It's Saturday, kasalukuyan akong nagpapahinga rito sa loob ng aking kwarto. Nakadapa ako sa aking kama habang nakatutok ang aking atensyon sa patay na tv nasa harapan ko. Kakauwi ko lang dahil inihatid namin kanina ni Dad sa airport ang business partner niyang si Mr. Takishima at ang nag-iisa nitong anak na si Akihiko. Pagkauwi ko kasi noong thursday sa condo, nagulat ako dahil may isang maid kaming nasa labas ng unit ko. Iyon pala ay hinihintay ako para sabihing sa bahay daw ako umuwi noong gabing iyon dahil may importanteng pupuntahan daw kami ni Dad kinabukasan. Kaya naman kahapon, friday, ay hindi ako pumasok buong araw dahil isinama ako ni Dad sa isang gathering kung saan nakilala ko ang ibang business partners niya at ang pamilya ng mga iyon. Mayroon naman na rin akong ibang kaki

