"I know she likes Owen too but she keep ignoring her feelings for him para lang huwag masaktan si Owen sa dulo. She's too selfish! Sarili niya lang din ang sinasaktan niya. Nakita ko kung gaano sila kasaya noong gabing pumunta sila sa perya, Ylea. Kung nakikita niyo lang sa Valentino High kung paano nila titigan at itrato ang isa't-isa masasabi niyong bagay at masaya silang dalawa sa isa't-isa. Ylea... ayaw ko nang lokohin pa si Owen. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang totoo na may sakit si Raven at hindi talaga siya nagpunta sa Cebu." Mahabang lintanya ni Canary habang lumuluha. Akmang ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita nang maunahan ako ng isang pamilyar na boses. "You're also being selfish, Canary." "C-Claw." Utal kong pagtawag sa lalaking nagsalita at tumayo pa.

