita ko siya. Para itong palakaibigan at hindi katulad ng astig na tomboy na madalas kong nasasaksihan sa kaniya.
"Alam nating maganda siya Owen pero huwag kang pahalata. Tutulo na laway mo, eh," rinig kong bulong ni Canary na siyang ikinagulat ko naman kaya gulat akong napadasig sa gilid ng upuan.
Nginisihan lang naman nila akong dalawa dahil sa naging reaksyon ko.
Ilang sandali lang at nagpaalam na rin si Canary na aalis na.
"Hey, babalik ka na sa classroom?"
Napatigil ako sa pag-ayos ng gamit ko bago ito binalingan ng tingin. "A-ah, o-oo." utal kong sagot.
“Ah, okay. Can you wait for me? Ubusin ko lang ito. Sasabay na ako sa’yo sa pagbalik ” aniya kaya naman napatingin ako sa paligid bago napatango at sandaling umupo muna para hintayin itong matapos sa pagkain.
Bakit gusto niyang sabay na kami sa pagbalik sa classroom? Hindi ba siya naiilang na isang nerd ang kasama niya?
Pero mukhang naghahanap lang ata ito ng bagong target na pababagsakin ang family business, eh. Mukhang pina-imbestigahan na ako nito at nalaman na mayaman ang pamilya ko at malaki ang negosyo kaya gusto niyang sumabay sa akin tapos sasabihan ako na i-check ang cellphone ko hanggang sa malalaman ko na bumagsak na ang nego—
"Hey, let's go? Tulala ka pa riyan," rinig kong sambit ni Raven kaya dali-dali akong tumayo at sumabay sa kaniya sa paglalakad.
Himala talaga dahil wala itong hawak na cellphone ngayon. Na-lowbat na ata? Bakit? Wala ba siyang dalang power bank?
Napapansin ko naman ang tinginan ng ilang nadadaanan naming estudyanteng kaya napapayuko na lang ako dahil sa hiya. Hindi ko alam kung ano ang mga nasa isip ng mga ito.
"Eh? So you really are my seatmate, huh? Ibig sabihin, hindi talaga kita napapansin." gulat na sambit ni Raven nang umupo ako sa tabi niya. Mas nauna kasi itong pumasok sa classroom pagkadating namin sa may corridor.
"O-oo," utal na sagot ko.
Hindi naman na ito nagsalita pa at dinukot na lang ang cellphone niyang nakalagay sa bulsa ng suot niyang palda. Ibig sabihin hindi pala lowbat ang cellphone niya. Mukhang maglalaro na naman ito ng online games na tinutukoy niya kanina sa cafeteria.
Wala pa namang guro kaya kinuha ko na muna ang librong kaninang binabasa ko sa cafeteria upang ipagpatuloy itong basahin. Hindi pa man lamang ako nangangalahati sa binabasa ko nang maramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ng babaeng katabi ko. Si Raven.
“What are you doing?” tanong niya na para bang hindi nakikitang nagbabasa ako ng libro pero parang blangko itong nakatingin sa akin.
"R-Reading."
"Oh, I see. So, you like to read books?"
"Y-Yeah, I also want to become a writer that's why I keep reading books,” sagot ko at saglit na binalingan ito ng tingin kaya nakita ko naman ang tipid na ngiti sa kaniyang labi na agad ring naglaho nang mapansing nakatingin na ako sa kaniya.
Ilang sandali pa at dumating na rin ang subject teacher namin kaya naman hindi ko na ito narinig na magsalita sa buong oras ng klase. Mapapansin rin sa mga guro naming pumasok na para bang kinakabahan sila at panay ang baling ng tingin sa babaeng katabi ko.
Mukhang kinakabahan ang mga ito dahil sa isa sa mga estudyante nila ang may-ari ng paaralan.
Nang dumating ang oras ng uwian agad na akong nag-ayos ng gamit ko bago naglakad palabas ng classroom. Malapit na sana ako sa parking lot nang mayroong marahas na humila sa akin.
"R-Rya—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang malakas niya akong suntukin sa mukha dahilan para tumilapon ang suot kong salamin sa mata.
"Are you happy, bastard? It's all because of you why are business go—"
“CLICK!”
Hindi ako masyadong makakita. Malabo ang paningin ko dahil sa hindi ko suot ang salamin ko. Ang tanging alam ko lang ay si Ryan ang lalaking naririnig ko at ang lalaking nasa harap ko. Nakahawak rin ako sa pisngi ko dahil sa malakas niyang pagsuntok sa akin kanina.
"YO—"
"You aren't a student here anymore and you are here harassing one of the students of this school. Bukod sa pinabagsak ko na ang kompanya ninyo, ano pa ang gusto mong gawin ko, Mr. Corales? Gusto mo bang maranasan ang mapunta sa loob ng bilangguan?"
That voice!
Sa boses pa lang na iyon kilala ko na kung sino ang nagsalita. Si Raven! Why is she here?
"YOU! b***h!" rinig ko sa sigaw ni Ryan na para bang nagtitimpi. “Tss! Maghintay ka, Owen. Magkikita pa tayo sa susunod,” dinig kong dagdag pa ni Ryan bago ako nakarinig ng mga mabibigat na hakbang papalayo.
Ilang sandali pa, marahan akong lumuhod habang hawak ang isang pisngi ko habang kumakapa-kapa sa sahig upang hanapin ang salamin ko.
“Here,” rinig ko sa boses ni Raven at naramdaman ko rin ang kamay niyang nakadikit sa aking balikat.
Kinapa ko naman iyon at nalamang hawak niya ang salamin ko kaya mabilis ko itong kinuha at isinuot.
Pagtingin ko sa harap ko ay bumungad agad sa akin ang mukha ni Raven na siyang seryoso kung makatingin.
“T-Thank you, Rave-”
“Suki ka ba talaga ng mga bullies rito? Pansin ko ikaw lang ang estudyanteng kinakawawa ng ilang estudyante rito,” aniya na agad kong kinaiwas ng tingin.
“H-Hindi naman, Raven. Iyong mag-syota lang talaga na sina Zia at Ryan ang palaging nambubully sa akin,” sagot ko saka marahang tumayo at pinagpagan ang sarili.
“Y-you saved me for the t-third ti—”
“Owen?” banggit niya sa pangalan ko kaya marahan akong tumingin sa kaniya. Alam niya pala ang pangalan ko.
“B-Bakit, Raven?” utal kong tanong na para bang ikinalungkot ni Raven pero agad ring naglaho iyon at muling bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
“Owen, what?” tanong niya habang nakataas ang kilay na para bang naiirita.
“H-ha?” saad ko dahil hindi ko naintindihan ang kung ano mang ibig niyang sabihin.
“Your surname?” tanong niya na hindi ko na ikinagulat. Mukhang narinig lang ata niya ang pagtawag ni Ryan sa pangalan ko kanina at hindi talaga niya alam ang pangalan ko.
Sa bagay, hindi naman na kami nagpakilalang mga kaklase niya dahil hindi na kami inutusan ng guro kaya malamang wala ni-isa sa amin ang kilala niya maliban na lamang kung may magsasabi sa kaniya.
“I... I'm sorry. A-ako si Owen Royu,” pakilala ko at nahihiyang iniabot sa kaniya ang kaliwang kamay ko upang makipag-kamay subalit seryosong tinitigan niya lamang ito. “A-ayaw mo bang makipag-kamay? S-Sorry, Rave—”
“No, come with me,” aniya at imbis na makipagkamay ay mabilis niya akong hinila paalis sa pwesto namin.