“Go, Owen!” Masayang saad ni Raven at pumalakpak pa habang nandito kami sa gitna sumasayaw.
Dahil nga sa beach party ito ay ginanap talaga ito sa gilid ng beach at hindi magkakailang napakaraming tao ngayon ang nagsasaya kabilang na ako at si Raven. I'm really enjoying this party! Hindi ko inakalang ganito pala kasaya ang beach party. Mag-aalas dose na rin ng hating-gabi pero mukhang hindi pa rin nagsasawang magsaya ang mga taong nandito.
“Aw! Umayos ka naman sakop mo na buong dance floor!” Rinig ko sa malakas na boses ni Raven nang makita ko itong maapakan ng isang lalaking grabi kung sumayaw.
Mukhang hindi naman ito narinig ng lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagsayaw at nakikisiksik pa sa kung saan. Natawa na lang tuloy ako sa itsura ni Raven na parang hindi makapaniwala na hindi man lang siya nito binigyan ng pansin.
“Raven, okay ka la—” Hindi ko na natapos pa ang itatanong ko nang balingan niya ako ng tingin saka humagalpak ng tawa.
“Did you see that, Owen? He ignored me! Aba! Ang ganda ko tapos hindi man lang niya ako papansinin? Aba! We only have one live, we only live once kaya dapat hindi niya inignored ganda ko ‘no!” Tumatawa na para bang nagmamaktol na sambit ni Raven kaya naman napangiti ako.
Ngayong araw kakaibang side talaga ni Raven ang nakikita ko. Hindi siya gaanong seryoso ngayong araw at panay ang ngiti at tawa.
“Owen, I'm beautiful, right?” Tanong ni Raven na parang nagmamaktol. Hindi naman ito nakainom pero parang bata siya kung umasta.
“Yeah, y-you're beautiful, Raven.” Saad ko bago ito nginitian nang malawak.
Hindi ako sigurado kung tama ba ang nakikita ko pero napansin kong namula bigla ang tenga ni Raven. Umiwas pa ito ng tingin habang sumasayaw katulad ko.
“Tss! Alam ko ‘no! Nanigurado lang ako. Saka inumin mo na nga 'yang beer na hawak mo.” Saad niya at taas-kilay akong tiningnan. Lumapit pa ito para hawakan ang kamay kong may hawak ng bote ng beer at tinulungan pa akong tunggain ang alak.
“Mapait pa rin ba sa panlasa mo?” She asked.
Umiling ako. Sa kanina pa ako tumutungga ng alak dahil sa kaniya parang nasasanay na ako sa lasa nitong beer.
“Hindi na. Medyo na lang kasi hindi na gaanong malamig.” Sagot ko na ikinatango naman niya.
“Lasing ka na? Nahihilo?” Tanong niya pa pero muli akong umiling.
“Medyo sumasakit lang ang ulo ko.” Saad ko na ikinatawa naman niya.
“Normal lang 'yan.” Tumatawang aniya at saka ako hinila papaalis sa gitna ng mga taong sumasayaw. “Ihahanap kita nang mauupuan baka kanina ka pa pagod suma— Oh, wait, that's Claw and Ylea!” Saad ni Raven at itinuro pa ang isang babae't lalaking parang nag-aaway malapit sa may dagat.
Muli naman akong hinila ni Raven papalapit sa gawi ng dalawa na siya ngang nag-aaway dahil hindi pa man lamang kami tuluyang nakakalapit sa kanila nang marinig namin ang sigawan ng dalawa.
“I TOLD YOU I CAN'T! HUWAG KA NANG MAKULIT, YLEA! ISA PA, LASING KA! IHAHATID NA KITA SA HO—”
“I'M NOT LASING MAY KAUNTING HANGOVER LANG! ISA PA, KAHIT HINDI AKO NAKAINOM HINDI MO NAMAN TALAGA AKO TINUTURUAN! KAILAN MO BA BALAK AKONG PAGHINTAYIN? HA?” Para bang galit na saad ni Ylea kay Claw.
“What's happening here? Bakit kayo nag-aaway? Claw? Ylea?” Biglang saad ni Raven kasabay nang pagbitiw niya sa pagkakahawak sa kamay ko.
