“R-Raven, s-saan tayo pupunta?” Utal na tanong ko dahil sa takot na baka kung ano ang gawin sa akin nitong babaeng nagmamaneho ng kotse. Si Raven.
Ilang minuto na ang nakalipas pero patuloy lamang ito sa pagmamaneho. Iyong paghila niya sa kamay ko kanina ay hinila niya ako patungo sa pulang sasakyan na siyang minamaneho niya na ngayon at agad pa akong pinasakay kanina. Naka-recieved na rin ako ng text from Kuya Ed na nagtatanong kung nasaan na raw ako pero sinabi kong pupunta lang ako sa bahay ng kaklase ko kaya hindi niya na ako kailangang hintayin pa kahit na hindi ko alam kung saan talaga ako dadalhin ni Raven.
“I just need a friend.”Rinig kong sambit niya na ikinagulat ko habang siya maman ay diretsyo pa rin sa kalsada ang kaniyang tingin.
A friend? Akala ko ba ayaw niya nang dagdagan pa ang mga kaibigan niya? Iyon yung naaalala kong sinabi niya noong nagpakilala siya sa harap ng klase noon.
“P-pero...”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang ihinto niya ang kotse kaya naman nabaling sa labas ang tingin ko. Nasa tapat kami ngayon ng isang resto? Restaurant ba? Hindi ako masyadong sigurado dahil Food amd Drinks Club ang nakalagay sa may parteng itaas nito.
“Owen, do you fight back?” Nagtatakang nabaling naman ulit ang tingin ko kay Raven na siyang seryoso na namang nakatingin sa akin.
“H-huh? A-Anong ibig mong sabihin, R-Raven?” Ipapabugbog niya ba ako kaya niya ako tinatanong ng ganiyang klaseng tanong?
Parang nagsisimula nang manginig ang buong katawan ko dahil sa takot.
“Nerd.” Rinig ko sa tipid pang saad ni Raven pero this time ay nakita ko na naman itong ngumiti pero naging seryoso ulit ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Magmura ka nga.”Seryoso niyang saad at ipinatong pa ang kaniyang siko sa manubela ng kotse bago ako taas-kilay na tiningnan na para bang naghihintay sa sasabihin ko.
“I...I can't, Raven. H-hindi ako nagmumura. P-pasensya na.”Paghingi ko ng pasensya.
Nakita at narinig ko naman itong bumuntong hininga saka umiling ng ilang beses bago niya ako tiningnan na siyang medyo ikinagulat ko dahil nakangisi ito. Nakangisi si Raven! Lumilitaw lalo ang ganda ng mukha niya na animo'y babaeng walang pinabagsak na negosyo.
“Alam mo, hindi ako sanay na may inosente sa paligid ko lalo na kapag mga kaibigan ko...” Sambit ni Raven na ngayon ay nakangiti. “Para bang napakaboring nilang kasama at wala man lamang saya sa katawan nila... You are lucky that you are now my friend, Owen. I can change you from now on.”Nakangiting aniya at marahang ginulo ang buhok ko bago ito bumaba ng kaniyang kotse.
Naiwan naman ako sa loob na para bang tulala dahil hindi ko inaasahang maingat niyang hahawakan ang buhok ko at nakangiti pa. Para bang ibang-ibang Raven ang kasama ko ngayon kaysa sa Raven na alam ng mga ka-schoolmates namin na siyang nagpapabagsak ng mga kompanya.
Halos maumpog naman ako sa gulat nang marinig ang ilang katok sa bintana nitong kotse kung saan ako nakapwesto. Nabaling ang tingin ko doon at nakita si Raven na nakatayo sa labas na para bang hinihintay akong bumaba. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin kung bakit dinala niya ako rito pero bumaba na rin ako ng kotse at siya namang hinila ako papasok sa nasa tapat naming building na siyang tinatawag na Food and Drinks Club.
Pagkapasok na pagkapasok namin tumambad agad sa amin ang dami ng tao sa loob. Masasaya silang kumakain habang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nila. Ibig sabihin ay isa pala talaga itong restaurant. Parang nakakaramdam tuloy ako ng gutom ngayon lalo na't madilim na rin at hindi pa ako kumakain ng hapunan.
Iyong akala kong kakain kami ni Raven ay hindi pala dahil muli na naman akong hinila ni Raven patungo sa isang pasilyo na siyang halos magsiksikan na ang mga tao sa daan na siyang ikinataka ko. Parang pati itong mga nadadaanan namin, e nagtataka rin dahil nakatingin ang mga ito sa uniporme namin. Bakit? Bawal ba ang estudyante rito?
Saka bakit parang dinarayo ata rito? Masyadong malakas at mabenta naman sa mga tao ang restaurant na ito. Mukhang masasarap ata ang mga pagkain rito.
Ilang sandali pa, habang naglalakad kami ni Raven at nakikipagsiksikan, napapangiwi na lamang ako at napapatakip sa ilong dahil sa para bang nakakaamoy ako nang masangsang na amoy na parang pinaghalo-halong amoy ng alak at sigarilyo. Masyadong masakit sa ilong! Bahagyang tiningnan ko naman ang itsura ni Raven pero parang wala lamang itong naamoy.
