“Cabin four pala kayo, Luther. Everything is ready there. If you need something, just call in the main cabin station, and they will assist you,” Evo said kindly, flashing us a smile before turning to join the others. Nagpasalamat si Luther at bahagya akong yumuko bilang pasasalamat kahit na ramdam ko pa rin ang hiya. Para akong batang first time isinama sa barkadahan ng nobyo, kung nobyo ko man talaga siya. “Mauuna na kami, mahaba-haba ang biyahe namin, Seraphine,” sambit ni Luther habang marahan akong hinila palayo sa grupo. Tahimik kaming naglakad papunta sa mga cabin. Nakaayos ang daan, may maliliit na ilaw sa gilid ng path na nagbibigay ng ningning sa bawat daan. The night air was crisp, and there was something so serene about the quiet hum of the trees and distant laughter fading b