Mukhang nagulat naman ang dalawa nang makita kami at pareho pang napaatras nang makita si Raven. Sa tono nang pananalita ni Raven ay mahahalatang hindi na ito masaya dahil ata sa nasaksihan niya ang pag-aaway ng dalawa.
“N-Nothing, Raven. I've been looking for you and Owen a while ago. It's already midnight y-you should rest. P-paggising ko wala kayo pareho sa hotel.” Nauutal na saad ni Ylea na para bang kinakabahan.
“I'm just enjoying this night with Owen. Why the two of you arguing?” Saad ni Raven na ikinaiwas ng tingin nitong dalawa. “I don't want to ruin my mood because I am enjoying this night so, let's talk about this tomorrow.” Para bang walang ganang saad ni Raven saka tinalikuran ang dalawa.
“Raven, wait!” Hahabol pa sana si Claw at Ylea pero hindi ito pinansin ni Raven at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
“This is really your fault, Ylea! I told you for a hundred times! I can't tea—”
“Just shut up! Ang damot mo kasi! Basta siguraduhin mo na lang na makakapag-sorry tayo parehas kay Raven.” Pagalit na sambit ni Ylea saka ito naglakad paalis. Tanging kami na lang naman ni Claw ang naiwan rito kaya pareho kaming nagtatakang nagkatinginan.
“Did you see that? That girl is still a cutie.” Saad ni Claw saka nagsimulang tumawa habang pinapanuod na maglakad papaalis si Ylea. “Alis na ako, pre. Puntahan mo na si Raven baka mabastos pa 'yon doon.” Dadag pa niya at saka lakad-takbong sumunod sa direksyong pinuntahan ni Ylea.
Oo nga pala umalis si Raven. Bigla rin naman akong nag-alala dahil naalala ko ang itsura ng suot ni Raven kaya dali-dali akong nagtungo upang sundan ito kung saan ito direksyong pumunta. Hindi nagtagal at nakita ko naman ito sa gilid kung saan may table and chairs. Nakaupo ito at masayang nakikipagkwentuhan sa ilang babae at lalaking kasama niya doon pumwesto.
Hindi sana ako lalapit dahil sa nakakahiya kaso nga lang ay biglang tumingin sa direksyon ko si Raven saka bigla itong tumango at may kung ano pang sinabi sa mga kasama niya bago ito naglakad papalapit sa gawi ko.
“Kanina pa kita hinihintay. Nagbati ba 'yung dalawa?” Tumatawang tanong niya pero nagkibit-balikat naman lamang ako dahil hindi ko alam.
Ni-wala nga akong alam kung bakit nag-away ang dalawa.
“Oh, I see. Hating gabi na. Kailangan ko na nang pahing—I mean let go back to the Hotel. Kailangan na nating magpahinga. Napagod ka ba sa kakasayaw kanina?” Tanong niya habang nakangiti.
Ngumiti naman ako saka umiling.
“Hindi naman. Sobrang na-enjoy ko nga itong beach party.” Saad ko.
“Really? Nice! Edi araw-arawin na natin.” Tumatawang saad nito habang nagsisimula na kaming maglakad pabalik sa hotel.
Habang naglalakad, saka ko lamang narealized na ang lamig pala. Wala naman akong suot na t-shirt dahil naka-trunks lamang ako. Nag-aalala tuloy ako rito sa kasama ko.
“R-Raven, I think we need to walk fast.” Saad ko at siya namang nagtataka akong tiningnan.
Hindi naman gaanong malayo ang hotel kaya kung magmamadali kami ay siguro wala pang limang minuto ay makakarating kami ka-agad doon.
“Why? Naiihi ka? Pwede ka naman diyan sa gilid. Doon nga lang sa walang tao.” Aniya na ikinailing ko agad kahit para bang nakaramdam ako ng hiya.
“H-hindi naman. Is just that nag-aalala lang ako. It's cold here outside baka nilalamig ka na at ubuhin ka pa.” Saad ko at siya namang tiningnan ako habang tipid na nakangiti.
“Malakas ang katawan ko, sira HAHAHAHAHA!” Aniya saka tumawa nang malakas. “I really enjoyed this night. Brace yourself, Owen... We will party like this again. ”