Kanina, nang makarating kami sa school ni Raven, bumalik na naman siya noong una ko siyang makita. I-I mean seryoso lamang ito at hindi na naman ngumiti katulad kagabi na ang saya-saya niya pa dahil pahalakhak din siya kung tumawa kagabi. Nakatutok lang rin ito sa cellphone niya at itatago lamang kapag may guro nang pumasok. Focused rin ito sa pag-intindi ng mga lesson at parang kabaliktaran naman ako dahil sa sobrang pagbantay ko sa mga ginagawa ni Raven, e siya na ang focus ko at hindi na ang mga lessons.
Nakakatawa rin kanina dahil nang kukuha na sana ako ng notebook para mag-take ng notes ay bumungad agad sa akin ang school uniform kong nasa loob ng aking bag na siyang sinuot ko kahapon. Hindi ko nga pala ito natanggal kanina sa kwarto ko dahil agad ako noong naligo at nakatulog pa. Hindi rin ako nakakain ng tanghalian kaya naman nakakaramdam na ako ng gutom. Kasalukuyan na rin akong naglalakad patungo sa cafeteria ng mag-isa. Nahihiya kasi akong ayain si Raven dahil busy ito sa kaniyang cellphone.
Vacant naman kami ngayong oras kaya may isang oras rin kaming pahinga kaya naisipan kong ngayon kumain.
Akmang liliko sana ako sa kanan nang bigla akong mapaatras dahil sa lalaking nakabangga ko.
“H-hala? Dude, are okay? P-pasensya na hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko.” Rinig kong saad ng isang lalaki pero hindi agad ako naka-angat ng tingin dahil ngayon ko lang narealized na basa na pala ang polo ko dahil sa juice na hawak nitong lalaki. “Shxt! Basa ang polo mo, pare. Pasensya na talaga. Sandali, may extrang polo ako sa locker. Kukunin ko lang.” Dagdag pa nitong lalaki at akmang aalis na nang hawakan ko ang braso nito upang pigilan.
Nakita ko naman ang ilang estudyanteng pinagtitinginan na rin pala kami. Nakakahiya! Hindi talaga ako sanay na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil pakiramdam ko ay kaya ako pinagtitinginan ay dahil binubully na naman ako. Marahang ibinaling ko naman ang tingin ko sa mukha ng lalaking nakabangga at nakatapon sa akin ng kaniyang juice ng laking gulat ko nang makitang si Rui pala ito. Si Rui ang lalaking gusto ng mga kababaihan rito sa Valentino High dahil sa bukod sa matalino ito at magaling maglaro ng chess, e gwapo rin ito. Siya iyong tipo ng lalaki na para bang hindi mo mahahanapan ng mali sa pagkatao niya. Iyon kasi ang palaging naririnig ko sa mga kakabaihan rito sa Valentino High. Masyado raw ginalingan ng mga magulang ni Rui kaya ipinanganak daw itong perpekto.
“Dude, are you okay?” Rinig kong tanong ni Rui na para bang nag-aalala kaya naman para akong nabalik sa realidad.
“A-ah, yeah. I'm fine. M-Mauna na ako.” Saad ko saka ito binitawan dahil hanggang ngayon ay hawak ko pa rin pala ang braso niya.
Akmang tatalikod na sana ako nang marinig ko itong magsalita.
“Wait! You need to change your clo—”
“Owen? Anong nangyayari rito?” Para naman akong nagulat nang marinig ang seryosong boses ni Raven. Nasa likuran ito ni Rui kaya nakita ko agad ang nakakunot-noo nito itsura.
Napansin ko naman ang biglang pagbukungan ng ilang estudyanteng nanunuod kaya parang nakaramdam na naman ako nang pagkahiya.
“W-wala. Nagkabanggaan lang ka—”
“Raven?” Para bang gulat na pagbanggit ni Rui sa pangalan no Raven.
Nakita ko namang seryoso lamang itong tiningnan ni Raven. Agad naman siyang nilapitan ni Rui.
“Raven, why are you here? Wait! What the hell? You are a student? I tho—”
“Rui Campollo?” Para bang kinikilalang sambit ni Raven at saglit akong tinapunan ng tingin bago nito hinila si Rui papalayo.
Naiwan tuloy akong mag-isa at pinagtitinginan pa ng ilang estudyante. Kamot sa ulo tuloy akong naglakad patungo sa locker area dahil sa hiya. Pinagtitinginan rin ako ng ilang estudyanteng nadadaanan ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Para akong naligo sa isang baso ng juice!
Nang makarating sa locker area, kinuha ko rito ang P.E t-shirt kong nasa loob at saka nagtungo sa pinakamalapit na restroom upang magpalit. Medyo nanlagkit rin ako kaya sandaling binasa ko ng tubig ang parte kung saan nabasa ng juice saka pinunasan ng parte ng polong hindi nabasa ng juice.
Nang makapagpalit, iniwan ko na lamang sa basurahan ang polo ko dahil wala naman akong mapaglalagyan ng polong iyon dahil basa. Muli rin akong nagtungo sa cafeteria upang kumain na para bang walang nangyari. After I ate, bumalik na rin ako sa classroom.
Papasok pa lang ako ng classroom nang makita ko agad si Raven sa tabi ng upuan ko. Akala ko kasama siya ni Rui?
Nang makarating sa tapat ng upuan ko, uupo na sana ako nang mag-angat ng tingin si Raven kaya naman nagkatitigan kami.
Sandaling tumingin ito sa suot ko at kumunot ng noo.
“You already change your shirt?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Y-yeah, I-I have a P.E uniform in my locker k-kaya nagpalit ako agad.” Sagot ko.
“Hmm... That's nice!” Aniya at saka hinarap ang bag niya upang buksan ito at kinuha ang isang polo bago iniabot sa akin. “If you have time please paki-balik 'to kay Rui.” Aniya.
Hindi ko pa sana kukunin ang polo nang ihagis niya ito patungo sa akin. Ipinahiram kaya ito ni Rui para makapagpalit ako? Hindi nga siya basta matalino, mahusay sa chess at gwapo lang. Mabait rin si Rui.
“O-okay.” Utal na saad ko saka tuluyang umupo sa aking upuan, sa tabi ni Raven.
Ilang sandali pa, dumating na rin ang huling subject teacher namin at nagsimula na ring magturo. Katulad kanina, focus pa rin si Raven sa pag-intindi sa mga itinuro ng aming subject teacher. Nang uwian na, mabilis kong inayos ang mga gamit ko at akmang aalis na sana para lumabas nang hawakan ni Raven ang kamay ko.
“Where are you going?” Takang tanong ni Raven at nagpatuloy sa pag-ayos ng kaniyang mga gamit.
“L-Lalabas na. I-Isasauli ko na rin itong polo ni Rui.” Sagot ko pero nakita ko itong umiling.
“As in... right now?” Tanong niya kaya naman tumango ako.
“O-oo. M-may problema ba?” Malumanay kong tanong sa kaniya.
“Yes, actually. There's a club that I wanted to go to. And, I'm also planning to go with my friend Owen Royu.” Aniya at binanggit pa ang pangalan ko as her friend.
Isa pa, sa club? Hindi ba siya nagsasawang pumunta sa mga ganoong lugar? Simula noong nakaraang araw na dinala niya ako sa club kung saan nakilala ko si Christy, e pagkasunod na araw naman, kahapon, e dinala niya ako sa isang beach party at kaninang umaga lang kami umuwi tapos ngayon isasama niya ulit ako sa isang club na gusto niyang puntahan?
Hindi ba siya nagsasawang uminom?
Sandali, sa bagay, never ko pang nakikitang uminom ng alak si Raven. Palaging ako ang pinapainom niya ng alak. Nakita ko na siyang humawak ng bote ng alak pero sa akin niya naman pinapainom iyon.
“A-ahm, d-do I really need to come with you, Raven?” Tanong ko na para bang nahihiya. Para ngang hindi nahihiya kung hindi kinakabahan dahil sa takot ko na rin kay Raven.
“Why? Ayaw mo bang sumama sa akin na kaibigan mo?” Tanong niya habang nakakunot-noo.
Kaibigan? Are we really friends? Mukhang pinaglalaruan niya nga lang ako lalo na pagdating sa pag-inom ng alak dahil palaging ako lang ang pinapainom niya.
Nakakatakot namang tumanggi dahil feeling ko nakasalalay rito ang kompanya namin.
“A-ah, h-hindi naman. I'll come with you.” Saad ko.
Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon, hinila na nga ako ni Raven palabas ng classroom upang matuloy ang gusto niyang magpunta sa club na gusto niyang puntahan.