Kabanata 10

848 Words
“Owen, gising! Aalis na raw kayo ni Raven.” Rinig ko sa malakas na salita kaya sandali akong napamulat. Agad naman akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako nang p*******t ng ulo. Argh! Where am I? Sandali! Aalis na raw kami ni Raven? Parang bigla naman akong natauhan nang marealized na isinama nga pala ako ni Raven kagahapon rito sa may beach at nagparty kami hanggang hating-gabi. “I-I'm already up. M-mag-aayos lang ako.” Saad ko saka kinapa sa side table ang salamin ko bago dali-daling nagtungo sa cr nitong kwarto kung saan ako natulog. Wala akong nakita toothbrush kaya naman naghilanos at nagmumog lang ako bago lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Raven na nakaupo sa may sofa na halatang naghihintay. “R-Raven,” Pagkuha ko sa atensyon niya at siya namang tumayo muna bago ako binalingan ng tingin. “It's already ten in the morning. Let's go. Ihahatid pa kita s— where's your shirt?” Nagtatakang tanong niya na siya namang ikinagulat ko. Bakit hindi ko narealized ka-agad na wala pala akong suot na damit simula paggising ko? “A-Ano... I-I don't have one. You only gave me a swimming trunk l-last night.” Saad ko. Nasaan nga rin pala 'yung hinubad kong uniporme kagahapon? Hindi ko na rin maalala kung saan ko inilagay iyon kahapon. “Owen, may damit rito si Claw. You can wear it. It's clean naman kaya pwede mong magamit.” Rinig kong saad ni Ylea sa may bandang likuran kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko. Inabot niya ka-agad sa akin ang isang t-shirt na agad ko namang kinuha. “T-Thank you but Claw might get angry if I wear his shirt.” Saad ko pero nakangiti itong umiling. “Hindi niya malalaman. Saka umuwi na 'yon sa kanila kani-kanina lang kasi may pasok siya sa school. Papasok na nga rin sana ako kaso may pinuntahan kami kanina ni Raven kaya hindi ako nakapasok.” Tumatawang saad ni Ylea at sumulyap pa sa babaeng nasa likuran ko. Oo nga pala may pasok pa! Ito ang pangalawang beses na hindi ako pumasok. May dalawang absent agad ako sa first week ng school year. Geez! “G-ganoon ba? S-sige. S-Salamat!” Saad ko saka parehong tumalikod sa kanila bago isinuot ang t-shirt ni Claw. “You done?” Seryosong tanong ni Raven kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya at tumango. “Y-yeah.”Sagot ko saka naman binalingan ng tingin ni Raven si Ylea at nakita ko pa itong tumango. “Okay. Ingat kayo Raven, Owen.” Nakangiting saad ni Ylea at kumaway pa. Naglakad naman na papalabas si Raven jaya nataranta akong bigla. Ganoon na lang ba siya magpaalam? “A-ah, Ylea, thank you for letting us stay here. M-Mauna na kami.” Saad ko at akmang susunod na sana kay Raven nang marinig ko pa itong magsalita. “Goodbye! Ingatan mo 'yang kaibigan ko, Owen.” Aniya kaya ngumiti ako bago tumango saka nagmamadaling sumunod kay Raven na naabutan kong naglalakad patungo sa may elevator. Tahimik lang naman kaming magkatabing naglalakad hanggang sa makapasok at makalabas kami ng elevator hanggang sa makalabas pa ng building ng hotel. “A-uhm, R-Raven, 'yung c-cellphone ko?” Utal na tanong ko dahil pakiramdam ko ay bumalik na ang tunay na Raven sa katawan niya. Masyado kasi itong seryoso at hindi nagsasalita. “It's in the car. I'll give it to you later.” Seryosong aniya na ikinatango ko na lamang at muling sinundan ito sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kaniyang kotse. Nang makapasok sa kaniyang kotse, agad naman niyang ibinigay sa akin ang mga gamit ko kabilang na ang bag, phone at school uniform. Hindi nagtagal nagsimula nang magmaneho si Raven pauwi habang ako naman ay binuksan ang cellphone ko upang tingnan kung may mga messages akong natanggap dahil baka sakaling hinahanap na ako nina Daddy. Laking pagtataka ko nga lang nang makitang wala akong natanggap ni-isang message na hinahanap o nag-aalala ang mga ito sa akin. Kahit si Kuya Ed ay wala man lamang text akong natanggap galing sa kaniya. Parang mga wala itong pakialam at hindi nag-aalala kahit na hindi ako umuwi ng isang gabi. Sa ilang minutong pagbyahe namin, biglang inihinto ni Raven ang kaniyang kotse kaya nagtataka akong tumingin sa labas at nakitang nakapila pala kami sa isang drive-thru ng isang sikat na fastfood restaurant. “What do you want to eat? Baka nagugutom ka na? Hindi ka pa naman nag-aalmusal.”Saad ni Raven. Oo nga pala, hindi pa ako nag-aalmusal dahil nag-aya ka-agad na umalis si Raven. Isa pa, ni-hindi rin kami inaya ni Ylea na mag-almusal bago umalis. Pero ayos lang naman dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Balak ko sanang tumanggi pero akmang magsasalita pa lang sana ako ng may isang lalaki na ang kumatok sa bintana ng driver's seat nitong kotse. Isa itong employee nitong fast-food restaurant. Nagtanong ito kung ano raw ang oorderin namin. Sasabihin ko sanang hindi na ako mag-oorder nang magsalita si Raven at siya na ang umorder para sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD