Kabanata 7

1285 Words
“Magmura ka nga... sabihin mo “putangina”.” My jaw dropped because of what she said. Seryoso ba itong babaeng ito? Gusto niya akong magmura? Akala ko ba nasabi ko na sa kaniya kanina na hindi ako nagmumura. “What? Bakit mukhang gulat ka? Hindi ka ba talaga nagmumura? Sa itsura mo... mukhang hindi ka nga nagmumura kaya magmura ka.” Nakangising sambit niya at saka muling nagsimulang paandarin ang kaniyang kotse. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko maintindihan ang babaeng ito. Bakit ba ayaw niya ng kaibigan na inosente at kailangan ay nagmumura? Bakit niya akong gustong marinig na magmura? “A-ano... n-nagmumura naman ako pero s-sa isip ko la—” Utal na saad ko. “Kaya nga sabihin mo “Putangina” Gamitin mo ang bibig at boses mo.” natatawang sambit niya at muli na namang iginilid ang kotse niya saka ito inihinto. Gumaganda talaga ito lalo kapag tumatawa siya. “Owen, look. Ang boring mong tao kapag hindi ka mismo nagmumura. Sabihin mo Pu-tang-i-na” Aniya na palihim kong ikinangiti dahil ibinubuka rin niya ang kaniyang bibig upang turuan ako kung paano magmura. Para siyang batang kinukulit ang kaibigan niyang magmura. “Hoy! Anong tinatanga-tanga mo diyan? Sabihin mo pu-tang-i-na.” Pag-uulit niya kaya para akong nataranta at ginaya ang sinabi niya. “Pu-tang-i-na.” “Iyan! Isa pa.” “Putangina” “Iyan! Ganiyan ang magmura. Dapat sinasabi hindi iyong minumura mo lang sa isip mo, wala 'yang ka-thrill-thrill.” Natatawang sambit niya at nagsimula uling magmaneho. “Ulit-ulitin mo sa kwarto mo hanggang masanay ka. Pwede mo 'yang gamitin para i-express ang iba't-ibang klaseng nararamdaman mo.” Nakangising sambit niya na ikinatango ko naman. Hindi ako makapaniwala na tinuturuan niya akong magmura. Takte! Kakaibang klase talaga ng babae itong si Raven. “S-saan tayo pupunta, Raven?” Takang tanong ko sa kaniya. Gabi na rin kasi at patuloy lang ito sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta? “Bakit? Hinahanap ka na ba sa inyo?” Takang tanong niya. I was about to say a word nang magsalita ulit si Raven. “I know your house. Ihahatid na kita. Isa pa, gabi na rin.” Aniya at ngumiti ng tipid. Alam niya na kung saan ang bahay ko? Sa ilang oras pa lang naming magkasama nalaman niya agad kung saan ang bahay ko? Dang! Gaano ba karami ang connection ng babaeng ito? Natatakot na ako rito kay Raven, baka mamaya lang ay malaman kong bumagsak na rin ang kompanya namin dahil sa kaniya. Ilang sandali pa ang nakalipas, “Andito na tayo, baba na.” Seryosong sambit niya nang makarating kami sa village kung saan ako nakatira. Nasa tapat kami nitong malaking gate ng bahay namin. “Baba na.” Pag-uulit niya na ikinataranta ko at nagmamadaling lumabas ng kotse. “A-ano... S-salamat sa pagha—” I didn't have a chance to thank her because she cut my words. “I'll pick you up tomorrow morning.” Seryosong niyang sabi at mabilis na pinaandar ang kaniyang kotse papaalis kaya hindi ako tuluyang nakapagpasalamat. Nagsimula na lang tuloy akong maglakad papasok ng gate. Susunduin niya ako bukas? Bakit? S-saka anong oras? Pababagsakin niya ba ang kompanya namin kung paghintayin ko ito sa labas ng gate? Bakit niya kasi ako susunduin? “Argh! Tangina!” “Hala? Sino ka? Sir? S-Sir, ayos lang po ba kayo, sir?” Tanong ng isa sa mga katulong namin na nandirito sa labas para itong gulat na gulat nang makita ako. “H-ha?” “Bigla ho kasi kayong nagmura, sir. Ayos lang po ba kayo? Saka hindi ko po alam na nagmumura po pala kayo, sir.”Saad nito na ikinakamot ko na lamang ng batok ko. Pati ako ay nagulat sa aking pagmura. “A-ah... O-oo, ayos lang ako.” Nagmura ako? Hindi man lang ako naging aware na nagmura ako. Dang! Taranta naman akong nagpaalam na sa maid and I immediately went up stairs para pumunta sana sa aking kwarto pero bago ko pa man lamang mapihit ang doorknob ay nakarinig na ako ng isang tikhim. Isang pamilyar na tikhim. Mabilis ko itong hinarap saka napakamot muli sa aking batok. “D-Dad, nakauwi ka na pala?”Utal na sambit ko nang makita si Daddy. Huwag niya sana akong tanungin tungkol sa dapat na date namin no'ng Hagya dahil hindi ko naman iyon sinipot. Magsasalita pa sana ako nang titigan ako ni Daddy at tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ako. Saka ko lang naman naalala na hindi nga pala ako nakasuot ng uniporme at bago na ang itsura ko dahil sa pag-ayos sa akin ni Christy kanina. “Owen?” takang tanong niya na para bang kinikilala ako. Siguro dahil na rin sa bagong looks ko na talaga namang bagay sa akin kaya ata hindi niya ako nakikilala. “Y-yes, dad?” “Wow! This is probably the first time I've seen you come home like this tonight. Ang meron?” Nakangising tanong niya. “Don't tell me, may pinupormahan kang iba, anak? And, look at you. Anong naisipan mo at bago na ang itsura mo? Dahil ba ito sa date niyo ni Hagya kanina?” Nakangising sambit niya pa at bakas sa boses niya ang pagkamangha. Should I tell him na galing kami sa isang bar at kasama ko ang anak ng may-ari ng school na siyang nagpabago sa itsura ko? “W-wala lang, dad. Kumusta ang business?” Tanong ko. Baka mamaya nilapitan ako ni Daddy dahil ibabalita niya sa aking bumagsak na ang kompanya namin at idinadaan-daan niya lang sa pagngisi kaya mas mabuti nang mangamusta. “Our company is fine. Mas lumalaki at lumalago. Nagpaplano rin akong magtayo ng business sa Hongkong since mayroon naman na tayong business company sa Canada. Anyway, your Tita Leanne told me, na Hagya and you will having a date on Saturday. Hays! Pinaghintay ka ba ni Hagya kanina, anak? Leanne told me, na may importanteng ka-meeting d-daw si Hagya kanina kaya hindi nakasipot sa date niyo. Baka magalit ka kay Hagya dahil nasayang ang paghahanda mo sa date niyo kanina pero just understand her this time, Owen.” Mahabang lintanya ni Dad na siyang ikinakunot-noo ko. “Dad, sino 'yung Tita Leanne?” Takang tanong ko. Hindi ko iyon kilala at wala akong kilalang Tita Leanne. Mukhang tumatanda na nga talaga itong daddy ko at kung sino-sino na lang ang nababanggit? Saka hindi rin nakapunta 'yung Hagya dahil sa may ka-meeting? That's good! Hindi rin naman ako naghintay sa babaeng iyon. Ayoko pang makipagdate hangga't hindi pa ako nakakatapos ng isang buong kwento. “Seriously, son? Siya ang mommy ng fiance mo—ni Hagya.” Sambit ni Daddy na halatang hindi makapaniwala na hindi ko kilala ang binanggit niyang Tita Leanne. Hindi ko masisisi ang sarili ko, hindi ko naman talaga kilala iyon. “Ah...” Walang ganang sambit ko. “Remember her Kuyas? Hagya's older brothers. They always play with you when they aren't busy with their studies before.” Rinig kong saad ni Daddy na ikinatango ko na lamang dahil hindi ko naman maalala ang dalawang kuya ni Hagya. “Pasok na ako sa kwarto, dad. Magpapahinga na a—” “Huwag mong kalimutan, Owen. May date kayo ng fiance mo sa saturday, okay? You have a date with Hagya on saturday.” Pag-uulit ni Dad na walang ganang ikinatango ko na lamang at tuluyang binuksan ang pinto ng kwarto ko saka pumasok. Wala akong balak makipag-date sa Hagya na iyon. Hindi ako sisipot sa sabado. Mas gugustuhin ko na lang na magbasa ng mga libro kaysa makipagdate sa sinasabi ni Dad na fiance ko raw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD