Chester I didn't expect na papasok siya ngayon. Nagulat nalang ako ng makita ko siyang papasok ng pinto at diretsong naglakad papunta sa gawi ko. Cold siyang nakatingin sa akin, hindi ko siya masisisi dahil na din sa kagagawan ko. Nang makaupo siya sa tabi ko, nakatitig lang ako sa kanya. Nagulat ako ng magsalita si Chelsea sa likod ko. "Bakit di mo pa siya kausapin Chester?" "Nahihiya ako sa mga ginawa ko sa kanya, lalo na yung mga nasabi ko." malungkot kong sagot "Kaya nga kakausapin mo siya di ba?" pangungulit nito "I don't know if I can." "Why don't you try Chester. Apologize to her." "I will Chelsea, tatiming lang ako." sabi ko habang hindi pa din maalis-alis ang tingin ko sa kanya. Napaiwas naman ako ng tingin ng makita ko siyang lumingon sa gawi ko. I see sadness in her eyes

