Chapter 8

1293 Words
CHAPTER 08: NEW PROFESSOR Puyat ako nang magising kinabukasan. Nakakainis talaga si Felix! Hindi niya ako tinantanan kagabi hangga't hindi mamanhid at mamaga iyong labi ko sa kakahalik niya! "Good morning!" Napaungol ako sa inis nang basta na naman siyang pumasok sa kwarto ko. Malawak ang ngiti niya at suot niya pa rin iyong hoodie na iniregalo ko sa kanya kagabi. "Pwede ba, 'wag ka bigla-biglang pumapasok dito?" reklamo ko at padabog na pumunta sa banyo. Hindi ko iyon naiisara nang pumasok din siya. "Ano ba, Felix?!" Humalakhak siya at niyakap ang bewang ko. "Come on, bakit ang sungit mo na naman sa akin? Dapat sweet ka lang palagi." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Bitawan mo 'ko!" "Give me my good morning kiss first." Inilapit niya pa ang mukha sa akin. Mabuti na lang ay mabilis akong nakalayo. "Mamaya na! Sige na, lumabas ka na muna!" pagsuko ko. Mas lumaki naman ang ngisi niya at niyakap ako ng mahigpit na parang nanggigigil siya. Bumuntong hininga na lang ako at napahawak sa sink nang lumabas siya. Grabe, nakakapanghina talaga siya! Naligo ako at nag-ayos. Lunes na naman! Gusto ko nang matapos agad itong Finals. Bitbit ko ang shoulder bag ko nang bumaba ako. Naabutan ko silang lahat sa dining area. Si Clyde, mommy, daddy at Felix. Kumpleto sila. "Finally! The princess is here!" ani daddy na ikinatawa ni mommy at Clyde. "Good morning po!" bati ko sa kanila at mabilis na humalik. Nang makatapat ako kay Felix ay hinalikan ko siya sa malapit sa buhok niya bago tumabi kay Clyde. "I'm so happy that we finally have a complete family breakfast!" ani momny at nagyaya pang mag-picture bago kami kinuwentohan sa harap ng pagkain. Halos sina mommy, daddy at Clyde ang maraming kwento. Minsan sumasali ako at si Felix, puro "hmm, ah, okay" lang ang sagot. "Excited na ako sa papalit kay Mrs. Cervantes! Sabi nila ay professional raw at sana talaga maganda at sexy!" kwento ni Clyde habang nasa byahe kami. Natawa na lang ako dahil kapareha niya, iyong mga babae kong kaklase ay humihiling na sana raw gwapo iyong pumalit at hindi pa gaanong matanda. Bigla rin akong na-curious. Sino kaya iyong bago? Makikilala na namin siya ngayon, first at only subject namin siya tuwing lunes dahil major. Inabala ko ang sarili sa pag-scroll sa social media. Napailing na lang ako nang makita ang notification na nag-message sa akin ai Felix. "Follow me back or kiss me back? Choose!" Umirap ako dahil narinig ko pa ang boses niya at pinindot na lang ang block button. Nireport ko na rin ang profile niya. Hindi na ako magpapahalik sa kanya simula ngayon. Period! Nakita ko kasi ang malapit na samahan ng pamilya nila kanina. Gusto ko ring mapabilang do'n at ayaw kong masira ang tiwala sa akin nina mommy at daddy kapag hinayaan ko si Felix sa pagiging malandi niya. "OMG!" Napatingin ako sa pintong bumukas at may narinig pang sumigaw na kaklase. Habang nakasuot ng white longsleeves polo na pinatungan ng black vest, black pants at pares ng black leader shoes, nakita ko ang pagsuyod ng tingin ni Travis sa buong classroom namin. Nakangiti siya at mas lumawak iyon nang magtagpo ang paningin namin. Nahawa ako sa natural na ngiti niya at nakinig nang binati kaming lahat gamit ang malumanay at sweet na boses niya, "Good morning, class!" "Good morning, sir!" nakisabay ako sa masayang bati ng mga kaklase ko sa kanya. Totoo ba 'to? Si Travis ang magiging instructor namin? Grabe! Ang saya ko! Akala ko huli na 'yong pagkikita namin sa bahay kahapon. Ni hindi ko pa naibibigay itong painting ko sa kanya. Ganado akong nakinig sa mga itinuturo. Pansin ko ring mas tutok ang ilang kaklase ko lalo na iyong mga babae. Gwapo naman kasi siya at ang bait-bait ng boses. Sinong hindi makikinig? Nakangiti ako habang sinusubukang i-solve ang pinapagawa niya. Nang matapos ako ay tumayo ako at lumapit na sa kanya. "Sir, magpapa-check po." "Okay, let me see if you understand what I just thought, Ms. Saavedra," marahang sambit niya at ipinaliwanag sa akin kung paano ko iyon na-solve. Tuwing tama ang isinasagot ko ay pinupuri niya pa ako. "That's correct! I see that you learned the lesson well. You may now take a break." Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang perfect score at pirma niya sa papel ko. "Thank you, sir!" Halos yakapin ko pa ang papel. First time ko kasing maunang matapos at tama pa. Iyong kay Ma'am Cervantes kasi gusto kong magpa-bibo kaya binibilisan kong magsagot pero laging may mga mali pero mabilis niya namang itinuturo sa akin. "Clyde!" excited na tawag ko sa kapatid nang makita ko siya. Nag-CR yata siya dahil on-going pa lang ang class pero nasa labas siya. "Hulaan mo kung sino 'yong pumalit kay Ma'am Cervantes!" "Si Kuya Travis. Nakita ko na siya kanina." Humalakhak pa siya. "Bakit gan'yan ang itsura mo?" "Wala lang! Isu-surprise pa lang sana kita!" paliwanag ko nang makita niyang nakanguso ako. "Bakit naman ako masu-surprise? Sana kung chix 'yong pinalit!" Muli siyang tumawa. "Kayo lang mga babae 'yong na-surprise, e! Ano, crush mo si Kuya Travis?" "Sir," pagtatama ko sa kanya. "Nasa School tayo." "Really, Aphrodite?" Bumungisngis siya. "Crush mo nga?" Nag-isip ako habang malawak pa rin ang ngiti. "Medyo!" Tinawanan niya ako pero tumango-tango siya na parang suportado naman. Dapat lang, 'no! Palagi ko naman din siyang sinusuportahan sa mga nililigawan at nagiging girlfriend niya dati. "Sabihin ko kay Kuya Felix tulungan ka niyang makipag-close kay Kuya Travis," alok niya pa bago siya nagpaalam na babalik na sa classroom nila. Kay Felix? As if namang papayag 'yon! Ako ang makikipag-close kay Travis! Masaya ako hanggang sa second period pati na nang mag-uwian. Hindi pa rin ako makapaniwalang instructor ko si Travis! Pag-uwi namin ni Clyde sa bahay ay panay pa ang asar niya sa akin. Napangiti ako nang makita si momny sa living room. Nanonood ito ng TV. Binati namin siya ni Clyde at hinalikan. "Mom, guess what?" balita ni Clyde sa kanya at ngumiti ng malawak. "Aphrodite has a crush on our new instructor!" Bigla akong nahiya nang nanunukso akong tinignan ni mommy. "Nakilala ko na po siya kahapon dito, kaibigan siya ni Kuya Felix. Hindi ko nga po in-expect na siya 'yong papalit sa nag-retire naming instructor," paliwanag ko. "No need to explain, hija. I will support you as long as you are happy!" aniya at mas lalong napangiti nang yakapin ko siya. "You grew up so fast!" Sabay-sabay ulit kaming nag-dinner nang gabing iyon. Ibinalita rin ni Clyde kay daddy iyong tungkol sa pagkakaroon ko ng crush kay Travis kaya iyon, inasar nila ako at tawa kami nang tawa. Pero bilang kaibigan ni Felix at hindi na nila binanggit na professor ko siya. "Felix, son, nand'yan ka na pala!" Napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa bungad ng dining room nang makita si Felix roon. "Come here, join us. Hihintayin ka naming matapos," masayang anyaya sa kanya ni mommy. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya nang tumabi siya sa akin. Nasa kaliwang gilid ko si mommy at nasa kanan siya. Bakit hindi siya kay Clyde tumabi? Tatlo tuloy kami rito. Si Clyde mag-isa sa kabilang dako dahil nasa kabisera si daddy. "How's work, son?" tanong ni daddy sa kanya. Pinutol ko na ang pakikipagtitigan kay Felix at itinuon ang pansin sa pagkain. Patapos na ako. Aalis na lang siguro ako agad at idadahilang may aaralin pa para sa klase bukas. "Stressful, dad," sagot ni Felix habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato niya. Stressful, huh? Ibig sabihin, nakipag-s*x na naman siya? Kanino naman ngayon? Dismayado akong umiling at muling sumubo nang biglang tawagin ni Clyde ang kapatid niya. "Kuya, can you help Aphrodite with Kuya Travis?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD