“All done! Lalo kang pumogi, Owen! Rawr!” Para bang malanding sambit ni Christy at umakto pang parang sasakmalin ako na bahagyang ikinatawa ko nang mahina.
Wala na kasi akong nagawa kanina kung hindi ang pumayag na ayusan ako nitong si Christy para na rin sa pasasalamat ko kay Raven sa pagtulong niya sa akin ng ilang beses kapag binubully ako.
“Can I have my eyegla—”Saad ko dahil medyo malabo ang paningin ko at hindi ako makakita nang maayos.
“Ha? Hindi pwede, Owen. Simula ngayon hindi ka na dapat gumamit niyan.”Rinig kong sambit ni Christy.
“But I can't see well, Christy.”
“I know. Sinabi na sa akin ni Raven na malabo ang mata mo kapag walang suot na salamin dahil nakita ka raw kanina na nahihirapang hanapin 'yung salamin mo kahit nasa harapan mo lang daw kaya naman I have a contact lense here. Let me put it in your eyes hindi ito masakit.”Mahabang lintanya ni Christy saka naramdaman ko ang isang kamay niyang humawak sa baba ko. “Huwag kang magalaw, ah? Sandali lang 'to.”Dagdag pa niya bago ko naramdaman ang maingat na paghawak niya sa talukap ng kanang mata ko upang ibuka ito ng mas malaki. Naramdaman kong may lumapat sa mismong eyeball ko pero katulad nga ng sinabi niya ay hindi nga ito masakit. Katulad ng ginawa ni Christy sa kanang mata ko, e ganoon rin naman ang ginawa niya sa kaliwang parte. “Done!” Rinig kong aniya kaya naman sandali akong pumikit at saka ito tiningnan.
Parang halos lumuwa naman ang mata ko sa pagkamangha dahil maayos at malinaw na ang naging paningin ko. I really can see well at hindi ito malabo.
“Look at your reflection first not me. Alam kong maganda ako ‘no!” Tumatawang saad ni Christy saka ako pinaharap sa salaming nasa gilid lang namin.
“WOAH!” Gulat na sambit ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin.
Is this really me? Hindi ako makapaniwala dahil isang lalaking gwapo ang nakikita ko ngayon sa salamin. A manly version of me. A handsome and manly version of me— I, Owen Royu.
Parang napakalaki nang pinagbago nang matapos akong ayusan ni Christy. Kung sa una pa lang na alam ko na ganito ang magiging itsura ko, e sana pala matagal na akong nagpaayos.
“Pati ikaw nagwapuhan sa sarili mo 'no?”Rinig kong tanong ni Christy kaya nabaling ang tingin ko sa repleksyon niya sa salamin saka tumango.
“Yeah! I...I just can't believe that I can look good... J-just like this.”
“Mas popogi ka kung magpapalit ka na ng damit. Heto!” Saad ni Christy saka iniabot sa akin ang isang paper bag. “It's for you. Galing 'yan kay Raven. Isuot mo raw. Saka bawal rito ang estudyante kaya kailangan mo talagang magpalit, Owen.”Dagdag pa ni Christy nang kunin ko ang paper bag na iniaabot niya kanina saka ako tinulak sa isang pinto.
Binuksan niya iyon at nakitang isa pala itong bathroom.
“Magpalit ka na diyan. Huwag kang mag-alala hindi kita papasukin diyan HAHAHAHA!” Tumatawang biro ni Christy at tinulak pa ako papasok. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya.
Pinalitan ko ang suot kong uniporme ng damit na ibinigay ni Raven bago ako lumabas ng banyo.
“Naks! Sabi ko sa'yo, e lalo kang ga-gwapo. Halika na, Owen. Paniguradong naghihintay na sa'yo si Raven.” Masayang sambit ni Christy at pumalakpak pa bago ako hinila papalabas ng kwarto.
Nakita ko kung saan kami pumasok ni Raven kanina. Pumasok naman kami sa isa pang pinto na may dalawang malaking lalaki ang nagbabantay. Ito ata ang tinatawag nilang bouncer?
Ang ingay! Nagsasabayan ang boses ng mga tao at tugtog nang malalaking sound systems rito sa loob. May ibat-ibang klase rin ng mga ilaw na sumasabay sa tugtog ang pagbabago ng kulay. Amoy na amoy ko rin ang mga naghahalong usok ng sigarilyo at alak. Kaya pala bawal ang estudyante ay dahil bukod sa may kainan ang lugar na ito l, e may inuman rin.
“Okay ka lang, Owen?” Natatawang tanong ni Christy nang makita akong napapaubo dahil sa usok ng sigarilyo.
“Y-yeah, I... I'm okay! H-hindi lang ako sanay na makaamoy ng alak at uso ng sigarilyo.” Sagot ko at nagpatuloy na lang ako sa pagsunod sa kaniyang paglalakad hanggang sa marating namin ang table sa gitna.
Nakaupo rito si Raven habang may nakapatong na alak, a bucket of ice, at baso sa lamesa. Hindi na rin ako nagtaka nang makita itong nakatutok sa kaniyang cellphone. Sandali, umiinom si Raven?
“Raven, my darling!” Masayang pagkuha ni Christy sa atensyon ng babaeng nag-iisang nakaupo sa lamesa pero mukhang hindi siya nito narinig kaya kinalabit niya ito sa balikat.
Nag-angat ito ng tingin and her eyes met mine. Parang napakainosente at anghel ni Raven kung titingnan. Hindi rin maikakailang napakagandang babae ni Raven.