“R-Raven, a-amoy alak at sigarilyo naman ri—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang buksan ni Raven ang isang pintuan at tumambad sa amin ang isang kwartong may malaking kama.
Marahan akong itinulak ni Raven papasok at siya namang seryoso akong tiningnan habang nakahawak pa rin ito sa doorknob ng pinto. Taas-baba niya ako tinitingnan at ilang sandali pa ay pumasok na rin ito rito sa kwarto. Tanging kaming dalawang ang nandito sa loob.
Parang nagsisimula nang sumagi sa isipan ko kung may gusto ba sa akin itong babaeng may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko.
Ang bilis nang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit kami nandito? Anong gagawin namin rito?
Sa sobrang kaba ko ay hindi na mapigilan ng mga mata kong suriin ang loob nitong kwartong naglalaman ng isang kama, cabinet, full-length mirror, at may makikita ka ring sala set rito sa loob.
“R-Raven, w-what are we doing he—”Imbis na tapusin ang sasabihin ko ay hindi ko nagawa dahil sa isang tunog na pagclick ng camera ng hawak na cellphone ni Raven.
K-kinunan niya ba ako ng litrato? Ako ba ang kinunan niya? P-Pero sa akin nakatapat ang camera.
“Wait here. Don't go outside baga mapagtripan ka ng mga gago rito.”Rinig ko sa seryosong sambit ni Raven habang itinatago ang kaniyang cellphone sa bulsa niya. “Pwede mo ring ibaba muna ang bag mo sa kama. Just wait here. Babalikan kita.”Muli niyang sambit bago ito tuluyang lumabas ng kwarto at naiwan nga akong mag-isa.
Hindi mapakali ang isip ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang isipin ko. Kinidnap ba ako ni Raven para lang makuha niya ang business ni Dad at mapabagsak? Babalikan ba talaga ako rito ni Raven? Paano kung hindi niya ako balikan? Kaya ko namang lumabas sa kwartong ito pero paano kung lahat ng mga tao sa labas ay binabantayan ako para hindi ako makatakas?
Ilang sandali pa, nakarinig ako ng pagkatok sa pinto bago ito tuluyang bumukas saka bumungad sa akin ang isang lalaking nakadamit at nakaayos pang-babae bago sumunod na pumasok si Raven.
“Oh my god! Is he the one you are talking about a while ago, sis? Ang pogiiiii!!!”Tili nitong bakla sa harap namin na siyang ikinagulat ko.
A-ako ba ang tinutukoy niya?
Sandali? Bakit siya kasama ni Raven? Bakit parang type ata ako ng kasama ni Raven? Huwag niyang sabihing i—
“Yep! So, ikaw na bahala sa kaniya, Christy.”Nakangiting saad ni Raven saka ako binalingan ng tingin. “Owen, sundin mo lang ang gusto ni Christy. Magaling 'yan.”Sambit nito na halos ikalaglag ng panga ko sa gulat.
Taranta naman akong napataas ng kamay nang maalarmang lalabas ulit ng kwarto si Raven.
“W-WAIT! R-Raven, I'm virgin! And... And I can't do it with a... a...”I'm out of words! Hindi ko na masabi ang dapat na sasabihin ko dahil baka ma-offend ko itong baklang nagngangalang Christy. “R-Raven... d-don't leave me here. I-Isama mo ako sa pag-alis mo.”Taranta ko pang saad na ikinatawa naman nitong Christy at si Raven naman na napataas ang kilay na para bang sinasabing hindi niya ako maintindihan.
“Ha? Raven, Owen pangalan niya ‘di ba?” Tumatawang baling nitong si Christy kay Raven na siyang tumango naman na parang nagpipigil ngiti o tawa. “Naku! Owen, don't worry! I have a fafabels na. I'm just here to change your looks because that's what Raven's want.”Tumatawa pa ring saad nitong Christy na ikinatigil ko naman at parang nabato dahil sa hiya kaya dali-dali tuloy akong humingi sa kaniya ng pasensya na ikinatawa lamang niya pero bigla akong nagtaka nang maalala ang sinabi nitong si Christy.
“C-Change my looks?” Saad ko at nagtatakang tiningnan si Raven na siyang nasa gilid lang at tumango.
“Yeah, got a problem with that? I told you, you are my friend now. That's why I'll change you. I don't want to have a friend who looks innocent... Kung ayaw mo, pwede ka nang umuwi kaso nga lang baka maabutan mo daddy mong umiiyak dahil wala na kayong negosyo.” Mahabang lintanya ni Raven na para bang nakapadagdag ng kaba sa dibdib ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong naiinis na hindi ko maintindihan.
What does she really wants? Hindi ba dapat kapag may kaibigan ka, e tanggapin mo kung ano man ang itsura nung kaibigan mo? Isa pa, hindi naman ako pumapayag na maging magkaibigan kami.
“Or... pambawi na lang. Sa pagkakaalala ko iniligtas kita ng ilang beses from your bullies right? Just let Christy change your look para walang problema, okay?”Rinig ko pang saad ni Raven na siyang ikinatahimik ko.