THIRD PERSON POV Napalingon si Rowena sa batang tumawag sa kanyang pangalan habang palabas siya ng paaralan kung saan siya nagtatrabaho bilang isang guro. Ang estudyanteng si Gigi, ang kapatid ng kapitbahay niyang si Jake na nakatira rin sa apartment building kung saan siya nangungupahan. Kaagad niyang nginitian ang bata at nilapitan ito habang kumakaway ito sa kanya. Rowena: O, Gigi. Dumating na ba ang sundo mo? Sino ba ang susundo sa iyo ngayon? Ang Kuya Jake mo ba? Nakangiting umiling ang bata sa kanya habang ang ibang estudyante ng paaralan ay dumadaan sa kanilang tabi palabas ng school. Gigi: Hindi po, Teacher. Si Kuya Maxi na po ang madalas na sumusundo sa akin ngayon. Buti nga po kasama na namin siya sa bahay ni Kuya. Dahil po sa kanya ay ngumingiti na si Kuya Jake ngayon. Hi