“Ang laki nang pinagbago, 'no? Lalong pumogi!” Patiling sambit ni Christy at para bang isa akong malaking regalong ipinepresenta niya sa babaeng nakaupo.
Naputol naman ang pagtitinginan naming dalawa nang ibaling niya ang tingin niya kay Christy.
“Sakto lang.” Tipid na sambit ni Raven at sinenyasan pa si Christy na umalis na.
“Owen, maupo ka na riyan. Maiwan na kita rito kay Raven.” nakangiting sambit ni Christy na ikinatango ko na lang at siya namang umalis.
Bago pa ako umupo, inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. Ang raming tao. Ang raming nag-iinuman, naninigarilyo, nagsasaya at napansin ko rin ang maraming babaeng nakatingi— hindi pala nakatingin kung hindi nakatitig sa akin.
“Ouch!” Daing ko nang may sumipa sa binti ko. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko kay Raven at nakita itong seryoso ang mukha kaya agad kong isinara ang bibig ko at hindi na itinuloy ang pagreklamo sa ginawa niya.
“Maupo ka na.” medyo pasigaw na sambit niya upang marinig ko.
Kanina pa malakas ang tugtugan rito sa loob kaya hindi talaga kami magkakarinigan.
Tumango naman ako at agad na yumuko habang papaupo dahil sa hiya. Bakit pala kami nandito? May gusto ba sa akin itong anak nang may ari ng eskwelahan na pinapasukan ko kaya kami magde-date? Sandali, date ba ito?
Napansin ko naman ang paglapag ni Raven ng cellphone niya sa mesa bago ito maglagay ng ice cubes sa isang baso at saka sinalinan ng beer.
Umiinom talaga siya? Ano naman bang lasa ng alak? Ayon sa nababasa ko mapait daw ito at masakit sa ilong ang amoy.
“Drink.” Tipid na sambit niya at inilapag sa tapat ko ang basong sinalinan niya ng alak.
Gulat ko namang itinuro ang sarili ko.
“H-ha? A-ako? H-hindi ako umiinom ng alak.” Sambit ko at ibinalik sa tapat niya ang basong may lamang alak.
“Drink.” Pag-ulit niya na ikinalunok ko. Seryoso at mautoridad ang tono ng boses niya at seryoso pa itong nakatingin sa akin. “Gusto mo bang ulitin ko pa sa'yo ang sina—” Hindi ko na ito pinatapos pa sa pagsalita at ka-agad na tinungga ang alak at tanging mga yelo na lang ang natira.
Parang tumaas ang balahibo ko dahil sa mapait na lasa ng alak. Napangiwi rin ako. Gusto kong isuka pero nakakahiya sa babaeng nasa harap ko. Hindi ako sanay uminom ng alak at ito ang unang beses na nakainom ako ng alak.
Kung hindi lang ako natatakot sa kaniya na baka ipasara nito ang negosyo namin ay hindi ako mapipilitang inumin ang alak na iyon.
“Drink.”
Iminulat ko naman ang mga mata ko at muling tiningnan si Raven. May iniaabot ulit itong baso sa akin na may laman uling alak.
“A-ayoko na. H-hindi ko kaya ang lasa.” Lakas-loob na sambit ko pero nakita kong kinuha niya ang cellphone niya kaya agad ko namang kinuha mula sa kamay niya ang baso at muling tumungga ng alak.
Ang pait! Parang gusto ko talagang masuka.
“Ang bilis kong nabasa ang mga galaw mo.” Natatawang sambit niya na sandaling ikinatigil ko.
Para akong nabingi dahil hindi ko marinig ang malalakas na tugtog rito sa loob ng bar. Tanging ang magandang tono lamang ng kaniyang pagtawa ang aking naririnig.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang tumatawa.
“Can you tell me about yourself, Owen?” Nakangiting dagdag pa niya na bahagya kong ikinagulat. “Don't worry! I'm not going to shutdown your family business. So, can you tell me about yourself?” Muling sambit niya habang nakangiti kaya marahan akong tumango. Parang isang anghel ang kausap ko.
“I-I like reading books. I-I also want to become a published author, someda—”
“WAHHH!”
“LABAS NA TAYO!”
“DALI! DALI! LABAS!”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marinig namin ang malakas na ingay mula rito sa loob ng bar. Nagkakagulo ang mga tao.
Anong nangyari?
Tatayo na sana ako para makita ang nangyayari kung bakit nagsisigawan at nagtatakbuhan ang mga tao nang hilahin ako ni Raven papalabas ng bar.
“A-anong nangyayari doon sa loob?” Takang tanong ko habang nagsisimula nang magmaneho si Raven ng kaniyang kotse.
Ni-hindi na rin kami nakapagpalit ng damit doon sa kwartong pinuntahan namin kanina kasama si Christy.
“Some assholes na nag-aaway-away lang.” Parang walang ganang sambit niya pero bakas sa boses nito ang pagkairita kaya naman hindi na ako nagsalita.
Nag-aaway-away lang? Lang?
Hindi ko alam pero natatakot ako sa babaeng ito. Parang kapag nagalit ko ang isang ito'y babagsak na agad ang kompanya namin.
“Owen?”
Mabilis akong napaayos ng upo nang mahinang tawagin niya ang pangalan ko.
“B-bakit?” Utal na tanong ko at siya namang iginilid ang kaniyang kotse at seryoso akong tiningnan.
“Magmura ka nga... sabihin mo “putangina”.”