MARCUS' POV
Hay...
Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.
Anak ng!
Alas onse y medya na pala.
Argh!
Bukas pa naman ang aking unang araw ng trabaho sa Yessa's Sweets Shop at hanggang ngayon ay gising pa rin ako.
Hindi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang naging reaksyon ni Kitten nang aking sabihin sa kanyang natanggap ako bilang delivery boy sa Yessa's Sweets Shop kanina.
Totoo nga kayang pagod at gutom lang siya kaya tumaas ang tono ng kanyang boses nang kausapin ako kanina? Iyon nga kaya ang dahilan kung bakit parang kinabahan siya?
Tandang-tanda ko pa ang naging eksena sa living room ng aking apartment kanina.
Pasipol-sipol ako habang dahan-dahang pinipihit pabukas ang seradura ng pintuan ng aking apartment.
Good mood ako ngayon dahil unang-una ay nagkasama kami ni Rowena, my loves kahit ilang minuto lang. Sinundo ko ito sa paaralang pinagtatrabahuan nito para maihatid sa sarili nitong apartment.
Pangalawa ay dahil natanggap ako sa Yessa's Sweet Shop bilang bagong delivery boy. Marami pala ang nag-o-order sa bakeshop na iyon kaya kailangan ng owner ng bakeshop na si Yessa ng taga-deliver ng order ng customers nito.
Pagkabukas ko ng pintuan ng aking apartment ay agad akong pumasok sa loob ng aking bahay. Nakita ko ang aking anak na si Kitten na nakatayo sa sala ng apartment.
Nakasuot na ng damit-pambahay si Kitten kaya malamang ay kanina pa siyang nakauwi.
Marcus: Nakauwi ka na pala, anak.
Napansin kong nakatitig sa aking katawan si Kitten at nagulat pa siya nang ako ay magsalita.
Kitten: Ah, ka-kani-kanina lang. Hi-hinihintay ko po talagang makauwi kayo pa-para malaman kung pu-pumasa po kayo sa interview.
Nang marinig ko iyon ay nagkaroon ng malaking ngiti sa aking mukha.
Masarap pala sa pakiramdam iyong maririnig at malalaman kong may pakialam ang aking anak na si Kitten sa nangyayari sa aking buhay. Ilang taon ko ring hinintay ang ganitong pagkakataon.
Pero hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan si Kitten. Para siyang kinakabahan.
Marcus: Ah, oo. Na-hire ako ng owner ng bakeshop. 'Yong Yessa.
Napansin kong parang nanlambot ang mga tuhod ni Kitten at dahan-dahang siyang napaupo sa sofa.
Nang mapaupo si Kitten sa sofa ay bigla siyang sumigaw.
Kitten: No!
Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikitang hilakbot sa mukha ni Kitten.
Nag-aalala ako sa ayos ni Kitten kaya agad ko siyang dinaluhan sa sofa. Umupo ako sa kanyang tabi at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Iniharap ko sa akin si Kitten bago ako nagsalita.
Marcus: A-ano ang nangyayari, anak? Ma-may masakit ba sa iyo?
Alalang-alala ako kay Kitten.
Pinagpapawisan ang sentido ni Kitten at malakas ang aking pakiramdam na kinakabahan siya. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lamang siya sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata.
Ano ba ang nangyayari kay Kitten?
Pinilit kong pakalmahin si Kitten. Pinisil-pisil ko ang kanyang magkabilang balikat. Pagkatapos ay bumaba ang aking dalawang kamay para hawakan ang kanyang mga kamay. Pinisil-pisil ko ang mga palad ni Kitten.
Marcus: Bakit hindi ka nagsasalita, anak? At saka bakit ka kinakabahan?
Nagulat ako nang biglang bawiin ni Kitten ang kanyang dalawang palad mula sa aking pagkakahawak na parang napaso.
Tumuwid ng upo sa sofa si Kitten at tumagilid sa akin. Iniwasan niya ang aking mga mata.
Marcus: May mga pawis ka sa iyong sentido.
Akmang pupunasan ko na ang sentido ni Kitten nang bigla niyang iiwas ang kanyang ulo sa akin.
Kitten: No, Daddy! Don't touch me!
Nagulat ako sa pagtaas ng tono ng boses ni Kitten sa akin.
Napansin ko namang pati si Kitten ay nagulat sa kanyang inasal. Nahihiya siyang lumingon sa akin at yumuko.
Sa halos pabulong na tinig ng boses ay muling nagsalita si Kitten.
Kitten: I-I'm sorry, Daddy. Hi-hindi ako rapat nagtaas ng tono ng boses sa inyo. Pa-pasensya na.
Kumunot ang aking noo at maya-maya ay tumango.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
Marcus: Ayos lang, Kitten. Marahil ay napagod ka sa trabaho at ngayon ay baka gutom ka na.
Tinatantiya ko kung sasabihin sa akin ni Kitten ang totoong dahilan ng mga kakaibang ikinikilos niya ngayon.
Nag-angat ng ulo si Kitten at tumitig sa akin ng ilang segundo bago muling nagsalita.
Kitten: O-oo. Ta-tama. Pa-pagod ako sa trabaho. Gu-gutom na rin ako. Ha-halika na, Daddy. Ka-kain na po tayo. Bu-bumili ako ng pagkain sa fast food restaurant.
Tumayo na si Kitten mula sa pagkakaupo sa sofa at pumunta ng kusina.
Nakita kong nagsimula nang maghanda si Kitten para sa aming hapunan. Inilabas niya mula sa isang paper bag ang kanyang biniling pagkain para sa aming dalawa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para magbihis ng damit-pambahay.
Nakita kong lumingon sa akin si Kitten.
Kitten: Sahod namin ngayon, Daddy. Pasensya ka na at ito lang ang unang treat ko sa iyo.
Nakita kong ngumiti si Kitten at hindi ko na mabasa sa kanyang mukha ang kabang nakikita ko roon kanina.
Mukhang kumalma na si Kitten, pero ako ay medyo duda sa kanyang sinabi na rahil sa pagod at gutom ang panginginig ng kanyang katawan at pagtataas ng tono ng kanyang boses kanina.
Marcus: Pareho palang may magandang nangyari sa araw natin ngayon.
Ngumiti akong pabalik kay Kitten.
Napansin kong natigilan si Kitten ngunit sandali lamang iyon at muling ngumiti. Isang pilit na ngiti sa aking palagay.
Kitten: Ah, o-oo nga. Da-daddy, co-congrats nga po pala.
Kahit ang pautal-utal na pagsasalita ni Kitten ay nakakapagduda.
Muli akong ngumiti kay Kitten.
Marcus: Salamat, anak. Sige. Magbibihis muna ako.
Iyon lang at tumalikod na ako para magbihis sa loob ng aking kwarto.
Bumuntung-hininga ako matapos alalahanin ang nangyari kanina.
Malakas ang aking pakiramdam na hindi lang dahil pagod sa trabaho at gutom si Kitten kaya ganoon ang kanyang naging reaksyon nang malamang na-hire ako sa Yessa's Sweets Shop kanina.
Pero ano naman kaya ang posibleng dahilan?
Hindi naman siguro masama kung aking aalamin.
----------
THIRD PERSON POV
Hindi alam ni Xavier kung ano ang kanyang ginawang mabuti para sa kaibigan at roommate na si Martin para maging sobrang bait nito sa kanya ngayong araw.
Kaninang umaga ay naparami raw ang lutong almusal ni Martin kaya pinabaunan nito si Xavier ng para sa kanyang tanghalian sa trabaho. Tinanggap na rin niya rahil malaki ang kanyang matitipid kung hindi na siya bibili ng tanghalian.
Kaninang hapunan ay iniluto ni Martin ang paboritong ulam ni Xavier. Tandang-tanda pa ni Xavier ang sinabi ni Martin kung bakit nito iniluto ang kanyang paboritong putahe.
Martin: Pasasalamat ko ito, Xavier, dahil dumating ka sa aking buhay.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Martin na parang may nasabi ito na hindi rapat sabihin.
Si Xavier naman ay nanatiling nakamasid lang kay Martin at hinihintay ang sunod nitong sasabihin.
Martin: I-I mean dito sa bahay, sa apartment na ito. A-at least may makakasama pa rin ako matapos umalis ng dati kong roommate. Tama.
Nakita pa ni Xavier na parang pinagpawisan ang sentido ni Martin.
Muling nagpatuloy sa pagsasalita si Martin.
Martin: At saka na-realize kong sa tagal-tagal nating magkaibigan ay hindi pa kita naipagluluto.
Malakas na tumawa si Xavier.
Xavier: Ano ka ba? Kahit naman ako ay hindi ka pa naipagluluto kahit minsan. Eh, kasi naman hindi ako marunong magluto rahil siguro kumpiyansa akong hindi mapapagod ang aking Ate Rowena na ipagluto ako. Noong isang araw ngang biglaan akong napabisita sa kanya ay ipinagluto na naman niya ako ng marami.
Malawak ang ngiti sa mukha ni Xavier.
Xavier: At wala akong balak matuto.
Pahabol pa ni Xavier at sinundan ng malakas na halakhak.
Martin: Naku. Hindi mo ako kailangang ipagluto, Xavier. Ayos na sa akin na maipagluto kita.
Muling tumigil sa pagsasalita si Martin na parang nadulas sa mga sinabi nito.
Martin: A-ang ibig kong sabihin ay okay lang kahit ako lang ang magluto para sa ating dalawa. Ma-mas ayos nga ito para makatipid din tayo. A-at saka mas masarap ang lutong-bahay kaysa mag-order pa tayo ng food online.
Ngumiti lang si Xavier kay Martin at tumango.
Martin: Mag-request ka lang sa akin ng mga gusto mong kainin at susubukan kong iluto. Ipaparamdam ko sa iyong parang kasama mo lang ang Ate Rowena mo rito sa apartment natin sa pamamagitan ng mga pagkaing aking iluluto. Ipaparamdam kong kapag kasama mo ako ay parang kasama mo na rin ang iyong totoong pamilya.
Ngumiti ng matamis si Martin kay Xavier.
Medyo nailang si Xavier sa sinabing iyon ni Martin ngunit mas pinili niyang huwag na lang magkomento since maganda naman ang hangarin nito.
At pagkatapos maghapunan nina Xavier at Martin ay nag-alok si Martin na i-massage ang mga balikat at likod ni Xavier na hindi naman niya tinanggihan dahil talagang napagod ang kanyang katawan mula sa trabaho.
Ang kaso ay may pakiramdam si Xavier na parang iba ang ginagawang paghagod ni Martin sa kanyang katawan kanina. Parang medyo senswal ang ginagawa nitong pagmamasahe sa kanyang mga balikat at likod.
Tumagal nang ilang minuto ang pagmamasahe ni Martin kay Xavier hanggang sabihin ni Xavier na papasok na siya ng kanyang kwarto para magpahinga. Pero ang totoo ay medyo nailang siya sa paraan ng pagmamasahe ni Martin sa kanya.
Nagpasalamat pa rin naman si Xavier kay Martin para sa libreng masaheng iyon.
At ngayon nga ay iniisip ni Xavier kung may iba pa bang rason si Martin para gawin ang mga bagay na iyon maliban sa kadahilanang magkaibigan sila.
Hindi gustong pag-isipan ng masama ni Xavier si Martin dahil kanyang kaibigan ito pero may parte sa kanyang puso ang hindi mapalagay.
----------
Sa loob ng isang madilim na kwarto ay may hubo't hubad na babaeng pinaglalaruan ang kanyang basang hiyas sa ibabaw ng kanyang kama.
Bawat sundot ng babae sa kanyang basang hiyas gamit ang dalawang daliri sa kanyang kanang palad ay kanyang iniuungol ang pangalang Marcus.
Babae: Marcus... Marcus... Marcus...
Nang masigurong marami nang kumapit na malapot na likido sa kanyang dalawang daliri ay kanya nang hinugot ang mga daliri mula sa loob ng kanyang masikip na yungib at isinubo sa kanyang bibig.
Pinaglaruan ng babae ang malapot na katas sa loob ng kanyang bibig gamit ang kanyang dila. Nang mapagod ang kanyang dila ay pumikit siya habang nilulunok ang lahat ng likido na nasa loob ng kanyang bibig.
Umungol ang babae rahil sa ginawang pagsimot sa sariling katas.
Ang lalaking nasa pantasya ng babae habang ginagawa ang kamunduhan ay si Marcus, ang lalaking kanyang in-interview kanina.
At ang babae ay walang iba kundi ang owner ng Yessa's Sweets Shop.
Si Yessa.
Idinilat ni Yessa ang mga mata at bumulong sa hangin.
Yessa: Marcus, tulungan mo akong makalimutan si Enrique.
----------
itutuloy...