Jenyfer "Hoy, ibalik mo ang cellphone ko!" naiiyak ko nang sabi habang hinahabol ito. Mabilis akong tumakbo nang makita ko itong tumatakbo papalayo ang lalaking snatcher habang hawak nito ang cellphone ko. “Hoy, ibalik mo sabi ang phone ko!” sigaw ko rito. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko pero mabilis akong tumakbo para maabutan siya. Daig ko pa ang sumali sa marathon sa pabilisan ng pagtakabo, para lang makuha ang phone ko sa kaniya. Nakalimutan ko rin sina Rhys, tanging ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay maabutan ko ang humablot sa phone ko para mabawi ko iyon sa kaniya. Kahit gusto ko na maglupasay sa iyak dahil hitsura ng snatcher parang hindi pahuhuli ng buhay. Kahit gano'n ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Importante sa akin ang phone ko kahit sabihin na hind

