Chapter 16

1410 Words
CHAPTER 16: SELOS Naligo ako, nagbihis at nag-ayos nang matapos kumain. Paalis na ako ng kwarto nang tumawag sa akin si Travis. "Good morning, Aphrodite!" Napangiti ako dahil sa bati niya. "Good morning din!" "Can I know if nakaalis ka na?" "Sa bahay?" litong tanong ko. "Paalis pa lang ako, e. Bakit?" "Susunduin sana kita. If okay lang sa 'yo." Bigla kong naalala si Felix. Ang sabi niya ihahatid niya ako. Pero baka busy siya? Pwede naman akong magpahatid kay Travis. "May maghahatid na kasi sa akin, Travis. Pero para sure, ask ko muna siya kung maihahatid niya ako o magpapasundo na lang ako sa 'yo." "Sure! Just text me your answer, Aphrodite." "Sige! By the way, nag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanya. "I'm on my way for drive thru." "Ah! Okay, eatwell! Ask ko na lang si Felix tapos text kita." "Sure, Aphrodite. Thank you," marahan pa ring sambit niya bago nagpaalam. Ang sweet niya talaga kahit kailan! Sinigurado kong maayos na ang itsura at mga gamit ko bago lumabas. "Felix!" tawag ko nang kumatok ako sa pinto niya. Nakailang katok pa ako bago niya ako pinagbuksan. "What?!" iritado pa rin siya kaya napanguso ako. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko imbes na sabayan ang inis niya. "Bakit galit ka na naman? May problema ba?" Naka-tatlong tanong na ako pero nanatili lang siyang nakatitig lang sa akin. Walang ka-emo-emosyon sa mga mata niya. "Felix? Sabihin mo naman sa akin para alam ko kung sa akin ka galit o dahil sa trabaho. Ayaw kong ganito na naman tayo," pakiusap ko. Umigting ang panga niya. Tumalikod at marahas na sinuklay ang sarili niyang buhok. "I'm..." panimula niya at huminga siya ng malalim bago ako hinarap ulit. "Tangina! Pinipilit ko namang 'wag magselos, Aphrodite!" Napakurap ako at napayuko nang tignan niya ako gamit ang nanunubig, nasasaktan at galit niyang mga mata. "Pero, tangina, hindi ko mapigilan! Nagpapaalam lagi si Travis sa akin kung pwede ka niyang sunduin o ihatid. Gusto kong ako 'yong gagawa no'n pero anong magagawa ko, siya 'yong gusto mo?" Ngumisi pa siya nang hindi ako makasagot agad. "Gano'n ba 'yong tipo mo? Kaya ko naman ring maging gano'n, Aphrodite. Kaya ko namang maging mabait sa 'yo, kaya kitang pagsilbihan, kaya kitang pasayahin..." pahina nang pahina ang boses niya. "...kaya rin kitang respetuhin kahit na sa bawat oras na kasama kita, gustong-gusto kong halikan ka." Nanubig ang mga mata ko nang maramdaman ang kirot ng dibdib ko. "Tangina! Ayaw ko nang ganito. 'Wag ka nang iiyak. Mas ginagalit mo ako." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pero hindi ko napigilang humikbi. Nasasaktan ako sa sinabi niya. "Sige na, alis na, Aphrodite," mas naging mahinahon ang boses niya. "Baka parating na si Travis." "Sige na, okay lang ako. Makakahanap din ako ng iba," pagpupumilit niya at hinawakan ang balikat ko. Marahan pero pwersahan niya akong ipinatalikod sa kanya at itinulak palabas ng kwarto niya. Nang makalabas ay kaagad niyang isinarado ang pinto niya. Napaluhod ako dahil sa panghihina at napahawak sa dibdib. Ang bilis ng t***k nito pero masakit. Halos hindi na ako makahinga. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Humikbi ako bago sagutin iyon. "Nandito na ako, Aphrodite. Sabi ni Felix ako na raw ang maghahatid sa 'yo. Ready ka na ba?" Napapikit ako at hinayaan ang pagtulo ng luha. Si Felix ang nagsabi? "Aphrodite?" tawag niya sa akin. Tumango ako at huminga ng malalim bago sumagot, "Sige, pababa na ako, Travis." "Okay, take your time, Aphrodite," ramdam ko pang nakangiti siya habang sinasabi iyon. Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ako tumayo. Saglit kong inayos at itsura sa kwarto bago lumabas. Napatingin pa ako sa saradong pinto ni Felix. Nasasaktan ako na nasasaktan ko siya kasi si Travis 'yong gusto ko. "I'm sorry..." bulong ko bago iyon nilagpasan. "Hi!" pinilit kong maging masigla nang makita si Travis nang makalabas ako ng bahay. Mula sa ngiti niya, bumaba ang tingin ko sa bouquet ng pulang rosas na hawak niya. "Hi, Aphrodite." Ngumiti siya at dahan-dahang inilahad sa akin ang bulaklak. "I know it's too early for this but I like to give these flowers for you. I like you. Since the first time we met and I think, I'm falling for you now." Imbes na kilig ay nasasaktan ako dahil sa pag-amin niya. Si Felix ang kaagad na pumasok sa isip ko. "Uh, sorry, nabigla ka yata," nag-aalangang tanong niya nang mapansing naluha ako. Umiling ako at mabilis na nagsabi ng dahilan. Dito naman ako magaling, e. Ang mag kunwaring ayos lang. "Okay lang, Travis. First time ko kasing makatanggap ng ganito kaya hindi ako makapaniwala. Thank you!" sagot ko at niyakap iyon. Mas lalong kumirot ang dibdib ko. Bakit ba si Felix ang iniisip ko? Si Travis ang kaharap ko, nasa kanya dapat ang buong atensyon ko. "Na-aapreciate ko, sobra!" Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko bago ko siya tinignan. Malumanay siyang ngumiti at pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaking daliri niya. "Sa totoo niyan, gusto rin kita, Travis. Alam mo ba kung ano ang pumasok sa isip ko no'ng nakilala kita? Na ikaw na. Ikaw 'yong ideal man na dati sa imagination ko lang binubuo." "Really?" Mas lalong lumaki ang ngiti niya at hinawakan ang kamay ko. "So, can I court you, Aphrodite?" Mabilis akong tumango. Nagulat ako nang bigla niya pa akong yakapin. Mapait akong napangiti at ginantihan iyon. "You never failed on making me happy, Aphrodite. Thank you so much for giving me a chance." "It's because I also want to fall in love with you, Travis," seryosong sagot ko dahil alam kong ito ang pinakatamang desisyon kahit masasaktan ko lang si Felix–ang kaibigan niya at ang kapatid ko. Pinilit kong ituon ang atensyon sa pag-aaral at kay Travis. Dahil hindi na naman pumasok si Clyde ay wala akong kasabay kumain ng lunch. Niyaya ako ni Travis na kumain kami sa labas pero tumanggi ako dahil baka may makakita sa aming schoolmate. Nasa tamang edad naman na ako pero ayaw kong ma-issue sa pakikipagrelasyon sa kanya habang may pasok at Instructor ko siya. Pag-uwi ko ay si Clyde kaagad ang hinanap ko. Gusto ko kasing malaman kung ayos na siya. Pero paakyat pa lang ako ng hagdan nang makasalubong si Felix. Nakasuot siya ng earpods sa magkabilang tenga. Tinignan ko siya at akmang ibubuka na ang bibig para batiin siya pero nilagpasan lang niya ako para bumaba na siya. Iniiwasan niya ako? Nilingon ko siya para sana sundan pero napatigil ako nang may napagtanto. Ganito naman ang gusto ko, 'di ba? Pero bakit gano'n? Ang sakit na binabalewala niya na lang ako. "Okay ka na?" tanong ko kay Clyde nang pagbuksan niya ako ng pinto. Humalakhak naman siya at inangat ang mukha ko para mas makita iyon ng mas maayos. "Ano ba, Clyde!" reklamo ko pero mas lalo siyang natawa. "Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo! Okay ka lang?" "Oo naman!" mabilis na sagot ko at ngumiti dahil baka halata niyang disappointed ako kay Felix kanina. "Buti naman! Ang lungkot mo kasi!" aniya at inakbayan ako para yayain sa kwarto niya. "Kamusta ka kanina? Sinong kasabay mong kumain?" "Wala. Syempre, wala ka," paliwanag ko dahilan para mapangiwi siya. "Si Kuya Travis sana! Nakita kong sinundo ka niya kanina tapos may pabulaklak pa!" may malisya niyang dagdag at ngumiti ng malawak. "Nililigawan ka na niya?" Napanguso ako parq pigilan ang sariling mahawa sa ngiti niya. "Oo. Gusto niya raw ako," nahihiyang paliwanag ko at hinampas siya nang humiyaw siya. "Sagutin mo na agad si Kuya Travis para may boyfriend ka na!" "Ayaw ko pa. Kilalanin ko muna siya," pagtanggi ko bago iniba ang topic. "Ibibigay ko na pala sa 'yo 'yong notes ko sa mga lesson kanina." "Ouch! Sumakit bigla 'yong pasa ko!" reklamo niya at nagmadaling humiga sa kama. Napailing na lang ako at hindi mapigilang matawa dahil sa pagdadahilan niya. Kanina, ang sigla-sigla niya tapos ngayong pagdating sa pag-aaral, manghihina siya. Ang tamad talaga niya sa ganitong bagay! "Iiwan ko rito para may babasahin ka kapag may time ka na," paliwanag ko bago na siya iniwan. Pagpasok ko sa kwarto ko ay bumungad sa akin ang katahimikan. Parang nakakapanibago dahil wala si Felix na nakatambay sa kama ko. Nakakamiss! Nasanay na ako yata ako sa kakulitan niya. Pero mas okay na 'to. Saka ko na lang siguro siya kakausapin ulit kapag wala na siyang feelings sa akin. Para hindi ko na siya masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD