Chapter 17

1538 Words
CHAPTER 17: CHANCE TO SAY 'NO' "Mommy, feeling mo magugustuhan po ito ni Clyde?" tanong ko habang sinusuri ang isang sapatos na Nike. May kamahalan pero mahilig mangolekta ng mga ganito si Clyde kaya pagkakagastusan ko na. Kapag naman kasi kami ang may birthday ay ini-spoil niya rin kami. "I think so! You know how he loves basketball, hija! He can surely use that too," masayang sagot niya at humalakhak pa bago lumayo sa akin para maghanap ng iba pang ipanre-regalo sa bunso niya. Napangiti ako at hinaplos iyon nang biglang may kumuha! Napaayos ako ng tayo at kaagad na sinundan iyon. Gano'n na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. Si Felix. Nakasuot pa ito ng tipikal na business suit kaya alam kong galing siya sa trabaho. Hindi ko lang alam kung bakit nandito siya. Wala kasi siya kanina sa bahay kaya kaming dalawa lang ni mommy ang lumabas para mamili. Ibinaba ko ang tingin sa sapatos na hawak niya nang tumagal ang titig niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay bihira ko na lang siyang makita dahil palagi siyang gabi na kung umuwi. Pakiramdam ko, iniiwasan niya ako kaya iiwas na lang din ako. "Bibilhin mo ba 'yan? Kapag hindi, ibigay mo na lang sa akin. 'Yan kasi sana ang ipanreregalo ko kay Clyde," mahinahong sambit ko bago ako tumalikod sa kanya at nilapitan si mommy para ibalita ang presensya ni Felix. "Mommy, nandito po si Felix." Nakita ko ang mabilis na paglingon niya sa akin at pagliwanag ng mukha niya. Na-miss niya rin siguro ang panganay na anak niya. "Really? Where is he?" mabilis na tanong niya at sinundan ako. Napangiti ako nang magbatian sila at niyakap pa siya ni mommy. Kaso, kaagad din akong nag-iwas ng tingin dahil nakatitig na naman siya sa akin. "I'm here to buy a gift for Clyde too," paliwanag niya sa ina bago ibinalik ang tingin sa akin. Bakit ba tingin siya nang tingin? May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko? Inayos ko ang sarili at napatingin kay mommy nang hawakan niya ang braso ng anak dahilan para maputol ang pagtititigan namin ni Felix. "That's great! Have you eaten dinner? Sumabay ka na sa amin ni Aphrodite mamaya." Muli akong binalingan ni Felix at nakita ko ang ngisi niya bago siya tumango. "Sure, mom!" "Aphrodite, have you decided what to buy?" Nilihis ko ang tingin kay mommy nang tawagin niya ako at mabilis na umiling. "Hindi pa po, mommy. Magtitingin pa po ako," paliwanag ko bago ako nagpaalam sa kanila at bumalik sa pwesto kanina. Mga naka-sale kasi iyon. Wala naman akong budget para sa mga bagong labas na design kaya rito na lang. Sayang nga at nakuha na ni Felix iyong nagustuhan ko kanina. Muli akong yumuko para tignan ang iba pang disensyo. Nang biglang may pamilyar na brasong nagbalik ng gusto kong bilhin na sapatos sa pwesto nito kanina. Umayos ako ng tayo at kaagad na nilingon si Felix dahil alam kong siya iyon base sa pabango niya. Pero agad akong nag-iwas ng tingin dahil ang lapit niya sa akin. "You can have this. I'll buy another one," aniya kaya mapatango ako at muling kinuha iyon bago pa maagaw na naman ng iba. "Uh, may sasabihin ka pa ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya nang manatili siya sa gilid ko. Nakayuko pa rin siya ng kaunti at nakasandal ang kamay niya sa bakanteng lalagyan ng sapatos. Hindi ako komportable dahil nararamdaman ko pa ang hininga niya sa tenga ko dahil sa pwesto niya. "I missed you," bulong niya dahilan para mapalunok ako ng mariin. Halos hindi ako huminga hanggang sa umayos siya ng tayo at sa wakas ay lumayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at napahawak ako sa dibdib ko para huminga ng malalim. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin at aamin ko, namiss ko rin siya. Sobra! Iniwasan ko si Felix hanggang sa makarating kami sa isang Chinese Restaurant. Dahil katabi ni mommy ang bag niya ay wala na akong choice kun'di tumabi kay Felix. Hindi ko mapigilang panoorin siya nang hubarin niya ang itim na coat at isinabit iyon sa upuan niya. Napalunok pa ako nang tumitig siya sa akin habang isa-isa niyang kinakalas ang unang dalawang botones ng puting longsleeves na suot niya. Hindi ko alam kung fitted iyon o sadyang malaki lang ang muscles niya kaya kitang-kita ang triceps niya. He really looks dangerously hot. A hot daddy! Agad akong nag-iwas ng tingin at uminit ang pisngi nang ngumisi siya siya. Sakto rin namang dumating na agad ang order namin kaya kumain na ako at hindi na siya pinansin. "Clyde told me he wanted a beach party," ani Felix kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Really, son? We're planning to give him a hotel party so he could have fun with his friends and teammates," tanong ni mommy kaya sumali na rin ako sa usapan nila. "Gusto po talaga ni Clyde na mag-outing, mommy! Nasabi niya rin po sa akin na sana makapagbakasyon tayo kahit isang gabi lang tutal long weekend po next week," masayang paliwanag ko sa kanya. Nahihiya akong ngumiti nang tumawa siya. "You want to take a vacation too, hija? I'll talk to your dad about that!" Mas lumaki ang ngiti ko dahil sa saya. "Thank you po, mommy!" Tumango-tango siya at binalingan ang katabi ko. "Are you free next weekend, Felix? Even just for—" "Sure!" mabilis na sagot ni Felix kaya napatigil si mommy at napangiti ulit. "Alright! Hopefully, your dad will agree too!" "Sana nga po!" hiling ko rin at hindi naitago ang excitement sa boses. Alam kong pagkatapos pa ng Finals namin ang plano para magbakasyon kaming buong pamilya. Pero ngayong mapapaaga dahil sa birthday ni Clyde ay mas lalo akong hindi makapaghintay na lumabas ulit at makapunta sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti ko nang mapatingin kay Felix dahil narinig ko ang halakhak niya. "Cute," bulong niya bago siya kumuha ng soda para uminom. Bumaba ang tingin ko sa adams apple niya nang gumalaw iyon at sa labi niya nang dilaan niya ang pang-ibabang bahagi nang matapos uminom. Mariin akong napalunok dahil sa pagkauhaw. Pinagpawisan din ako bigla kaya uminom ako agad ng tubig. Bumalik sa kanya ang tingin ko nang marinig ang pabalang na pagtama ng kutsara at tinidor niya sa babasaging plato. "Someone is calling you," hindi nakatakas sa pandinig ko ang pait at pagkairita sa boses niya. Napatingin ako sa phone na nasa tabi ng plato ko at nakitang umiilaw nga iyon at naroon ang pangalan ni Travis. "Sagutin ko lang po, mommy," paalam ko pero bago pa ako makatayo ay nagsalita ulit si Felix. "Why don't you answer it here? Are you hiding something, Aphrodite?" malamig na tanong niya. Sunod ay napabaling ako kay mommy nang magsalita rin siya, "Feel free to answer it here, hija. 'Wag ka nang lumayo." Dahan-dahan akong tumango bago sinagot ang tawag at inilagay ang phone sa tenga na kasalungat ng pwesto ni Felix. "Hi," nahihiyang bati ko sa tumawag. "What's up, Aphrodite? Have you eaten dinner?" masigla ang boses niya kaya umangat ng kaunti ang gilid ng labi ko. "Oo, kumakain kami nina mommy rito sa labas," paliwanag ko sa kanya. "Oh, sorry! I'll just call you back again later, okay? Eatwell, Aphrodite!" Mahina akong natawa at napatango. "Okay. Text na lang kita kapag nakauwi na kami. Kumain ka na rin." "I will. Take care, Aphrodite!" sweet na pagtapos niya sa usapan kaya hindi nawala ang ngiti ko kahit tapos na ang tawag. "Si Travis lang po, mommy. Nangangamusta," paliwanag ko sa ina nang maabutan siyang nakatingin sa akin. Kaso nanliit ang mga mata niya. "Travis who?" "'Yong crush ko po na sinabi sa 'yo ni Clyde dati..." Uminit ang pisngi ko nang sabihin iyon. Hindi ko pa kasi napapakilala si Travis sa kanila dahil busy kaming lahat sa kani-kanyang buhay. Sila sa trabaho, ako naman ay sa pag-aaral. "Your crush that is my friend too!" mapait na komento naman ni Felix. Napanguso tuloy ako. "Friends na rin naman kami ni Travis!" "I see! So, you're friends with your brother's friend, Aphrodite? You became closer to your crush by now?" Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Tell me if you needed a love advice so I can guide you, hija!" dagdag pa niya kaya uminit lalo ang pisngi ko. "Pinapayagan niyo na siyang mag-boyfriend?!" pabalang na tanong ni Felix kaya napatingin kami sa kanya ni mommy. Napaawang ang labi ko at bago pa magreklamo sa kanya ay nagsalita na si mommy para ipagtanggol ako. "What's wrong? She's already 20, son. Not a teen anymore." Tumango ako at napakurap nang bumaling siya sa akin. "But Aphrodite, promise that you will tell us if you have a suitor already. Para makilala namin siya." "Yes po, mommy!" mabilis na sagot ko at napatingin sa katabi ko nang mag-tsk siya. "Sana po pumayag din si Kuya Felix!" hiling ko pa at ngumiti sa kanya. Pero napangiwi siya at umiling. "As if you can give me a choice to say no..." mapait na sambit niya at inubos ang laman ng inumin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD