Chapter 10

1349 Words
CHAPTER 10: TAKE CARE OF YOU Hindi ko alam ang gagawin ko kinabukasan. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Felix. Kinuha ko ang bag ko bago ako dahan-dahang bumaba. Maaga pa. Alas singko pero nakabihis at nakaayos na ako. Hangga't maaari ay gusto kong sundin ang gusto ni Felix. Para rin naman sa amin iyon. "Ma'am, ang aga niyo naman po?" si Ate Gina lang pala. Muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa gulat. "Opo. May kailangan kasing asukasuhin sa School," dahilan ko at tumingin sa paligid bago lumapit sa kanya at bumulong. "Gising na po ba si Felix?" "Hindi pa naman po, ma'am. Magpapahatid ka ba sa kanya?" "Hindi po!" mabilis na sagot ko. "Kakain na ako at magpapahatid na kay Kuya Tino." "Sige, ma'am! Ipaghahanda na kita. Ano bang gusto mo ngayon?" Binilisan ko ang pagkain ko na para bang may hinahabol. Nag-mouth care muna ako at nagsuot ng contact lens bago lumabas at magpahatid sa driver gaya ng plano. Nag-text na lang ako kay Clyde na nauuna na ako. Pati kina mommy at daddy, nagpaalam akong maagang aalis. "Okay lang po ba kayo, ma'am? Pansin kong panay ang pagbuntong hininga mo," tanong ni Kuya Tino. Mabilis akong tumango at umayos ng upo. "Medyo nakaka-stress po kasi 'yong mga subject namin," pagdadahilan ko. "Kaya mo 'yan, ma'am!" Ngumiti ako sa kanya at inalis na sa isip ko si Felix at ang mga sinabi niya kagabi. Pero pagdating ko sa School, ginugulo pa rin niya ang isip ko. Halos hindi ako makapag-focus. "Ms. Saavedra, are you with us?!" "Aphrodite!" Bumalik ako sa sarili nang maramdaman ang pagtapik sa akin ng katabi. "Get out of my class, Ms. Saavedra!" sigaw na ng terror professor namin ang sunod kong narinig. "S-sorry po. Masama kasi ang pakiramdam ko." "E 'di sana 'di ka na pumasok! Ginugulo mo ang klase ko!" sigaw niya sa akin. Nakita ko ang pagkagulat ng iba at ang ilan ay tumawa pa. Huminga ako ng malalim at dinala na ang mga gamit ko. "Oh, bakit nasa labas ka?" si Clyde na nakasalubong ko pala, hindi ko man masyadong napansin. "Pinalabas. Ikaw? Parang palagi ka na lang nasa labas," tanong ko sa kanya. "Nag-CR lang!" Humalakhak siya at sumilip pa sa pinto ng classroom namin. May pahaba kasing salamin sa taas no'n kaya kita sa loob. "First time mong mapalabas, ah? Tapos sa kanya pa? Lagot ka!" "Masama kasi ang pakiramdam ko," dahilan ko at bumuntonghininga. Napakurap ako nang ilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "'Di ka naman nilalagnat," aniya. "Masakit ang ulo ko. Sa Clinic muna ako," paalam ko sa kanya. Itinulog ko na lang ang mga natitirang oras para sa subject namin na iyon. Mas lalo lang kasing sumasakit ang ulo ko kung i-stress-in ko ang sarili sa pag-ooverthink. "Ms. Saavedra!" Palabas na ako ng University namin nang marinig ang boses ni Travis. Mabilis kong hinanap ang pinaggalingan no'n at simpleng napangiti nang makita siyang nakangiti sa akin. "Hi, sir!" bati ko sa kanya dahil pormal din ang ipinangtawag niya sa akin. "Pauwi ka na?" "Opo. Sa labas ko na lang hihintayin 'yong driver namin." Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Speaking of driver, Felix asked me a favor to drive you home. Sabi pa niya masama ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?" Napaawang ang labi ko at napatulala sa kanya dahil sa sinabi niya. Si Felix? Paano niya nalaman? Kay Clyde ba? "Okay lang ba sa 'yo?" nahihiyang tanong ko. "Oo naman! Tapos na rin ang klase ko," sagot niya. "Let's go?" Sumunod ako sa kanya at siguro kung nangyari 'to bago umamin sa akin si Felix, baka kilig na kilig ako dahil ihahatid ako ni Travis pauwi. Pero ngayon, parang wala akong maramdaman. Mabigat pa nga sa dibdib. Ipiniling ko ang ulo. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Hays! "Rest when you got home." Napatingin ako kay Travis nang sabihin niya iyon. Ngumiti siya sa akin bago muling ibinalik ang mga mata sa daan. "Para gumaling ka agad." "Oo, salamat." Akala ko doon na matatapos ang pag-uusap namin dahil boring ang naging sagot ko pero muli siyang nagsalita. "Kagabi pa ba masama ang pakiramdam mo? Hindi ka na kasi nag-reply sa akin." Napangiti ako at tumango na lang. Naiwan ko rin kasi sa bahay iyong phone ko kaya hindi pa ako nakakapag-online. "Oo. Sorry. Dapat pala nagpaalam ako." "It's okay. Nag-alala lang ako." Tumango ako at ngumiti. Wala akong maisip na topic para pahabain pa ang usapan namin. "May gusto ka bang bilhin? Like comfort food that can make you feel better?" Sinubukan kong mag-isip pero wala talaga akong gana. "Wala pa sa ngayon, Travis. Magpapaluto na lang siguro ako mamaya ng soup." "Alright! Sorry if I talk too much." Humalakhak pa siya. "You can take a nap here. Gigisingin na lang kita mamaya." "Salamat and sorry rin. Masakit kasi 'yong ulo ko." "No worries, Aphrodite," marahang sambit niya kaya mas narelax na ako at umipdlip saglit. Naalimpungatan na lang ako na maramdamang parang nakalutang ako at may nakahawak sa katawan ko. Nalanghap ko pa ang pamilyar na pabango ni Felix at nang sinubukan kong imulat ay narinig ko ang boses niya, "Rest." Umungol ako at sinubukang buksan ang mabigat na talukap. "Felix?" tanong ko. "Shut up," pambabara niya sa akin bago ko naramdaman ang malambot na kama sa likuran ko. Napaungol ako at kaagad na niyakap ang unan na ibinigay niya sa akin. Pumikit ako nang mas lalong inantok ang katawan ko pero nagsalita pa rin ako dahil ramdam ko pa rin ang presensya ni Felix na nakatingin sa akin. "Thank you." "Tsk! Pasalamat ka talaga mahal kita!" Natawa ako ng walang boses dahil ramdam ko ang galit niya nang sabihin niya iyon. Mahal na ba niya talaga ako? Ang bilis naman? Kakakilala lang namin! "Tangina! Tinatawanan mo pa 'ko? Matulog ka na. 'Wag mo na akong landiin!" dagdag pa niya, halatang iritado kaya mas lumawak ang ngiti ko. Nang marinig ang yabag palayo at ang pagsarado ng pinto ay bumuntonghininga ako at hinayaan na ang sariling magpahinga. Naalimpungatan ako nang maramdaman ang gutom. Tinatamad akong bumangon at tinignan ang orasan. Alas onse na pala! Limang oras akong nakatulog! Napangiti ako at nag-unat ng braso para gisingin ang sarili. Hindi na masakit ang ulo ko. Pakiramdam ko rin ay sapat na ang tulog ko. Magre-review na lang siguro ako mamaya? Napatingin ako sa gilid ko nang makarinig ng ungol. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Felix do'n. Nakatalikod siya sa akin at nakasandal ang ulo niya sa gilid ng kama ko. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at lumapit. Kaso nag-alburuto siya at muling pumikit. "Come on, Aphrodite! Hindi pa ba halatang binantayan kita?" inaantok na sagot niya. "Give me a minute." "Bahala ka," bulong ko at umalis na sa kama. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pagbagsak niya sa kama ko. Kaagad ko siyang nilapitan dahil sa pag-aalala at tinignan ito. "Anong nangyayari sa 'yo?" Binuksan niya ang namumungay na mga mata at sinalubong ang tingin ko. "Umiikot 'yong mundo ko." "Bumangon ka kasi agad kaya nahilo ka!" puna ko at inayos ang paghiga niya. "Dyan ka na nga!" "Aphrodite!" tawag niya sa akin nang 'di pa ako nakakalabas. "Ano?!" pabalang na tanong ko at nagsalubong ang kilay nang makitang tumayo na siya ulit at lumapit sa akin. "Akala ko ba nahihilo ka? Matulog ka na ro'n!" "Let me take care of you. Ano bang gagawin mo sa labas? Nagugutom ka na ba?" magkasunod na tanong niya. "Oo." "Okay, stay here. Ako na ang kukuha ng pagkain mo." Nang akma siyang lalabas ay hinawakan ko ang braso niya. Nakita kong natigilan siya at napatingin sa kamay ko. "Ako na, Felix. Magpahinga ka na. Magaling na ako." "Nagugutom din ako. Hindi pa ako kumain mula kaninang tanghali." "Ano?!" bulalas ko at napagtantong baka iyon ang dahilan kung bakit siya nahihilo. "Bakit kasi hindi? Ako na, kukuhanan kita." "Hmm, really?" Ngumisi pa siya sa akin. "Ang sweet mo na naman sa akin! Tangina! Wala na! Mahal na talaga kita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD