Cass/Dianne Nagmamadali akong lumabas ng kotse ko matapos kong maiparada ang sasakyan ko sa harap ng Fuentebella Hospital. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng nurse sa akin sa telepono kani-kanina lang. "Dra. Fuentebella, sorry to say but we need you here at the hospital. Sir Chester was admitted here, right now. He got into a car accident and he's unconscious right now, Dra.We already run some test and we are waiting for the results. Ikaw po ang hinahanap niya bago siya nawalan ng malay." Nanginginig ang katawan ko habang tumatakbo papasok ng hospital. I can't stop my tears from falling. Halos hindi na ako makahinga nang makarating ako sa pinto ng emergency room. Pero nagtaka ako kasi walang katao-tao sa emergency. Ni isang nurse o kaya naman ay yung resident doctor ay w

