Jenyfer Nang makarating kami sa baba. May babaeng nag-aantay kay Rhys. Maganda ang babae ngunit matapang ang awra nito. Tapos ang sexy nito ang puti pa. Maputi na ako pero itong babae mas maputi pa. Hapit sa katawan nito ang suot na dress at ang taas ng takong ng sapatos nito. Napatingin ako sa mababa n'yang neckline kaya kita ang kalahati ng malusog ng boobs nito dahil ang baba ng neckline plus malaki ang boobs n'ya. Dahil doon hindi ko maiwasang hindi mag-angat ng tingin kay Rhys, kung nakatingin din siya sa babae. Nakita ko hindi siya nakatingin dahil nakalagay pala ang phone sa tenga may tinatawagan siya. Ewan ko baka ito ang sinasabi nilang wife instinct kapag may babaeng lalandi sa asawa. Chariz asawa ba Jenyfer nakalimutan mo yata kung bakit kayo ikinasal ni Rhys? Totoo naman na

