"Wait! Raven, saan tayo kakain?" Sambit ko bago magsimulang magmaneho dahil hindi ko pa naman alam kung saan kami pupunta. Baka mamaya ay mali ang madaanan namin. "Remember where the first time I taught you how to drink beer?" Tanong ni Raven kaya sandali akong napaisip. Iyon 'yung bar kung saan nakilala ko si Christy. "Oo. Bakit, Raven?" Tanong ko. "Let's go there. I won't let you drink this time. Let's just eat." Nakangiting aniya na ikinatawa ko saka nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi? Eh, kapag pumupunta kami palagi sa mga bar, e palagi niya rin akong pinapainom ng mga alak. "I don't believe you. I think it's impossible. Ikaw pa, ikaw kaya si Raven Valentino na mahilig akong palaklakin ng mga alak." Natatawang saad ko at sandali itong bi

