Kabanata 8

2157 Words
“You look sleepy.” Kunot-noong tanong nitong babaeng nakatutok lang sa cellphone niya. Katulad niya, napakunot-noo rin ako. Tutok siya sa cellphone niya pero alam niyang inaantok pa ako? Ninanakawan niya ba ako ng sulyap? Saka sino ba naman ang hindi aantukin kung nakatulog nang maayos? Buong magdamag akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip at takot na baka kapag pinaghintay ko ito sa labas ng bahay namin dahil sa sobrang pagtulog ko, e bigla na lang kaming mawalan ng kompanya? Isa pa, wala itong sinabi kahapon kung anong oras niya ako susunduin kaya hindi talaga ako natulog para abangan ang pagdating niya. Alam niyo na... baka mairita si Raven sa paghihintay. Mabuti na lang hindi talaga ako natulog dahil alas singko pa lang ng umaga, e nasa labas na ito ng bahay namin kaya dali-dali ako sa pag-aasikaso kanina. “N-napuyat lang ako kagabi.” “Why?” “W-wala lang.” Tipid kong sagot at nakita ko naman itong tumango na hindi man lang ako tinitingnan dahil tutok pa rin ito sa cellphone niya. Nandito kami sa classroom. Tapos na ang klase namin ngayong umaga kaya dapat kakain na ako kanina ng tanghalian sa cafeteria pero pinigilan ako ni Raven at sinabing samahan siya rito sa loob ng classroom kaya naman kaming dalawa lamang ang natitira rito sa loob. “What time is it?” Agad nabaling ang tingin ko sa relong suot-suot ko dahil sa tanong ni Raven. “12:14” Sagot ko. Tumango ito saka itinago ang cellphone niya. Pwede namang tumingin ng oras sa cellphone niya bakit kailangan pang tanungin ako? Nakita kong tumayo ito saka ako hinarap at sinenyasang sumunod sa kaniya. Wala naman akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya. Nawala nga sina Ryan at Zia pero parang naging alalay naman ako ni Raven. Sa ilang minuto naming paglalakad, nagtaka ako agad nang marealize na patungo kami sa parking lot nitong school. “R-Raven, aalis ba tayo ng school?” Tanong ko habang patuloy pa rin sa pagsunod sa kaniya. “Yep, got a problem with that?” Aniya nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kotse. “B-but... w-where are we going? M-may klase pa tayo mamaya.” Kinakabahang sambit ko nang makitang buksan niya ang pinto ng driver's seat. “To my friend's place.” Tipid na sambit niya at nagsimula nang pumasok ng kotse. “Hop in or I'll con—” Hindi ko na tinapos pa ang kaniyang pagsasalita at mabilis na pumasok ng kotse dahil sa takot na mawalan kami ng kompanya. Geez! Ito ang unang beses na hindi ako papasok ng eskwelahan. Nabaling naman ang tingin ko kay Raven nang magsimula itong paandarin ang kaniyang kotse. Seryoso lang itong nakatingin sa daan at tahimik na nagmamaneho. Umabot rin ng ilang minuto ang naging byahe namin bago kami mapunta sa isang kilalang beach dahil sa maganda at malinis ang paligid ay talagang dinarayo ito. “Baba.” Utos ni Raven na agad ko namang ginawa. Anong gagawin namin rito? “Nakarating ka na rito?” Tanong niya. Hindi ito sa akin nakatingin dahil nakangiti nitong pinagmamasdan ang maalon na dagat. Nadadala at sumasayaw ang mga buhok nito dahil na rin sa sariwang hangin. “Y-yeah, m-many times.” Sagot ko. “You? Do you always go he— “RAVEN!” Natigil ako sa pagsasalita dahil sa lalaking sumigaw ng pangalan ni Raven. Sabay ring nabaling ang tingin namin ni Raven sa lalaking tumawag sa pangalan niya na siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Maayos ang tindig nito at makisig ang pangangatawan. Bakat na bakat ang mga abs nito na ikinaiinggit ko. Wala kasi akong abs dahil medyo mapayat ako hindi katulad nitong lalaking tumawag kay Raven. “Ready for tonight?” Nakangiting tanong nitong lalaki. May dala rin itong surf board at basang-basa ang katawan na halatang kakagaling lang sa dagat. “Yep! Isasama ko rin itong kaibigan ko mamaya sa party.” Sagot naman ni Raven kaya nabaling sa akin ang tingin nitong lalaking naglalakad na papalapit sa gawi namin. “Sure! Sure! That's good! Anyway, ano nga pala ang pangalan mo, pre?” Nakangiting sambit nitong lalaki kaya agad akong napaayos ng tayo at kaagad na inilahad ang isang kamay. “A-ako si Owen.” Bahagyang natawa naman itong lalaki at iniabot ang kamay ko. “It's so nice to meet you, Owen! Ako si Claw.” Nakangiting sambit nito na ikinatango at ikinangiti ko naman. Naramdaman ko naman ang paghigpit nang paghawak nito sa kamay ko bago ako binitawan. What? Is he mad at me? What did I do? I didn't do anything. Wala naman nang pinag-usapan pa ang dalawa dahil agad ring nagpaalam si Raven kay Claw bago kami maglakad papaalis. Nakasunod lang naman ako kay Raven hanggang sa marating namin ang isang sikat na hotel na pinagtutuluyan ng mga banyagang nagpupunta o nagbabakasyon rito. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok hanggang sa makapasok kami sa elevator. Apat na floor lang naman itong hotel pero malawak ito at maraming kwarto. Nakapag-stay na kami rito ni Dad noong may naganap na family reunion at masasabi kong okay rito. Nang bumukas ang elevator naunang lumabas si Raven kaya sumunod ulit ako sa kaniya hanggang sa huminto ito sa tapat ng room 74. Kumatok ito at hindi rin naman nagtagal e, may babaeng pinagbuksan kami ng pinto na siyang ikinagulat ko. Nakasando lang ito at bakat ang mga n*****s. Napakaili rin ng suot nitong shorts. “R-Raven!” Gulat nitong sambit nang makita ang kasama ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Raven sa braso ko saka ako hinila papasok. “R-Raven, why are you here? Did you r—” “No, 'cause my mom knows about this, Ylea.” Pagputol ni Raven sa sasabihin nitong babae. “OH. MY. GOD! Seriously? H-how? You... Your ha—” Raven cut her words again. “Shhh!” Iritang saad ni Raven at tinapunan ako ng tingin. “Ylea, nagugutom kami. Do you have any foods here?” Baling ulit ni Raven dito sa Ylea. Kaagaran namang tumango itong si Ylea at saglit na nagpaalam bago umalis sa harap namin. “Maupo ka.” Utos ni Raven na agad kong ginawa. Naupo ako sa isang mahabang couch at ganoon rin naman siya sa tabi ko. Muling kinuha nito sa bulsa ng maikling palda niya ang kaniyang cellphone at nagsimula itong tumipa doon. ***** “Ahh... So, you are saying na mag-classmate kayo ni Raven?” Tanong ni Ylea, na siyang ikinatango ko. Ipinakilala na kami ni Raven sa isa't-isa. Bago rin kami hinarap ni Ylea, ay nakapagpalit na rin ito ng kaniyang suot. Hindi na bakat ang n*****s niya at hindi na rin sobrang ikli ng shorts niya. Mabuti naman dahil hindi ako komportableng makakita ng ganoon. “Y-yes.” Utal na sagot ko at bahagya naman itong natawa. “Mabuti naman at natagalan mo agad ang ugali nitong kaibigan ko. You know, napakaseryoso nito sa buha— Raven, eat the vegetables huwag puro karne!” Saway nito kay Raven nang makitang kukuha ulit ito ng karne ng manok sa tenola. “Anyway, napakaseryoso nito sa buhay at sa amin lang ipinapakita ang pagiging bata niya na naayon sa edad niya. But you must tak—” Raven cut her words. “I'm full! Ylea, clean up. Tapos na rin naman nang kumain itong si Owen.” Seryosong sambit nito na ikinailing-iling na lamang ni Ylea. “Bossy!”Saad ni Ylea na ikinairap naman ni Raven. Tumayo naman si Raven at kunot-noong tiningnan ako. Iginalaw nito ang ulo niya na para bang sinenyasan akong sumunod sa kaniya. I quickly stood up and followed her hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na kaharap pa ng isang kwarto. Pumasok ito at sinenyasan akong pumasok rin. Bumungad sa akin ang isang simpleng loob nitong kwarto. May aparador, table and chair na pang-isahang tao at isang kamang hindi ganoong kalakihan. “Sleep. Kulang ka sa tulog hindi ba?” Seryosong sambit niya. Wala itong ibang pinapakitang facial expressions kung hindi ang pagiging seryoso niya lang. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kaysa kaninang dumating kami na masaya niyang pinagmamasdan ang dagat. “Y-yeah.” Tumango naman ito at lumabas na rito sa kwarto kaya tanging ako na lamang ang naiwan rito sa loob. Para akong nakahinga nang maluwag. Pabagsak akong humiga sa kama at nakangiting pumikit. Finally! I can sleep. ***** Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang magising ako dahil sa isang paggalaw ng nasa gilid ko. Halos lumuwa ang mga mata ko nang bumungad sa mismong harap ng mukha ko ang mukha nitong katabi ko. Mukha ni Ylea! Mahimbing itong natutulog sa tabi ko at nakaharap pa sa akin. Amoy siyang alak! Marahan akong umupo at bumaba sa kama para hindi ito magising. Ang bilis nang pagtibok ng puso ko. Dang! How can she sleep beside me? Babae siya at hindi ba siya nag-aalalang baka ma-rap— No, I'm not gonna do it either pero dapat mag-ingat naman siya dahil babae siya. Bigla ko namang naalala si Raven kaya tahimik akong lumabas ng kwarto. Nasaan ba si Raven? Napansin ko ang pagkagulo ng suot kong polo kaya marahan kong ininat ito nagbabakasaling maayos ito at mabawasan ang pagkakusot. “Eh? You're awake! Naka-score ka ba kay Ylea?” Nakangising sambit ni Raven na siyang ikinakunot-noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Pinlano niya bang doon ako patulugin para ipatabi sa akin si Ylea? Nakaupo ito sa couch na inupuan ko rin kanina. Ngayon ko lang rin narealize na nakasuot ito ng headband na talaga namang babagay sa kaniya. Nanunuod ito ng TV at nakasuot lang ng bra saka nakamaikli pang shorts. Fvck! Parang konti na lang ay makikita na ang singit niya. Agad naman akong napaiwas ng tingin. “A-an—” “Oh! Isuot mo 'yan...” Sambit ni Raven kaya hindi ko maiwasang ibaling sa kaniya ang tingin ko dahil may plastic itong inihagis na kailangan kong sambutin. Binuksan ko ito at nakitang isang swimming trunks ang laman nito. “It's already 9pm mabuti naman at nagising ka na. Kanina pa kita hinihintay. Nalasing agad iyon si Ylea kaya inihatid ko na. Magpalit ka na nang makababa na tayo. Kanina pa nagsisimula ang beach party.” Mahabang lintanya niya bago patayin ang tv. Alas nuwebe na ng gabi?! I need to go home. “Ba't mukhang natataranta ka? Hinahanap mo ba 'yung cellphone mo? Inilagay ko sa kotse kasama 'yung bag mo while you were sleeping.” Dagdag pa nito. “Magbihis ka na. Ayokong maghintay.” Napatango na lang naman ako at nagtungo sa cr upang magbihis. Wala rin naman akong magagawa dahil hindi rin naman ako makakapagpaalam o maiinform man lang si Daddy na hindi ako makakauwi. “Ang lamya talagang tingnan ng katawan mo. Tumayo ka nga nang maayos.” Komento ni Raven nang makabalik ako sa may sofa kung saan siya nakapwesto. Kaagad naman akong napatayo ng maayos. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya. Basta naramdaman ko na lang ang paghawak nito sa kamay ko at hinila ako papalabas. “R-Raven, a-anong gagawin natin dito? H-hindi ako mahilig sa party.” Usal ko dahil iyon naman ang totoo. Dinala lang naman ako ni Raven sa isang beach party. Katulad sa bar na pinuntahan namin kagabi, rinig na rinig namin ang ingay nang malakas na tugtugan at kitang-kita rin ang mga taong nagsasaya habang nagsasayawan, umiinom ng alak, naninigarilyo at nagkekwentuhan. Hinarap ako ni Raven at natatawang tiningnan. “You sure have a boring life, Owen. Let's enjoy this night. Minsan lang 'to.” Seryosong sambit ni Raven at tumingkayad pa para bahagyang guluhin ang buhok ko saka ngumiti. Fvck! Pakiramdam ko ay ang bilis ng t***k ng puso ko. Nagulat naman ako nang bigla akong hinila ni Raven patungo sa isang table at kumuha ito ng isang bote ng beer. “Here! Drink this.” Saad niya at iniabot niya sa akin ang bote at inalalayan pa akong inumin ito. Para na naman akong masusuka. Hindi ito gaanong mapait siguro dahil malamig ito pero nakakasuka pa rin ang lasa. Hindi pa rin ako sanay kahit pa nakatikim na ako ng beer kagabi. “Isa pa.” Nakangiting utos ni Raven habang marahang umiindak. Sinasabayan niya ang masayang tugtog na napakikinggan namin ngayon. Muling inalalayan ako nito sa paghawak ng bote upang mainom ko ang laman nito. Napapangiwi talaga ako sa nalalasahan ko dahil hindi ako sanay sa lasa ng alak. “Nice!” Komento ni Raven at pumalakpak pa habang sumasayaw. She looks so happy. “Owen, we only live once. We should enjoy this party at mas-enjoyin pa natin ang buhay.”Saad niya pa kaya naman para akong napaisip. She's right! This is the first time that I attended a party like this. So, it's better to enjoy this party dahil nandito na rin naman na ako at kasama ko pa ang babaeng may-ari ng Valentino High.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD