Avery Pov
After 30 minutes of driving ay sa wakas nakarating na rin ako sa MOA. Ipinarada ko muna ng maayos ang kotse ko bago pumasok sa loob. Sakto namang pagpasok ko eh sya ring pagtawag ng magaling kong kaibigan.
"Hel---" Hindi pa ako tapos magsalita ng biglang sumigaw ang nasa kabilang linya.
"Nasaan kana ba best.?! Huwag mong sabihing malalate kana naman ng dating.? Malilintikan kana talaga sa aking babae ka.!" Sunod-sunod nitong sigaw kaya inilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko.
Para talagang nakalunok ng megaphone ang babaeng ito. Makasigaw wagas eh.
"Geez.! Can you just please calmed down a bit.? I'm already here okay.? Mababasag ang eardrum ko dahil sayo eh." Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ohh. I'm sorry. Akala ko kasi mali'late kana naman eh." Sabi nito na nagpaikot sa mata ko.
"Whatever b***h. Teka, saan kaba banda nang mapuntahan na kita dyan."
"Nandito ako sa store ng Bench."
"Ok. Hintayin mo ako dyan." Sabi ko lamang at hindi na hinintay ang sagot nya dahil pinatay ko na ang tawag.
Rude ba.? Nah.! Sanayan lang 'yan. Who cares anyway.
Pagdating ko sa loob ng store ng bench ay agad hinanap ng maganda kong mata ang bruha kong kaibigan. Sakto namang napalingon ito sa pwesto ko nang mapatingin ako sakanya.
Pangiti-ngiti pa itong lumapit sa akin. Tsk.! Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang isang 'to may kalalagyan sya sa akin.
"Wow.! You're really here on time. Ano 'to best.? Bagong buhay na ba.?" Natatawang sabi nito na ikina-ikot na naman ng mata ko.
Kung may award lang sa paramihan ng pag roll eyes sa isang araw baka nakuha ko na yun.
"Ha.Ha.Ha. Nakakatawa Sophia Lim." I said sarcastically bago humalukipkip sa harapan nya. "So, ano na.? Magdadaldalan na lang ba tayo dito o mamasyal.? Kung pinapunta mo lang ako dito para inisin mas mabuti pang umuwi na lang sa condo unit ko at matulog." Mataray kong sabi na ikinataas ng kilay nito.
"Hindi ata maganda ang gising mo.? Saka pwede bang mag relax ka muna.? Pwede.? Masyado kang hot eh."
"I know right. Matagal ko nang alam na hot ako." Confident kong sagot sakanya.
"Errr. Mabuti pa umalis na tayo dito baka masira pa itong store ng bench dahil sa kahanginan mo." Sabi nito sabay hatak sa akin palabas ng store.
Hila-hila parin ako ni Sophia hanggang sa makarating kami sa damitan. Hindi rin halatang excited syang mamili ano.?
Tsk.! Siguradong ubos na naman ang dala kong pera ngayon dahil sa babaeng ito. But it's ok though, marami na rin kasi akong atraso sakanya kaya gusto kong makabawi kahit sa ganitong paraan man lang.
Kahit naman kasi lagi akong iniinis ng bruhang ito ay mahal na mahal ko iyan, but not in a romantic way. I treated her like my own sister lalo pat nag'iisa lang akong babae sa aming magkakapatid.
"Best bagay ba ito sa akin.?" Tukoy nito sa hawak nyang red knee length dress.
"K lang. Hindi na rin masama." Walang gana kong sagot na ikinasimangot nya.
Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako pinaglalamayan dito dahil sa talim ng titig nya.
"Yung totoo best.? Napipilitan ka lang bang pumunta dito.? Dahil kung oo maaari kanang umalis." Nakasimangot na sabi nito.
"Huwag mo akong daanin sa ganyan mong paandar Sophia Lim.! Kilala na kita mula ulo hanggang paa kaya huwag ako.! O baka naman gusto mong ikaw ang magbayad ng mga bibilhin natin ngayon.?" Patol ko sa pag'iinarte nya nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Sabi ko nga hindi na ako magsasalita." Nakangiwing sabi nito. "Sagutin mo na lang iyang tumatawag sayo. Kung sino man syang poncio pilato."
Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung sino ang tumatawag atsaka pinatay nang mapagtanto ko kung sino ito.
"Let me guess. Si David na naman iyan noh.?" Nang-iintrigang tanong nito.
"Sino pa nga ba.?" Walang-ganang sagot ko sakanya.
"You know what bestie.? Kung ako sayo kausapin mo na sya ng maayos. Make it clear to him na wala na syang aasahan sayo kesa naman araw-araw ka nyang kulitin. Saka wala ka naman sigurong balak na makipag-balikan sakanya hindi ba.?"
Napalaki tuloy ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"Of course not.! Sa lahat ng nakita at nalaman ko.? No way.! Ano ako tanga.?!" Exaggerated kong sagot sa kanya. "Mabuti nga na nangyari 'to cause lately I realized that I don't love him that much. Kaya siguro hanggang ngayon hindi ko maibigay-bigay sakanya ang sarili ko dahil wala talaga akong special na nararamdaman sa hayop na iyon. I realized na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay kay David."
"Salamat naman at natauhan kana bestie.! Grabe.! Halos isang taon ka ding nagpaka'martyr ano.?"
Magkaibigan nga kami. Pareho kaming exaggerated mag'react.
"Martyr talaga.? Hindi ba pwedeng ngayon ko lang talaga napagtanto ang lahat.? Saka I just wanted to give him a chance that time." Sabi ko habang pumipili din ng mga damit na bibilhin ko.
"Yun na nga bestie eh. You gave him a chance to prove himself to you but look what he did.? Oh diba nakikipaglampungan sa iba.? At ikaw naman kapag sinasabihan ayaw maniwala. Kesyo may tiwala ka sa kanya chu chu blah blah blah. So anong pakiramdam nong ikaw na mismo ang nakakita sa kahayupang pinaggagawa ng ex mo.? Oh diba masaya.?" Sarkastikong sabi nito.
Well, naiintindihan ko kung bakit ganito sya mag'react. Muntik na kasi kaming mag-away nong first time nyang sinabi sa akin na nakita nya si David na may ibang kahalikang babae sa isang exclusive bar sa Makati. Hindi ako naniwala sa kanya that time dahil may tiwala ako kay David na hindi nya magagawa ang bagay na iyon.
Oh well, I guess he doesn't love me that much dahil nakuha nyang mangaliwa. Anyway, it was part of the past now so we have to move forward. He don't deserve my love, though.
"Galit kana nyan.?" Pagbibiro ko sakanya.
"I'm not. Nagsasabi lang ako ng totoo. But anyway, tumawag sa akin kanina si Kathleen. Itinanong nya kung kailan daw ang free time mo para naman daw makapag-bonding tayong tatlo." Nakangiti ng sabi nito.
"Bat hindi sya sa akin tumawag.? Ano kayang nakain non at nag-ayang magbonding.?"
"Baka hindi busy." Kibit-balikat nitong sagot.
Kathleen is one of our close friend. Nagkakilala kami sa birthday party ng isa sa mga co-model ko, na isa rin pala nyang kaibigan s***h patient.
We talked about our profession at doon ko nalaman na isa pala syang Neurosurgeon and Aesthetic Doctor. Ang talino lang diba.? Pero huwag ka.! She's gorgeous, witty and jolly.
Yung tipong hindi ka maiilang na kausapin sya kaya siguro naging magkaibigan agad kami. Kaya nga nong ipinakilala ko sya kay Sophia ay agad din silang nagkasundo. Actually, mas mukha pa nga silang close tingnan kesa sa aming dalawa eh. Nasaan ang hustisya non diba.? Tsk.!
"Hoy tulala ka dyan.?! Huwag mong sabihing nasa ibang dimension na naman iyang utak mo.?" Nakapameywang na sabi nito. Iba rin talaga ang trip ng isang 'to.
"Huwag ka ngang maingay dyan. Hays. Bayaran na nga lang natin iyan nang makakain na tayo. Kanina pa ako nagugutom." Pagmamadali ko sakanya dahil feeling ko kanina pa may nakatingin sa amin. Ang creepy lang.
"Oo na.! Ito na nga oh."
------
"I already saw the target Sir. What do you want me to do.?" Tanong ng isang lalaki sa taong kausap nya sa cellphone habang nakatingin sa isang babae, na hindi kalayuan sa kanyang pwesto.
"Do what is right agent. Kill her and don't messed up this time. Am I clear.?" Utos nito sa ma-awtoridad na boses.
"Yes Sir. I won't." Sagot nito bago pinatay ang tawag.
Pumwesto muna ito bago itinutok ang sniper riffle sa direksyon ng kanyang target. Pero bago pa man nya ito maiputok ay may pumalo na sa kanyang batok na ikinabulagta nya sa sahig.
-------
Someone's Pov
Nakatingin lang ako sa taong nakatali ngayon sa upuan. Hindi ko alam kung sino 'to pero sigurado akong nagtatrabaho ang taong ito sa Black Stone.
"Hmm. Na--nasaan ako.?" Tanong nito habang inililibot ang paningin sa kanyang paligid.
"Mabuti naman at gising kana." Sabi ko na ikinagulat nya.
"Ikaw.?! Tsk.! Hanggang ngayon binabantayan mo pa pala talaga ang babaeng yun." Nakangising sabi nito dahilan para suntukin ko sya ng malakas.
"Sino ka.? At bakit mo ako kilala.?" Galit kong tanong sakanya pero tumawa lang ito ng malakas kaya sinuntok ko sya ulit sa sikmura. "Uulitin ko. Sino ka at sinong nag-utos sayo na ipapatay sya.?!"
"Nakakatawa ka talaga alam mo ba yun.? Sa tingin mo ba hindi namin makikilala ang taong tulad nyo.? At para sa kaalaman mo, kalat na sa buong agency ang mga mukha nyo." Nakangising sabi nito na ikinatiim ng bagang ko. "Kahit patayin mo pa ako ngayon. Mayron pa ring mga katulad ko ang pupunta dito para patayin sya at wala kang magagawa para iligtas sya. Kung ako sayo ako na mismo ang papatay sa babaeng yun para hindi kana madamay sa gulong ginawa nya." Galit ng sabi nito.
"Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyan at kahit isipin man lang hindi ko gagawin." Madiin kong sagot sa taong ito.
"Talaga.? Tsk Tsk. Talagang paninindigan mo yan huh. Palibhasa kasi wala kang alam." Nangungutyang sabi nito na ikina-init agad ng ulo ko dahilan para itutok ko sa ulo nya ang baril na kanina ko pa dala.
"Ikaw ang walang alam." Walang emosyon kong sagot sa kanya bago iputok ang baril sa ulo nya.
---------
Avery Pov
"Nakauwi kana ba bestie.?" Tanong sa akin ng magaling kong kaibigan.
Paano ba naman kasi bigla syang nagpaalam na uuwi na dahil ngayon lang nya naalala na may date sila ng kuya ko.
Yeah, boyfriend nya si kuya Owen and I'm happy for the both of them. Ako lang naman talaga ang hindi ma'swerte sa love life.
"Hindi pa. But I'm on my way na to my condo. Medyo traffic lang ng kaunti dito." Sagot ko habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan na nasa unahan ko.
"Pasensya na talaga frenny. Hindi na kita nasamahan kumain. I'm really sorry best. Don't worry ako naman ang babawi sa susunod. Promise 'yan." Sabi nito na ikina-ngiti ko. Ang bait talaga ng kaibigan kong ito.
"It's ok silly. Don't worry about me. Just enjoy your date with Owen, okay.?"
"I will. Drive safely. Text me kapag nakarating kana sa condo unit mo para malaman namin ng kapatid mo." Sister mode on na naman itong si Sophia.
"Opo nay. Hahaha." Pagbibiro ko.
Siguradong mapipikon na naman ito. Ayaw nya kasi na tinatawag syang ganon.
"Ewan ko sayo. Bye.!" See what I mean.? Hahaha.
***
Pagkatapos ng ilang minutong traffic at pagmamaneho ay sa wakas nakarating na rin ako sa condominium building kung saan ako nakatira. May nakasabay pa akong sasakyan na nag'park.
Pagbaba ko sasakyan ay dumiretso na agad ako sa elevator and again may nakasabay na naman akong pumasok sa loob. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakababa ang suot nitong cap at natatabunan ang halos kalahati nitong mukha.
Anyway, she's a girl base sa hubog ng katawan nya. Nakasuot lang ito ng plain white v-neck shirt, ripped jeans and black rubber shoes. Hindi halatang mahilig sya sa black and white color ano.?
But wait.! Bat ba ang daldal ko.? At ano namang pake ko sakanya diba.? Tss.
Since wala ata syang balak pindutin ang number button kung saan syang palapag pupunta ay ako na lang ang nauna dahil gusto ko ng matulog. Sa ika-60th floor ako since mahilig ako sa matataas na lugar.
Pansin ko namang napatingin sa gawi ko ang babae bago kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa at parang may ka'text ito base na rin sa galaw ng kanyang mga daliri.
Oh my.! Hindi kaya isang paparazzi ang babaeng 'to.? O di kaya'y kidnapper.!
Pero imposible namang may masasamang loob ang makapasok sa condo building na ito. Masyadong strict ang security nila rito. Hindi sila basta-basta nagpapapasok lalo na kapag hindi condo unit owner o di kaya'y bisita ng unit owner.
"Aheem.! Uhm. Hi." Ngiti kong bati sa babaeng ito.
Kinapalan ko na lang ang mukha ko imbis na makipagtalo sa inner self ko kung masama ba itong tao o ano.
Pero ang babaitang ito hindi man lang umiimik. Grabe sya hah.! Ako na nga ang pumapansin sa kanya pakipot pa sya.? Hmp.!
"Uhm. Dito karin ba nakatira Miss o may dadalawin ka lang.?" Tanong ko ulit sa hindi nakikiusyosong tono. Pero ang gaga hindi pa rin nagsasalita.
Ughh.! That's it.! Tama na ang paligoy-ligoy dahil nagmumukha na akong tanga dito. Pakiramdam ko talaga paparazzi ang isang 'to eh.
Makapag'reklamo nga bukas sa management rito. Tsk.!
"Look Miss.! Kung sinusundan mo lang ako para makakuha ng impormasyon tungkol sa akin na pagpi'pyestahan ng taong bayan then you better stop this nonsense dahil wala kang makukuha." Tuloy-tuloy kong sabi kasabay ng pagbukas ng elevator.
Nauna itong lumabas at para ata akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita ito.
"Huwag kang assuming Miss. Hindi kita sinusundan kung iyon ang akala mo." Malamig na sabi nito bago ako iwang nakatulala rito.
Pero teka, ano daw.? Assuming.? Ako assuming.?! Aba't.!
Mabilis ko itong sinundan at nanggagalaiting sinigawan.
"Hindi ako assuming noh.! Malay ko bang-----" Natigil lang ako sa pagsasalita ng huminto sya sa pinto ng kaharap kong unit.
Sya yung babae na naka-hoodie kanina.?! F*ckshit.! Nakakahiya.!
"Malay mo bang ano.? Na sinusundan kita.?" Walang ganang tanong nito bago tumingin sa akin ng deretso.
Hindi na masyadong nakababa ang cap nya kaya nakikita ko na ngayon sa malapitan ang mga mata nito na nagpatigil sa akin. I don't know why.
"Kung wala kanang sasabihin Miss, makaka-alis kana." Sabi pa nito na nagpabalik sa huwisyo ko.
"Uhh. So--sorry. But wait, hindi mo ba talaga ako kilala.?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Malay nyo naman diba.?
Kumunot naman ang noo nito bago tumaas ang perpekto nyang kilay. Wait...did I just complemented this woman.? Really self.?!
"Bakit.? Kailangan ba talaga kilala kita.?" Pokerface na tanong nito na ikina-nganga ko.
What the heck.?! Saang planeta ba galing ang babaeng 'to.?
Hindi naman kasi sa pagmamayabang hah.! Like hello.?! Kilala kaya ang pangalan ko sa halos buong pilipinas.! Tapos---ughh.!! Nakakainis ang babaeng ito. Promise.!
"Huh.? Uhh, hehehe. Sabi ko nga hindi mo ako kilala." Labas sa ilong kong sagot sa kanya.
Hindi na naman ito sumagot pa bagkus ay pumasok na sa loob ng kanyang unit.
"Antipatika.!" Nanggigigil kong sigaw at galit na pumasok sa aking condo unit.
---------