Jenyfer Deretso ako sa bathroom sink. Wala naman akong ginagawa. Titigan ko lang sarili ko nagtataka kasi ako bakit ganito ang reaksyon ko wala naman dapat akong pakialam sa lalaking iyon pero masakit kasi talaga ang hawak n'ya sa braso kaya s'yempre mag-re-react ako. Niyuko ko pa ang braso ko. Madiin nga talaga ang hawak ni Rhys kasi namumula ang balat ng nahawakan niya. Hinaplos ko iyon napangiwi ako masakit kasi. Hindi naman porcelain ang kutis ko ngunit medyo maputi ako. Kumpara sa dalawa kong kapatid kaya bakat ang daliri n'ya. Nagpakalma lang ako ng inis kay Rhys, wala naman akong balak magmukmok dito sa loob. Kapag ayos na ako lalabas din ako rito sa CR. Dahil aalis daw kami patungo sa bahay n'ya. Doon lang ako naiinis sa pagtatago n'ya ng phone ko. Mabuti na lang kabisado ko an

