Avery Pov
Hanggang ngayon hindi parin ako maka'moved on doon sa babaeng nakatira sa harap ng unit ko.
Letche.! Saan ba iyon ipinaglihi bat ang sama ng ugali.?
"Hoy.! Tulala kana naman dyan.? Huwag mong sabihing iniisip mo parin yung babae na nang'etshepwera sayo.?" Natatawang sabi ni Sophia.
Kasama ko nga pala ang babaeng ito. Nagpasama kasi ako sakanya dito sa starbucks dahil gusto ko lang. Bakit ba.? And since gusto nyang bumawi sa akin sinamahan naman nya ako and yun nga na'ikwento ko sakanya yung nangyari kagabi. Pero ang bruha tuwang-tuwa pa ata sa nangyari sa akin.
"Nakakainis kasi eh.! Ang sarap nyang tirisin ng pinong-pino." Hindi ko maiwasang manggigil sa aking isipan.
"Bestie naman kasi, kasalanan mo rin naman yun eh. Pinagkamalan mo pang paparazzi yung tao and the worse thing is, pinag-isipan mo pa ng masama. Saka hindi naman kasi lahat kilala ka." Sabi nito dahilan para paningkitan ko sya ng mata. "What I mean is, baka hindi yun tagarito. Malay mo lumaki sya sa ibang bansa at naisipan lang na magbakasyon dito sa pilipinas. Ganern.!"
"Ah basta.! Naiinis parin ako sa babaeng yun." Nanggigigil ko paring sabi ng mahagip ng maganda kong mata ang kinaiinisan kong tao sa balat ng lupa.
Naka'headphone pa ito at parang may hinihintay. Bwesit.! Pati ba naman dito makikita ko pa sya.?
"Umuwi na tayo. May meeting pa ako mamaya sa manager ko." Sabi ko na lamang para maiwasan ang babaeng yun.
"Yeah sure." Sagot nito sabay tayo.
Paalis na sana kami ng may lalaking papunta sa direksyon namin at tila may hinahanap. Ngumiti naman ito bago sumigaw. Nubayan.!
"Raven.!" Sigaw nito habang kumakaway.
Napalingon tuloy ako sa aking likuran. Curious lang ako kung sino ang tinatawag nya na sana hindi ko na pala ginawa. Nagtama lang naman ang paningin namin nong babaeng kinaiinisan ko.
Umiwas din naman agad ako at inakay na si Sophia palabas ng coffee shop.
"Nagmamadali bes.? Hinahabol.? Makahatak wagas eh." Sarkastikong sabi nito na hindi ko na lamang pinansin. Tsk.!
Raven pala hah.! Hmm.
----------
Raven Pov
Kanina pa ako naghihintay dito at sa totoo lang naiinip na ako. Kung hindi lang talaga importante ang kung ano man ang sasabihin ng lalaking yun baka kanina pa ako umalis sa coffee shop na ito.
"Raven.!" Rinig kong sigaw ng taong tumawag sa pangalan ko mula sa may entrance nitong coffe shop.
Bored lang akong tumingin doon pero nahagip ng mata ko yung babae na nakatira sa harap ng unit ko na pinagkamalan akong paparazzi.
Sa totoo lang maganda naman sya, no doubt about that. Disente ding tingnan at mukhang galing sa mayamang pamilya. Kaya kung hindi ko lang alam na katabi ko lang ang unit nya baka pinagkamalan ko na syang baliw dahil sa pinagsasabi nya sa akin.
Umiwas din naman agad ito ng tingin ng magtama ang mata namin at nagmamadaling lumabas kasama ang kaibigan nya, I think.? Mukhang nahiya ata. Well, dapat lang.
"I'm sorry sa paghihintay Ven." Apologetic na sabi ng taong kaharap ko na ngayon.
"Just make sure na maganda iyang sasabihin mo dahil kung hindi. May kalalagyan ka sa akin Killian Carter." Malamig kong sagot sakanya na ikinalunok nya ng ilang beses bago tumawa ng alanganin.
"Ito naman ang daling uminit ng ulo."
"Oh ano na.? Sabihin mo na yung gusto mong sabihin para matapos na tayo rito. May pupuntahan pa ako." Naiinis kong sabi sakanya.
"Oo na, ito na.! Ano kasi, yung pinsan ko gustong mag'franchise ng Parallel Restaurant sa Makati. Yun ay kung papayag ka.?" Nakangiting sabi nito.
Ako kasi ang may-ari ng sikat na restaurant na iyon. Hindi pa ako nakikilala ng mga tao dahil itinago ko ang aking identity. Paminsan-minsan lang din akong pumupunta sa office na nasa loob mismo ng main branch namin. Ang pinsan ko at itong si Killian na kaharap ko ngayon ang kasosyo ko. Pero ako parin ang may pinakamalaking share sa aming tatlo kaya sa akin sya laging komokunsulta kapag may gustong mag'franchise.
And since busy rin ako sa pagma'manage ng sarili kong fitness gym ay si Killian na muna ang mag-isang nagmamanage rito pansamantala. Busy rin kasi ang pinsan ko sa hospital kung saan ito nagtatrabaho.
"At bakit naman hindi ako papayag.? Sino ba iyang pinsan mong 'yan.?" Tanong ko at pansin kong hindi mapakali ang kaharap ko.
"A---ano kasi. Si ano. Si Benedict." Nag'aalangang sagot nito.
"Ano.!? Ang lalaking yun.? Letche.! Huwag na lang." Naiinis na sabi ko rito.
Paano ba naman kasi nakukulitan ako sa lalaking yun. Lagi itong nagpapapansin sa akin kahit alam naman nito na hindi ako pumapatol sa lalaki. Yes.! I'm into girls kaya ayaw kong makita ang lalaking yun dahil lagi itong dumidikit sa akin at iyon ang kinaiinisan ko.
"Oh c'mon bud.! Sige na pumayag kana. Saka magsasawa rin naman ang pinsan kong iyon kakakulit sayo." Natatawang sabi nitong walanghiya kong kaharap kaya poker face ko lang syang tiningnan.
"At paano kung hindi.? Magiging kasosyo ko sa business ang lalaking yun.? Goodness.! Nakikita ko pa lang sa malayuan ang mukha nya naiinis na ako. Ano pa kaya kung may rason na talaga syang kulitin ako."
"Business is business Ven, walang personalan. Be professional naman tsaka alam ko namang marunong lumugar ang lalaking yun. Sadyang malaki lang talaga ang tama non sayo." Natatawa na namang sabi nito.
"Eh kung ikaw kaya ang tamaan ng suntok ko.? Tingin mo nakakatawa yun.?" Seryoso ko ng sabi na ikinatahimik nito.
Sino ba naman kasi ang gustong masuntok sa mukha diba.? Tsaka naaalala nya parin siguro hanggang ngayon kung paano nagkaroon ng black eye ang pinsan nya matapos nitong tangkain na halikan ako sa pisngi.
"Grabe.! Nakakatakot talaga ang babaeng 'to." Bulong nito na rinig na rinig ko naman. Tsk.
---------
"May sinasabi kaba Mr. Killian Carter.?" Tanong ni Raven sa kaharap.
"Huh.? Wala ah.! Ang sabi ko sana tanggapin mo yung proposal ni Ben. Gusto lang talaga nong tao na magtayo ng business kaya sana bigyan mo pa sya ng isang pagkakataon." Hopeful na sabi nito.
"Hmm. Pag-iisipan ko." Plain na sagot ni Raven sa kaibigan.
"Sapat na sa akin yun. Anyway, baka gusto mong sumama sa amin mamaya ni Ryan mag bar. Hindi iyong puro trabaho lang ang inaatupag mo." Suhestyon ng binata na ikinataas ng kilay ng dalaga.
"Wala akong panahon para dyan Carter. Saka pupunta pa ako kina Tita, alam mo namang birthday nya ngayon. Baka magtampo pa yun kapag hindi ako sumipot sa mahalagang araw nya. Ikaw.? Baka gusto mong sumama." Sabi nito bago tumayo sa upuan.
"Ok, if that's what you want. Hindi rin naman kita mapipilit na sumama if you already made up your mind. Tsaka pass muna ako dyan. Bonding nyong magpamilya 'yan eh. Just send my greetings to Tita." Pagsuko ni Killian na ikinangisi ng huli.
"Sira ka talaga." Naiiling na lang na sabi ni Raven.
"Anyway, pupuntahan mo ba ang pinsan mo.?" Pahabol pa nitong tanong sa dalaga habang nakangiti na ikinakunot-noo ng huli.
"At bakit mo naman natanong.? Sinasabi ko sayo Killian Carter, huwag na huwag mong isasali sa mahaba mong listahan ng mga babae ang pinsan ko dahil may kalalagyan ka talaga sa akin." Galit nitong sabi na ikinakaba ni huli.
"Hehehe. I--ito naman hindi na mabiro. Nagtatanong lang naman ako eh." Kinakabahang sabi nito.
"Mabuti na 'yung klaro. Oh sige na. Aalis na ako baka masapak pa kita dyan eh." Biro nito na ikinasimangot ng binata.
Paano nga ba sila nagkakilala at naging magkaibigan ng babaeng 'to.?
Ah tama.! Noong tinulungan sya nitong si Rave nang mapa-trouble sya sa isang bar. Actually, wala naman talagang balak na tumulong ang dalaga. Iyon nga lang nasagi nong isang lalaki na isa sa mga kaaway ni Killian ang iniinom nya at ang malala pa nito ay natapon pa ito sa damit ni Raven na ikinainis nito. Doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.
Kahit na noong una ay mahirap lapitan si Raven dahil sa pagiging cold at mataray nito ay hindi parin sumusuko si Killian na kaibiganin ito.
Sa totoo lang hindi naman mahirap pakisamahan ang dalaga. Mabait naman talaga ito lalo na sa mga taong malalapit sa kanya. Sa dalawang taon nilang pagkakaibigan kahit kailan hindi sya nito itinuturing na iba.
Maaari ngang masyado pang maikli ang pagkakaibigan nila pero para kay Killian, si Raven yung tipo ng kaibigan na hindi mo ipagpapalit sa iba. Saka sanay na sya sa ugali nito kahit na minsan ay nahihiwagan sya rito.
"Ang harsh mo talaga sa akin bud." Patampong sabi ni Killian na binaliwala ni Raven.
"Ang sagwa mong pakinggan. Hindi bagay sayo." Natatawang sagot nito bago lumakad palayo.
"Ingat sila sayo.!" Sigaw ng binata na kinawayan lang ni Raven at patuloy na naglakad palabas ng coffe shop. Sakto namang may tumawag sa phone nya nang makapasok na sya sa loob ng kanyang kotse.
"Hello couz, napatawag ka.?" Tanong nito sa taong tumatawag.
"Hmm. Wala lang. Tatanungin ko lang sana kung susunduin mo ba ako dito sa hospital."
"Yeah of course, actually papunta na ako dyan. Sabay na lang tayong pumunta sa bahay."
"Ok. Hihintayin kita rito. Bye. Drive safely ok.?"
"Yeah. I will." Sagot ni Raven bago pinatay ang tawag.
***
At the Hospital
"Good evening, nandyan ba si Dr. Kathleen Griffin.?" Tanong ni Raven sa nurse na nasa front desk. Na ngayon ay nagpapa-cute na sa kanya.
"Hello po Ms. Raven. Yes po nandon sya sa loob. Actually, kanina kapa nya hinihintay. Nandoon po sya sa office nya ngayon." Sagot nito habang malapad na nakangiti sa kanya na binalewala lang nya at diretso ng pumasok sa office kung saan si Kathleen.
"Oh, you're here on time. So shall we go.?" Tanong ni Kathleen nang makapasok si Raven sa loob ng kanyang office.
"Yeah sure." Sagot nito at sabay na silang lumabas ng hospital.
***
Habang nagmamaneho ay hindi parin mawala sa isipan ni Raven ang tungkol sa napanaginipan nya kanina. Ang nakakapagtaka hindi lang iyon ang unang beses na nanaginip sya ng ganoong pangyayari.
"Are you ok.? You seems off. May nangyari ba.?" Nag-aalalang tanong ni Kathleen sa kanyang pinsan.
"Wala naman. Huwag mo kong pansinin, medyo sumakit lang ng kaunti ang ulo ko kaya wala kang dapat ipag-alala." Sagot nito.
"Gusto mo bang ako na lang ang magmaneho.? Para naman makapag'pahinga ka."
"Kath I'm ok, tsaka malapit na tayong dumating." Sagot nya kaya hindi na nagpumilit ang huli.
"Fine. Nga pala, nagkita kami nong Wendy ba yun.?" Patanong na sabi nito na ikinakunot ng noo nya.
"Really.? Saan.? Anong sabi.?" Sunod-sunod nyang tanong rito.
"Kanina sa hospital. Hinahanap ka nya sa akin."
"Tsk.! Wala ata sa bukabolaryo ng babaeng yun ang salitang hiya." Naiinis nyang sabi na ikinangisi ng kanyang pinsan.
"Seems like, may nababaliw na naman sayo. While here you are, nagtatago." Natatawang sabi nito na ikina-ikot ng kanyang mata.
"Hindi ako nagtatago. Ayoko lang talaga syang makita."
"Ayan kasi, dapat pumili ka ng matinong babae sa susunod."
"As if namang gusto ko sya. It was just a one night stand for me dahil pareho kaming lasing nong mga oras na yun. At alam kong alam na nya iyon."
"Well, if you say so." Kibit-balikat na sagot sakanya ng kanyang pinsan.
--------
Meanwhile
"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya ang totoo.?" Tanong ng kanyang kaharap.
"Hindi ko alam." Plain nyang sagot rito habang umiinom ng alak.
"Alam mong hindi natin maitatago sa kanya ang katotohanan habang buhay."
"Anong gusto mong gawin ko.?! Sabihin sa kanya ang totoo.? Tapos ano.? Hahayaan natin syang mangibabaw ang galit sa kanyang puso.?! Ganon ba yun.?" Inis na nitong sigaw.
"Kaya nga nandito tayo para gabayan sya diba.? Nandito tayo para hindi sya hayaang makagawa ng masama."
"Alam kong kilala mo sya. Pareho nating alam kung ano ang kaya nyang gawin. Kaya kahit ipaliwanag pa natin sa kanya ang lahat. Hindi na natin sya mapipigilan kapag nalaman na nya ang buong katotohanan. Baka kamuhian pa nya tayo sa paglilihim sa kanya."
"Pero mas kamumuhian nya tayo kung hindi natin sasabihin sakanya ngayon ang totoo."
"Alam ko. Pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Hindi pa ito ang tamang panahon."
"Ikaw ang bahala. Sana lang hindi na nya pa ito malaman sa iba, you know what I mean. Sana din dumating na iyang pagkakataon at panahon na sinasabi mo." Sagot ng kaharap bago sya iwan na nag-iisip.
I hope so.
---------