"Owen, balita ko may kasama ka raw na magandang chix kahapon sa isang Café?" Saad ni Tyler nang akmang dadamputin ko ang isang cup noodles rito sa Mini Stop sa may gasoline station. Magandang chix? Sa Café? Paano niya nalaman? "How did you know?" I asked at kunot-noo itong tiningnan. Inginuso naman niya ang lalaking nabugbog noong nakaraang linggo sa labas ng bar na busy ngayon sa pagpili ng kaniyang bibilhin. "Bryan told you?" Takang tanong ko. Tumango naman ito at saka ibinaling sa mga cup noodles na nasa harap namin ang tingin niya. "Yeah, sino 'yon? Sa pagkakaalam namin hindi ka nakikipag-date, ah?" Aniya at saglit pa akong tiningnan. Ngumisi naman ako. Oo hindi ko hilig ang nakikipagdate pero kung si Raven naman ay okay lang sa akin. I know her attitude already at gusto ko r

