Jenyfer “Papasok na ako,” at least nagpaalam pa rin ako sa kaniya nang makarating kami sa mansion niya. Humugot ng hangin si Rhys. Hinagod niya ako ng tingin pero mamaya-maya naman walang kibo s'yang tumango pinayagan akong pumasok na. Tumuloy ako sa k'warto ni Rhys, dahil masama pa rin talaga ang loob ko sa nangyari kanina. Gano'n lang kadaling nawala ang phone ko. Sobrang iningatan ko iyon. Hindi maintindihan ni Rhys, doon ako nayayamot sa kaniya. Nagalit pa ito nang hinabol ko iyong snatcher. Akala mo siya ang napagod sa pagtakbo ko. Kahit sa hapunan magsasalita lang ako kung kakausapin ako ni Rhys. Pero kung hindi, balik tahimik lang ako habang walang gana kumakain. Ramdam ko panay n'ya panonood sa akin iyon lang dedma ko lang siya dahil wala pa akong gana kausapin siya. Nauna rin

