YESSA's POV
I'm in a good mood today, baby.
I'm so excited to see Marcus again.
The handsome Marcus Quijano.
Marcus, the newly-hired delivery boy of my bakeshop, Yessa's Sweets Shop.
Marcus took my breath away the first time I saw him yesterday. He's like a heaven-sent for all the women out there.
I swear, namasa ang lahat nang dapat mamasa sa akin when Marcus entered my office yesterday.
Marcus is so hot! Like freaking hot!
Marcus is so tall, so handsome, and out-of-this-world gorgeous!
Marcus body is so sexy. I could only imagine the hard muscles hiding underneath those clothes. I suddenly hated the people who made the garments he was wearing.
I didn't expect a man who look like a Greek god would apply as a delivery boy at my bakeshop.
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Marcus when he gave his bio-data to me. The moment we looked at each other's eyes I already knew that I would hire him.
I mean, pakakawalan ko pa ba ang gwapong nilalang like Marcus? I'm not crazy for Pete's sake.
But I have a feeling Marcus would make me crazy for him in the next few days.
Oh my, Yessa. Get a grip, girl.
Para akong isang teenager na kinikilig sa kanyang crush.
Kilig na may kasamang init.
Yes, you read it right. Nag-iinit ako kay Marcus.
When Marcus and I shook each other's hands yesterday, dang, it felt like a voltage of electricity ran through my veins and consumed my whole system.
When Marcus smiled at me after he introduced himself, gosh, I felt like he ripped my thong with his handsome smile.
And that husky voice of Marcus, shocks, nanigas at tumirik ang tuktok ng aking dalawang pakwan nang dahil sa tinig ng boses ni Marcus.
And Marcus' hands, ugh, those are so big. Ganoon ang uri ng mga kamay na gusto kong maglaro sa aking dalawang pakwan. Marcus' hands look so experienced.
At gusto kong ang aking mga pakwan ang pagsawaan ng aking Marcus while he works for me.
Oh yes. Ng aking Marcus.
Ano ang magiging silbi ng aking pagiging employer ni Marcus if I don't utilize his full potential to my advantage, right?
I mean, what Yessa wants, Yessa gets.
And si Marcus, gusto ko siya. I want to see him on my bed, naked and pleasuring me.
Marcus will be my diversion while I'm still trying to move on from my ex-boyfriend, Enrique.
Bigla akong nalungkot nang maisip ang aking ex-boyfriend. My ex-boyfriend who cheated on me with my best friend who is now my ex-best friend.
My ex-best friend, Kitten, stole Enrique away from me. And that girl, proud pa ito sa ginawa nito.
Napangisi ako nang maalala ang reaction ni Kitten last week. When she saw me making out with Enrique. Served her right.
Yes, I still love Enrique. After all these years ay mahal ko pa rin ang lalaking iyon.
At hindi pa rin nawawala ang sakit na iniwan ni Enrique sa aking puso.
I hate and love Enrique at the same time.
Naramdaman kong nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata.
Argh!
No, I don't want to cry. Kailangang maganda ako ngayon. Maganda for my Marcus.
I have this strong feeling na si Marcus ang magiging dahilan for me to finally move on from my cheater ex-boyfriend.
----------
KITTEN's POV
Muli akong bumuntung-hininga.
Pang-ilang buntung-hininga ko na ba iyon sa loob ng thirty minutes?
Kanina pa naka-open ang desktop computer sa aking harapan ngunit hindi pa rin ako nagsisimulang magtrabaho.
As a Human Resources Supervisor, dapat ay kanina pa ako nagchi-check ng timekeeping ng employees.
But what am I doing right now?
Argh!
I can't concentrate. Iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa Yessa's Sweets Shop. Alam na kaya ng dati kong best friend na si Yessa na ang bago niyang delivery boy sa kanyang bakeshop ay ang aking ama.
Sasabihin kaya ni Yessa sa aking Daddy ang mga nangyari sa pagitan namin noon? At kung ganoon nga, ano naman kaya ang magiging reaction ni Daddy Marcus?
Totoo namang I was mad at Marcus before dahil sa nalaman kong dahilan kung bakit iniwan ito ni Mommy. Pero rahil nga sa mga ipinapadala nitong sulat, gifts, and cards sa akin ay na-realize kong hindi ganoon kasama si Daddy Marcus.
Kaya naman nag-plan na akong makipagkita rito before. At ang planong iyon ay mas napaaga rahil sa nakita kong nangyari sa mansyon ng aking stepfather na si Glenn.
Isang bagay na ginawa ng aking inang si Maxine.
So yeah, genuine naman ang aking pakikipaglapit kay Daddy Marcus. Gusto ko rin talaga itong makilala nang lubusan.
So far nakikita ko namang mabait si Daddy Marcus. Wala pa akong nakikitang masamang ginagawa nito. At kahit ang mga tao sa paligid nito ay walang sinasabing masamang bagay tungkol dito.
Kung magsasalita si Yessa sa aking ama tungkol sa aking mga ginawa sa kanya rati, ano na lang ang iisipin ni Daddy Marcus sa akin?
Na mang-aagaw ng boyfriend ng ibang babae ang anak nito?
Nakakahiya.
Inaasahan ko na lang na hindi masyadong pinasadahan ng tingin ni Yessa ang bio-data ni Daddy.
Kahit kailan talaga ay isang malaking tinik sa aking lalamunan si Yessa.
Malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang mga kaganapan sa nakaraan na sumira ng pagkakaibigan namin ni Yessa.
"No one can beat the Belle of Roses!"
"Idol ko talaga ang Belle of Roses!"
"Sana maging part din ako ng Belle of Roses!"
Naghahagikgikan lang kaming tatlo nina Yessa at Maureen sa tuwing naririnig namin ang sigawan ng mga estudyante sa tuwing dumaraan kami sa campus.
Kaming tatlo nina Yessa at Maureen ang binansagang Belle of Roses ng aming schoolmates dahil sa maraming kadahilanan.
Popular kaming tatlong magkakaibigan sa buong campus dahil unang-una ay anak kami ni Yessa ng dalawa sa shareholders ng university na aming pinapasukan, pangalawa ay si Maureen ang President ng Student Council, at pangatlo ay si Yessa ang girlfriend ng most admired heartthrob ng buong campus na si Enrique.
High School pa lamang ay matalik na kaming magkakaibigan nina Yessa at Maureen. Hanggang sa College ay magkakasama pa rin kami ngunit magkakaiba lamang ng kurso.
Si Martin na boyfriend ni Maureen simula noong High School ay kaibigan din namin ngunit pagdating ng College ay minsan na lang namin itong makasama rahil sa ibang university ito nag-enroll.
Si Enrique ay classmate din namin sa High School. Sinagot ni Yessa ang panliligaw ni Enrique nang maka-graduate kami ng High School. As expected, si Maureen ang Valedictorian at si Yessa naman ang Salutatorian.
Matalino talaga ang aking dalawang kaibigan na aking napakinabangan sa maraming taong iginugol ko sa High School.
Hindi man ako katalinuhan ay marami naman akong pera rahil sa mayaman kong stepfather na si Glenn kaya marami akong naging friends maliban pa sa aking best friends na sina Yessa at Maureen.
Isa pa, mas maganda at mas hot din ako kung ikukumpara kina Yessa at Maureen.
Si Yessa ay almost perfect. Maganda, matalino, mabait, at mayaman. Ganyan ang tingin sa kanya ng mga kaklase namin kaya naman marami ang naging miyembro ng Yessa-Enrique Fans Club noong High School kami ay dahil perfect ang tingin ng aming schoolmates kina Yessa at Enrique.
Walang nakakaalam ni isa sa aking mga kaklase at schoolmates na rati pa lang ay may gusto na ako kay Enrique. Kaya naman nanibugho ang aking puso nang maging magkarelasyon sina Yessa at Enrique sa mismong araw ng aming High School graduation.
Hanggang ngayong nasa College na kami ay nagseselos pa rin ako sa tuwing nakikitang magkasama sina Yessa at Enrique. Gusto kong magalit ngunit wala akong karapatan.
Sina Yessa at Enrique ang nagmamahalan at matalik na kaibigan ko naman si Yessa.
Ngunit isang araw ay bigla na lang akong nagkaroon ng pag-asa na mamahalin din ako ni Enrique nang sikuhin ako ni Maureen.
Maureen: Kitten, tingnan mo. Nakatingin sa iyo si Enrique kahit si Yessa ang kanyang kasama. OMG. Kikiligin na ba ako?
Nang tingnan ko si Enrique ay napatunayan kong tama ang sinasabi ni Maureen.
Nakaharap si Yessa sa kanyang laptop at may sinasabi siya kay Enrique ngunit ang mga mata ni Enrique ay nakatutok sa akin. Nang makita nitong nakatingin ako rito ay ngumiti ito na naging dahilan para ngumiti rin akong pabalik dito.
Maureen: OMG. Kinikilig ako! May crush ka kay Enrique, ano? Ayaw mo lang sabihin dahil boyfriend siya ng best friend natin.
Bigla akong natauhan sa sinabi ni Maureen at umiwas ng tingin kay Enrique.
Maureen: Awww. Nalungkot si Enrique nang iniwasan mo ang titig niya. Kawawa naman siya, Kitten. Tingnan mo.
Nang muli kong lingunin si Enrique ay nakita kong malungkot nga ang mukha nito ngunit agad na ngumiti nang makitang nakatitig ako rito.
Narinig kong impit na tumili si Maureen sa aking tabi.
Maureen: Grabe na ito! Para akong nanonood ng teleserye. Iyon bang may tema na mahal ng dalawang tao ang isa't isa pero hindi na pwedeng maging sila.
Nakikinig ako sa mga sinasabi ni Maureen pero tuloy pa rin ang malagkit na tinginan namin ni Enrique.
Grabe. Ang gwapo ni Enrique. Kaya marami ang nahuhumaling dito rahil sa angkin nitong kagwapuhan. Idagdag pa ang makisig nitong pangangatawan na resulta ng paggi-gym at pagba-basketball nito.
Si Yessa ay nakatingin pa rin sa kanyang laptop. Alam kong may tinatapos pa siyang reaction paper para sa isa niyang subject.
Walang kaide-ideya si Yessa na nagpapalitan na ng malalagkit na titig ang kanyang boyfriend at ang kanyang best friend.
Maureen: Pero sa teleserye lang naman 'yon. Nasa totoong mundo tayo. Talaga bang hindi pwedeng maging kayo ni Enrique, Kitten?
Patuloy pa rin si Maureen sa pagsasalita nito.
Napaisip ako. Hindi nga ba pwedeng maging kami ni Enrique? Kung mahal nito si Yessa ay hindi ito makikipagtitigan at makikipagngitian sa akin ngayon.
Marahil ay gusto rin ako ni Enrique tulad ng pagkagusto ko rito. Oh my. Ito na ba ang pagkakataong aking hinihintay?
Maureen: Alam mo, kung pareho niyo namang gusto ni Enrique ang isa't isa, bakit hindi ninyo pagbigyan ang inyong mga sarili? Ay! Oo nga pala. Kaibigan natin si Yessa. Erase! Erase! Erase! Wala akong sinabi, Kitten, ah. Mamaya sundin mo pa ako.
At mula nga nang araw na iyon ay inobserbahan ko na ang mga kilos ni Enrique.
Inisip ko na baka pagnanasa lang ang nararamdaman ni Enrique para sa akin. Ngunit nagkamali ako. Lagi itong gumagawa ng paraan para magkausap kami. Para mas makilala ako ng lubusan.
Maureen: Grabe, Kitten. Nata-touch ako sa mga ginagawa ni Enrique. Imagine. Kaninang umaga pa tapos ang huling klase niya, pero nag-stay siya sa university hanggang gabi para lang hintaying matapos ang huling klase mo kasi gusto niyang magkausap kayong dalawa. Buti absent ngayon si Yessa rahil may lagnat.
Napailing pa si Maureen.
Maureen: Hanga ako sa effort ni Enrique. Ang haba ng hair mo kahit sa part mo ay wala kang effort for him.
Napaisip ako sa sinabi ni Maureen.
Hindi nga ba ako nag-e-effort for Enrique?
Maureen: Naaawa na nga ako roon sa tao. Nagsabi sa akin noong isang araw na gusto na niyang hiwalayan si Yessa, kaso 'yon nga, ayaw niyang makapanakit. Ang gusto pa yata ay si Yessa ang makasakit sa kanya para magkaroon siya ng dahilan na iwanan 'yong best friend natin.
Napaisip ako sa sinabi ni Maureen.
Kung si Yessa ang magkakasala kay Enrique, hindi na magiging mahirap para rito na makipaghiwalay kay Yessa.
Maureen: Uy, Kitten. Bakit ganyan ang hitsura mo? Huwag kang nakikinig sa mga sinasabi ko. Naisip ko lang naman 'yon kasi ayaw daw niyang makasakit.
Bumuntung-hininga pa si Maureen.
Maureen: Pero kilala natin 'yong si Yessa. Almost perfect 'yon. Kung gagawa iyon ng mali, malamang dahil s-in-etup siya. Eh, ako, hindi ko magagawa kay Yessa 'yon. Siguro naman, pati ikaw, 'di ba? Kaibigan natin siya, eh.
Tinitigan ko si Maureen.
Oo, kaibigan ko si Yessa, pero mahal ko si Enrique.
Tama si Maureen na kung gagawa ng mali si Yessa ay dahil iyon sa isang setup. Ngunit magagawa ko ba iyon? Sabi nga ni Maureen ay kaibigan namin si Yessa.
Pero isang araw ay isang masamang plano ang namuo sa aking isipan.
Ipinilig ko ang aking ulo sa parteng iyon ng alaala ng nakaraan. Gusto ko nang kalimutan iyon.
Hindi ko gustong isipin na mali ang aking ginawa kay Yessa noon.
Ginawa ko iyon dahil sa aking pagmamahal kay Enrique.
Argh!
Talagang kahit kailan ay problema ang dulot sa akin ni Yessa.
----------
itutuloy...