Jenyfer “Baba!” Utos niya sabay nilahad ang kamay. Akala n'ya tatanggi ako kaya tinago ulit ang kamay niya at iniwan na ako. Tatanggapin ko naman medyo nagulat lang ako dahil gentleman ang dating n'ya. Saglit akong tumayo sa gilid ng kotse nang makalabas ako ng sasakyan. Ang lawak naman ng bakuran niya bago makarating sa main door. “Ma'am. Nag-aantay si boss sundan mo na baka malungkot iyon," saad ni Alfonso. Nakita ko nga dahil tumigil at lumingon sa akin. Kaya nag-umpisa akong lumakad. Inaantay niya nga ako kaya sabay kami naglakad patungo sa mansyon n'ya. Lihim akong namangha sa ganda ng mansion niya. Ang lamig sa loob at marble ang sahig. Mataas ang kisame kumikislap din ang mga chandelier. Kung hindi sana sa ganito kami ikinasal ni Rhys, baka namangha na ako. Perfect sa ganda per

