Kabanata 10.1

1087 Words
“T-thank you, Raven! T-Thank you din sa breakfast!” Nahihiyang pasasalamat ko bago nang makalabas ako ng kaniyang kotse dahil nasa tapat na kami ng bahay ko. Tumango lang naman ito at hindi na nagsalita saka mabilis na nagpaharurot ng kaniyang sasakyan paalis. Napailing-iling na lang ako dahil ito ang pangalawang beses na hinatid niya ako at parati itong mabilis umarangkada kapag naihatid na ako rito sa tapat. Kanina, after naming makuha ang order namin sa drive-thru, pinakain na agad ako ni Raven ng mga inorders niya habang siya naman ay humihigop ng kape habang nagmamaneho. Hindi ko rin inaasahang ikekwento niya kanina ang dahilan nang pag-away ni Claw at Ylea kagabi. Dahil daw pala iyon sa nagpapaturong lumangoy si Ylea kay Claw pero ayaw naman raw ni Claw kaya nauwi sa away. Nabanggit rin ni Raven na iyon talaga ang palagi nilang pinag-aawayan noon pero hindi raw niya inaasahan na pati raw kagabi ay pag-aawayan pa nila iyon. “Good morning, sir!” Nakangiting bungad ng aming guards nang makita nila ako rito sa labas ng gate. Agad naman nila akong pinagbuksan upang ako ay makapasok. “Mga Kuya, kumusta rito kagabi? Hinanap ba ako ni Daddy?” Tanong ko pero umiling ang mga ito. “Hindi naman po, sir. Saka wala po si Sir. Anton kagabi, sir. Umalis po siya ng kagahapon ng hapon para mangibambansa dahil po sa trabaho. Hindi po ba siya nakapagpaalam sa inyo, sir?” Mahabang lintanya nitong isang guwardya na ikinatango-tango ko. Ibig sabihin ay hindi alam ni Daddy na hindi ako umuwi kagabi? Medyo kinabahan pa naman ako habang pauwi dahil inaalala ko ang magiging reaksyon ni Daddy pag-uwi ko dahil hindi ako nakapagpaalam sa kaniya. “Ganoon po ba? Sige po. Pasensya na po sa pag-abala sa trabaho niyo.” Saad ko saka iniwan na ito at dumiretsyo patungo sa bahay. May ilang mga katulong rin akong nakakasalubong na panay ang bati sa akin ng magandang umaga, magandang tanghali at tinatanong ako kung nag-almusal na ba ako? Kaya naman panay ang bati ko sa kanila pabalik at pagtango upang ipaalam na nag-almusal na ako. Nang makapasok sa loob ng aking kwarto, mabilis kong itinapon sa kama ang aking bag kasama na sa loob ang aking school uniform at cellphone bago nagmamadaling pumasok sa banyo upang maligo. Medyo nanlalagkit din ako dahil sa init habang bumabyahe kami kahit pa may aircon naman ang kotse ni Raven. Matapos kong maligo, ka-agad naman akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok bago pasalampak na humiga sa kama sa tabi ng aking bag. Parang pakiramdam ko ay inaantok pa ako. ***** “Sir. Owen!” *Tok tok tok* “Sir. Owen!” *Tok tok tok* Marahan akong napamulat ng mga mata nang marinig ko ang boses ng isa sa aming mga kasambahay. Nakatulog pala ako? “Sir. Owen!” *Tok tok tok* Nang muli kong marinig ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ko ng babaeng nasa labas, sandali akong nagpakawala ng buntong hininga. Marahang ginusot ko rin naman muna ang aking mga mata saka marahang bumangon at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan ang babaeng nasa labas. “What is it?” Kalmadong tanong ko sa babaeng nasa harap ko. Isa ito sa mga kasambahay namin rito. “Natutulog ka po ba, Sir? Pasensya na po sa abala. Tumawag mo kasi si Manong Elmo. May magandang babaeng nakakotse raw pong nasa labas ng gate hinahanap ka raw po.” Saad nito na ikinagulat ko. Si Raven? Bakit naman niya ako hinahanap? “Sir Owen, gusto raw po kayong makausap nung Raven.” Dagdag pa nito at iniabot sa akin ang telepono. Parang nagdalawang isip naman ako kung sasagutin ko ba o hindi? Hindi lang kasi maproseso sa utak ko kung bakit nandito si Raven? “Hello, is this Owen Royu?” Rinig ko sa pamilyar na boses na nanggagaling sa telepono. “Y-yes. H-hndi ka ba pinapapasok ng guards? Let me talk to th—” “No, thank you! I don't have time to come in. I'm here to fetch you. It's already 12:30. You only have 15 minutes to come outside and to not to be late to school, Owen. Mukhang wala ka atang balak na pumasok purque hindi ka pumasok kaninang umaga?” Rinig kong saad ni Raven mula sa kabilang linya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa pagkagulat. Hindi ba siya naman ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakapasok kaninang umaga? Pati na rin pag-absent ko ng ilang beses sa school ay siya rin ang dahilan. Hayst! Shxt! “I-I'm comi— *tot tot tot*” Pinatayan ako ng tawag ni Raven. “Ate, here. Thanks for waking me up.” Saad ko at nagmamadaling ibinalik sa kaniya ang teleponong hawak ko bago nagtungo sa aking closet para kumuha ng school uniform. Dali-dali rin akong nagtungo sa banyo upang magpalit at mag-ayos. Pagkatapos ay nagsuot na rin ako ng sapatos at dali-daling hinila ang bag ko bago patakbong lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan “Sir Owen, gising ka na pala. Kain na po kayo ng tanghali—” “No need! Sa school na lang ako kakain.” Dali-daling saad ko at akmang tatakbo na sana papalabas ng bahay nang maalala ko si Kuya Ed. “Manang, tell Kuya Ed na may magsusundo sa akin ngayon kaya magpahinga na lang muna siya.” Pahabol ko bago tuluyang tumakbo papalabas ng bahay. Pagkadating na pagkadating ko naman sa gate ay bumungad sa akin ang pulang kotse sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng gate at nagtungo sa kotseng nakaparada sa tapat. “What? Want me to open the door for you?” Taas-kilay na sambit ni Raven kaya agad naman akong umiling at pumasok sa kaniyang kotse at siya namang inistart ang kotse habang ako ay nagsusuot ng seatbelt. “Tapos ka na?” Tanong niya na ikinataka ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “H-ha?” Saad ko. Bumuntong hininga naman ito at seryoso akong tiningnan bago tumingin sa seatbelt ko na siya atang tinutukoy niya. “A-ah, y-yeah.” Kumakamot sa batok na saad ko at siya namang nagsimula nang magmaneho paalis. “Low-gets ka ba talaga?” Rinig kong tanong niya habang patuloy pa rin ito sa pagmameho. “H-ha?” Tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan. Bigla naman akong nagulat nang bigla itong tumawa at parang nang-aasar akong tiningnan. “Ah, low-gets ka nga.” Tumatawa niyang sabi. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan si Raven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD