Chapter 7

1623 Words
CHAPTER 07: BIRTHDAY GIFT Binisita ko ang account niya at nang makita ang latest post niyang beach view ay nag-follow back na agad ako. May mga buildings din siyang pino-post. Parang halos lahat ng mga pictures niya ay sinasamahan niya ng lugar kung nasaan siya. Ang aesthetic ng feed niya! Pinindot ko ang post niyang beach photo. Hindi pa kasi ako nakapunta sa gano'n. Sa swimming pool pa lang ako nakasubok na magbabad. Hindi kasi ako marunong lumangoy gaya ni Clyde. Napangiti ako nang kaagad ko iyong natapos. Maliit lang naman kasi ang canvas ko. Pinirmahan ko iyon sa likod at nilagyan ng date pati na ang username ni Travis. Gano'n kasi ang ginagawa ko sa lahat ng ipinipinta ko. Nilalagay ko kung kanino ko ginaya. Pinatuyo ko iyon bago muling nag-browse sa account. Nakita kong nag-heart si Travis sa mga posts ko. Napangiti ako at ginantihan din ng heart ang mga pictures niya. Nagagandahan din naman kasi ako roon. Maya-maya ay may nag-notif na naman. Felix Saavedra started following you. Napatitig ako sa pangalan niya. Totoo ba 'to? Bakit naman niya ako ifo-follow? Pinindot ko ang profile niya dahil white lang iyon. Napangiwi ako nang mukhang bagong gawa iyon at wala pa siyang post, isa pa lang din ang pina-follow niya. Hindi ko siya finollowback. Pinost ko na lang ang bago kong painting nang matuyo iyon at itinag si Travis. Kaagad naman siyang nag-react at nag-comment, "Wow! Can I have the copy of this masterpiece?" Napangiti ako at nag-reply, "Sure!" Inihanda ko iyong envelop na lalagyan ng paiting ko. Ibibigay ko na lang kay Travis mamaya. Wala namang kaso sa akin kung gusto niyang hingiin. Masaya pa nga ako kasi na-appreciate niya 'yong gawa ko. "Aphrodite!" Malaki ang ngiti ni Clyde nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Let's go to the Mall. I wanna buy gift for kuya!" "Anong meron?" kuryosong tanong ko. Dahil bakit kailangan ng gift? At bakit nagdala si Felix ng mga kaibigan niya rito? "It's Kuya Felix's birthday! Let's go!" Hinila na niya ang braso ko kaya hindi na ako nakapag-ayos. Ayos lang, wala namang dahilan para magpaganda. "Hi, Clyde!" bati ng mga kaibigan ni Felix sa kapatid ko. Nasa pool area na sila ngayon. Hinila ako roon ni Clyde kaya wala akong choice kun'di sumama. "Kuya! May pupuntahan ako, isasama ko si Aphrodite." Salubong ang kilay ni Felix nang tignan niya ako. Kulang na lang ay umirap siya sa akin dahil parang naiinis siya. Kanina pa siya gan'yan! Ako na ang umirap sa kanya at hindi na siya pinansin. "'Wag kayong magtatagal," bilin pa ni Felix. Hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Bilhan ko na lang siya ng damit? Iyon lang naman ang afford ng budget ko. Monthly akong binibigyan nina tito at tita ng allowance pero hangga't maaari ay iniipon ko ang iba para may maipapambili ako kapag may okasyong gaya nito. "I'm planning to buy a couple pair of shoes para parehas kami. What do you think, Aphrodite?" Nagkibit balikat ako at tumango. "Okay lang. Damit na lang ang bibilhin ko sa kanya." "Marami na siyang damit! Hindi na niya kailangan no'n!" reklamo niya na parang kasalanan ang naisip ko. "E, anong ibibigay ko?" naguguluhang tanong ko. "How about a watch?" "Wala akong budget!" mabilis na sagot ko at kumuha na lang ng white hoodie na large dahil matangkad siya. Plain lang iyon, lagyan ko na lang ng painting mamaya. "Plain and white? Seriously, Aphrodite? Mas gusto ni kuya ng dark colors!" panunuya niya pero inirapan ko lang siya. "Pwede ba, Clyde, asikasuhin mo na lang 'yong ireregalo mo sa kanya?" iritadong saad ko. Ngumuso naman siya at ginantihan ang pagsusungit ko. Bumili rin ako ng Fabric paint sa Bookstore at inunahan na si Clyde sa kotse. Baka mamaya, iwan niya ako dahil sinungitan ko siya. Nag-isip na ako ng ididisenyo habang naghihintay. Painting o text? Parang mas magandang text na lang? E, ano namang ilalagay ko? Name niya na lang? Gabi na nang makabalik kami sa bahay. Sobrang tagal kasi ni Clyde! Naabutan namin sina Felix at mga kaibigan niya na nagdi-dinner. Niyaya pa nila kami ni Clyde kaya hindi ko pa nagawa iyong balak kong iregalo kay Felix. "Kuya, I bought you a Jordan 1 Retro High Dior! Happy birthday!" Nag-ingay ang mga kaibigan ni Felix at pinuri ang regalo ni Clyde sa kanya. "This is expensive, bro. Thanks!" Sunod ay napatingin siya sa akin. Napanguso ako bumaba ang tingin sa shopping bag na nasa gilid. "Mamaya ko na ibibigay 'yong sa akin, kuya." Ngumisi siya at tumango. "Okay!" Napahinga na ako nang maluwag nang sabihin niya iyon. Nag-search ako kung magkano iyong regalo ni Clyde sa kanya at halos lumuwa na ang eyeballs ko nang makitang halos kalahating milyon na ang presyo no'n! Napatingin ako sa hoodie na binili ko. Tig-tatlong libo lang iyon. Huminga ako ng malalim at napanguso. Ibibigay ko pa ba 'to? Baka mag-expect naman kasi siya na mahal din ang regalo ko sa kanya! What if bili na lang ako ng bago? Kaso wala naman na akong pera! Hindi ko pa rin matatapatan iyong regalo ni Clyde sa kanya! Napaungol ako dahil sa frustration. Ito na, bahala na siya kung 'di niya magustuhan! Nag-digital paint muna ako ng chibi face ni Felix sa iPad ko. Iyon kasi ang balak kong idisenyo sa harap ng hoodie. Maliit lang iyon at nasa kaliwang bahagi. Sa likod, nag-lettering lang ako ng pangalan niya. Capital letter lahat at nasa may bandang itaas na bahagi iyon. Pinakatitigan ko iyon nang matapos kong patuyuin ang paint. Napangiti ako at hinaplos ang chibi na mukha niya. Ang cute niya rito! Salubong ang kilay, walang emosyong mga mata at nakangisi. Mga ekspresyon na lagi niyang binibigay sa akin. Tinupi ko iyon ng maayos at inilagay sa paperbag bag bago ako nagbihis at nag-ayos. Wala sila sa baba. Sina mommy at daddy lang ang naroon at sinabing pumunta na raw sila sa Bar para sa after party. Kung gano'n, tapos na ang party niya rito sa bahay?! Tinignan ko ang orasan at alas onse na. Ang tagal ko pa lang ginawa 'yong regalo ko kay Felix! Bumalik na lang ako sa kwarto ko at doon naghintay. Anong oras kaya sila makakauwi? Baka madaling araw na? May pasok pa ako bukas dahil Lunes na naman. Nang mag-alas dose ay nagbihis na akong pantulog at iniwan ko na lang sa doorknob ng kwarto ni Felix iyong regalo ko sa kanya. Saktong pabalik na ako sa kwarto ko nang marinig ang ingay ng grupo nila sa baba. Bumalik na sila? Kinuha ko iyong regalo ko kay Felix at muling bumalik ng kwarto. Personal ko na lang na ibibigay sa kanya. Nakakahiya kung may ibang makakita! Humikab ako at patuloy na naghintay. Napaahon lang ako mula sa pagkakahiga sa kama nang biglang bumukas ang pinto ko. Si Felix. "Hmm? Where's my gift? You didn't even go to my party downstairs," tila bored na bored niyang tanong niya sa akin. Halatang inaantok na rin siya base sa namungay na mga mata niya. "Sorry, ginawa ko kasi 'yong regalo ko sa 'yo," paliwanag ko at inilapit iyon sa kanya. Sinundan niya iyon ng tingin at kinuha sa akin. "Is it personalized?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo," simpleng sagot ko at napangiwi nang mabilis niyang sinira iyong paper bag. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagngiti niya ng malawak. Kaagad niya rin iyong isinuot at humarap pa siya sa full body length mirror ko at nag-pose. Nang makuntento siya ay bigla niya akong hinigit sa bewang. "Damn, you're the best, Aphrodite!" Nahawa ako sa ngiti niya at ginantihan ang yakap niya. "Happy birthday, Felix!" sinserong bati ko sa kanya. "Ilang taon ka?" "I'm 28! I love this gift! But I want more, Aphrodite," nag-iba ang tono ng boses niya. Yumuko pa siya at mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. "Please, kiss me." Napalunok ako at pinindot ang pisngi niya. "Dito lang," sagot ko. Napanguso siya at dismayadong umiling. "I want your lips. Please? Baby?" "May girlfriend ka. Siya lang dapat ang magki-kiss sa 'yo dito," sagot ko at hinaplos ang labi niya gamit ang hinlalaking daliri ko. Kita ko ang pag-awang ng labi niya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya iyong ipinasok sa bibig niya at sinupsop! Napalunok ako nang manuyo ang lalamunan ko. Napapikit pa siya habang ginagawa 'yon. Nag-init ang buong pisngi ko at nakakaramdam ako ng kuryente na dumadaloy sa gitna ko nang ipaikot niya ang dila niya sa daliri ko. "Felix..." napapaos na tawag ko sa kanya at sinubuksan siyang itulak. Hinawakan niya ang kamay ko nang tumigil siya. Hinalikan niya ang kamay kong iyon bago niya tuluyang inangkin ang labi ko. Alak. Alam kong iyon ang nalalasahan ko sa dila niya nang ipasok niya iyon sa akin. Napatingala ako at napahawak sa kamay niyang nasa panga ko. Napadaing ako sa bibig niya nang maglakbay ang isa niyang kamay sa bewang ko at mas idiniin niya ako sa kanya. Napalayo ako nang biglang maramdaman ang matigas na bagay sa parteng gitna niya. He's turned on! Kailangan ko na siyang pigilan bago pa lumala ang kasalanan namin. "Felix!" sita ko pero umungol lang siya at mas pinalalim ang halik sa akin. Parang wala siyang balak humiwalay! Bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko at mariing pinisil iyon. Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo siyang itinulak nang bigla niya iyong paluin. "Ahhh!" reklamo ko at iniiwas na ang mukha. Hinabol niya iyon pero dahil yumuko ako sa ay pisngi ko na lang ang nahalikan niya. "Lumabas ka na! Nakuha mo na ang gusto mo," utos ko habang hindi makatingin sa kanya. "Hmm, not yet, baby," napapaos na sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD