Dylan "Matapang lang kayo kasi may mga armas kayo." madiin kong sabi habang hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay Cass. Nakatingin din siya sa akin at pinipigilan ako sa gagawin ko, pero wala na kaming oras. Kailangang may gawin ako para mailigtas ko siya, kahit buhay ko pa ang kapalit. "You don't have to do this Dylan." mahinang banggit niya na ikinailing ko. "I will do everything just to save you Cass. Parehas tayong lalabas ng buhay dito. Just stay strong." determinadong sabi ko habang umiisip ng paraan para makakilos "Kung makakalabas pa nga kayo. Masyado kang matapang bata! Dito palang sa hawak ko hindi na kayo ligtas." nakangising sabi ng lalake habang pinapakita ang b***l niya. Sinesenyas ko kay Cass na kagatin niya yung kamay ng lalake para mabitawan siya nito pero umiilin

