Chapter 6

1454 Words
CHAPTER 06: SORRY Kinilabutan ako at nalaglag ang panga ko nang maabutan na ang ingay ng babae ay nasa kwarto ni Felix. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya naririnig iyon sa labas. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon para isarado. Nakakainis! Bakit kailangang marinig ko pa iyon? Gutom ako nang bumaba pero halos wala akong gana nang kumain. "Ma'am, hindi niyo po ba nagustuhan ang luto ko?" nag-aalalang tanong ni Ate Gina nang makita ang tirang pagkain sa plato ko nang tumayo na ako. "Hindi po. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya wala akong gana," paliwanag ko at nagpaumanhin na gano'n ang inisip niya dahil sa akto ko. Nag-angat ako ng tingin nang makasalubong ko sila. Si Felix at 'yong kasama niyang magandang babae na nakasuot ng oversize t-shirt. 'Di ko alam kung may suot siyang pang-ibaba dahil hindi ko naman makita. Napalunok ako nang may maramdamang bara sa lalamunan ko nang makitang hawak ng babae ang braso ni Felix na may tattoo. Tumakbo ako paakyat para mabilis na makaalis sa harapan nila. Nakakainis! Naiirtita ako ng sobra kay Felix! Bakit pinakita na naman niya sa akin ang tattoo niya? Alam naman na niyang takot ako roon, e! Niyakap ko ang isang unan at doon umiyak. Wala akong naririg na putok ng baril, hindi bumalik ang detalyadong pangyayari sa isip ko pero ang sikip-sikip ng dibdib ko. Nasasaktan ako ng sobra! Katulad noon. Mas lalo kong isiniksik ang mukha sa unan nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Naramdaman kong lumipit siya sa akin at nakumpirma kong si Felix iyon nang maamoy ang pamilyar na bango niya. "Aphrodite, I'm sorry," malambing ang boses niya. "Umalis ka rito! Naiinis ako sa 'yo!" sigaw ko sa gitna ng mga hikbi. "I'm sorry. I'm wearing a longsleeves now," masuyong aniya at hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi. "Hey," tawag niya nang ibaling ko sa kabilang dako ang mukha ko. "Lumabas ka na! 'Di kita kailangan!" pagtataboy ko sa kanya. Tumahimik siya pero hindi ko narinig ang paglalakad niya palabas. Nandito pa rin siya. Kinalma ko ang sarili at pinahid na ang mga luha. "Felix, narinig kong may nangyari sa inyo no'ng babae. Meron ba talaga?" tanong ko sa gitna ng mga hikbi. "Yeah. I f****d her," walang emosyong sagot niya. Muling kumirot ang dibdib ko. Hindi man lang niya tinaggi! "I'm jealous. So f*****g jealous of you and my brother. s*x is my stress reliever, Aphrodite," seryosong paliwanag niya. "Okay," tangging sagot ko at napatingin sa kanya nang lumipat siya sa pwesto ko. "I'm sorry, I hurt you," tunog sinsero iyon kaya tumango na ako. "'Wag mo nang uulitin 'yon," mariing utos ko sa kanya. Tumango siya at inabot ang pisngi ko. Napapikit ako saglit nang pahirin niya ang luha ko roon. "Alright, don't cry now. I'm planning to laser remove it." "'Wag ka na ring magpapakita sa akin na may kasama kang ibang babae," dagdag ko. Napaawang saglit ang labi niya pero may nagpakita ring ngisi. "Why? Are you jealous?" "Nandidiri ako," mariing sagot ko dahilan para unti-unti ring mabura ang ngisi niya. Masama ang pakiramdam ko sa buong gabing iyon. Parang ayaw ko nang lumabas at makita ulit si Felix. Inagaahan kong magising sa mga sumunod na araw. Sinigurado ko munang wala pa si Felix bago ako umuwi sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kasambahay o guwardya. "Hija, ang aga mo naman. May pasok ka ba?" tanong ni mommy nang makitang pumasok ako sa dining room. Nakita ko roon si Felix na nakasuot ng pormal na coat and tie pero hindi ko siya pinansin. "May kailangan po kasi akong gawin na project, mommy," paggawa ko ng kwento bago siya nilapitan siya para yakapin at halikan sa pisngi. "Good morning po!" Sunod ay niyakap ko si daddy. "Good morning po, daddy. Na-miss ko po kayo!" Halos dalawang linggo rin kasi silang wala dahil sa businesstrip. "We missed you too, hija. I bought gifts for you. You can check them later, I know you'll love it!" Napangiti ako sa sinabi ni mommy at kaagad na nagpasalamat. Umupo pa ako sa tabi niya bago nagsimulang kumain. "Hindi mo yata binati ang Kuya Felix mo, Aphrodite?" tanong ni daddy sa akin kaya nabitin sa ere ang sandwish na isusubo ko na. "Good morning, kuya," maikling bati ko at mabilis ding nag-iwas ng tingin sa kanya. "Mukhang hindi pa kayo close ng bagong kapatid mo, Felix?" puna na naman ni daddy sa kanya. "Hon, let them be! 'Di na sila bata para sa close close na 'yan!" pigil ni mommy. Napalunok ako at kaagad na nagpaliwanag para hindi na sila mag-away. "Okay lang naman po sa akin, daddy, na si Clyde lang ang ka-close ko. Pero susubukan ko rin pong makipag-close kay Kuya Felix." "Okay, I hope you two can build a good sister and brother relationship too. Gusto kong komportable lang kayo sa isa't-isa." "Opo, daddy," sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti kay Felix. Tinapunan niya lang ako ng malamig na tingin bago siya uminom ng tubig at tumayo. Humalik siya kay mommy at gano'n na lang ang gulat ko nang halikan rin niya ako sa pisngi! Mabilis lang iyon pero grabe na ang kaba ko. "I'll go now. See you later," paalam niya sa aming tatlo. Tumango ako at wala sa sariling napakagat ng sandwich para tapusin na rin ang pagkain. "Ma'am, hindi po umuwi si Sir Felix." Linggo nang ibalita iyon sa akin ni Ate Gina. Mabuti naman! Hindi pa rin ako nakaka-move on niya sa paghalik niya sa akin kahapon sa harap nila mommy at daddy. Kung si Clyde, wala lang naman sa akin. Pero kapag dating talaga kay Felix, parang maling-mali iyong ginagawa niya! Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng movie sa living room. Wala kasi akong sariling TV roon sa guestroom. Doon sa dating kong kwarto na kay Felix, meron. Hindi ko naman feel manood sa iPad kaya rito na lang. "Feel at home!" Napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas iyon at narinig ko ang boses ni Felix. Nanlaki ang mga mata ko nang masundan iyon ng ingay at pumasok na ang mga kasama niya. "Oh, may kasama ka pala?" tanong ng isang lalake. Tulad ni Felix ay matangkad din ito, tisoy at gwapo. Ang pagkakaiba naman nila, mas maamamo ang mukha nito, parang mas mapagkakatiwalaan at marespeto. Tinapunan ako ni Felix ng tingin bago siya nagpaliwanag, "She's Tita Daphne's child. Tumutuloy lang muna rito." "Uh, 'di ko alam na may bisita ka ngayon, kuya. Aakyat na lang ako sa kwarto ko." "Nah, just do what you want. Don't mind us," masungit na sagot niya. Napanguso ako at napatingin sa lalakeng lumapit sa akin at naglahad ng kamay. "I'm Travis. You are?" "Aphrodite," sagot ko at saglit na tinanggap ang kamay niya. "Oh, no wonder your parents named you from a goddess of beauty," puri niya pa bago isa-isang ipinakilala ang iba pa nilang kasama. "And she's Hillary, boyfriend ng pinsan mo," pagtukoy niya sa bagong babae ni Felix. Girlfriend, huh? Nasaan na 'yong stress reliever niya na dinala niya sa kwarto niya? Ang bilis namang mapalitan no'n! "Nice to meet you all po. I'll leave you here na and feel at home tulad ng sabi ni Kuya Felix," bati ko sa kanila bago sila niyayang manood ng gusto nila gamit ang Netflix account ko at iniwan sila roon. Nagkulong ako sa kwarto ko at hinayaan silang magsaya sa ibaba. Naririnig ko pa ang ingay nila mula rito. Parang ang saya-saya nila. Marami pa lang kaibigan si Felix. Si Clyde rin. At ako, wala akong itinuturing na kaibigan ko. Si Clyde lang tutal siya naman ang lagi kong kasama rito sa bahay o sa school. May mga sumusubok makipagkaibigan pero nawawala rin. Kapag may mga babaeng nakikipagkaibigan sa akin, dahil lang 'yon gusto nilang mapalapit kay Clyde. Kapag naman lalake, makikipagkaibigan tapos manliligaw. Kapag hindi ko sila sinagot, wala na, hindi na nila ako papansinin kinabukasan. Bumuntonghininga ako at inilabas ang art materials para mag-paint. Isa kasi ito sa libangan ko nang mapunta kami rito sa Manila. Tutal ay lagi lang akong nasa bahay, nagpipinta na lang ako o nagdo-drawing. Paborito kong ipinta ang mga magandang tanawin. Pakiramdam ko kasi ay parang napupuntahan ko na rin ang mga iyon sa tuwing ipinipinta ko. Binuksan ko ang social media account ko at naghanap ng inspirasyon para sa pagpipinta. Marami kasi akong fina-follow na artist at gustong-gusto ko kapag sinasakop nila ang newsfeed ko! Abala ako sa pag-scroll nanv aksidente kong napindot ang notification ng mga nag-follow sa akin. 'Di ako interesado sa mga iyon nang may makita akong pamilyar na mukha. "Travis Cervantez," banggit ko. Si Travis ba 'to na kaibigan ni Felix?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD