01

2315 Words
Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang kamay ni Miller na dumikit sa aking balat, malamig at mariin ang kanyang haplos, hindi sa paraang nakakakilig, kundi sa paraang nagbabanta. “A-A-Aray…” daing ko, pilit na pinipigilan ang luha nang maramdaman ang masakit na kurot niya sa aking braso. Napapikit ako, pilit nilulunok ang sakit, at muling napakagat ng labi. Niyakap ko ang sarili kong katawan, isinandig ang mukha sa dibdib niya, hindi para magtago sa kanyang pag-aalaga, kundi para itago ang emosyon at pilit na pag-iyak sa mga taong nasa paligid. Masyadong maraming mata. Masyadong maraming pwedeng makakita. “I told you, don’t roam around, and don’t talk with men!” bulong niya, puno ng galit at paninindak habang patuloy pa rin sa pagkurot sa braso ko. “Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Gusto mo palagi ay sinasaktan ka, ‘no? Yun ba ang gusto mo?” Nanginginig na ang kamay ko sa sakit at kaba. Ang mga kuko niya ay halos bumaon na sa balat ko. Sinubukan kong itulak ang kanyang kamay ngunit para bang bakal ang pagkakakapit niya. Malakas siya, mas malakas kaysa sa akin. Walang silbi ang pagpupumiglas ko. Sa bawat tangkang paglayo ay lalo lang humihigpit ang kapit niya, na parang may gustong iparating na kontrolado niya ang lahat ng kilos ko. Ayaw kong lumaki ang gulo. Hindi ngayon. Hindi sa lugar na ito kung saan puro kilalang tao ang naroroon, mga CEO, investors, media. Isang pagkakamali lang, isang sigaw, at baka headline na agad kami bukas. Mas lalong ayaw kong mapahiya siya. Ayaw kong dumihan ang pangalan niya, ang reputasyon niyang pinaghirapan niyang buuin. Naulit na ito noon, noong una niya akong nasaktan sa harap ng iba. Iyon ang unang beses kong nakita kung gaano siya kahusay magsinungaling at bumawi gamit ang tamis ng mga salita. At ito na naman kami. “Please, tama na… n-nasasaktan na k-ko…” mahina kong daing, halos hindi marinig sa ingay ng musika at halakhakan sa paligid. Tumingala ako sa kanya, pilit ipinapakita ang luha sa gilid ng aking mata. “I-I’m sorry… hindi ko naman sinasadya…” Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang pagkurot niya, o ang katotohanang pinipilit kong humingi ng tawad kahit wala akong kasalanan. Hindi ko man kita ang kanyang mukha pero ramdam ko ang galit doon at sa sakit ng ginagawa niya sa akin. Palagi naman siya ganito, palagi siyang galit sa akin sa tuwing nagkakamali ako o ‘di kaya kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Gusto ko lang naman makihalubilo sa mga taong nandito. Ayaw ko namang maging bastos sa kanila kaya “Sa susunod, sundin mo ang utos ko para hindi ka masaktan ng ganito,” mariin niyang sabi bago niya binitawan ang braso ko. “Umupo ka doon at h’wag na h’wag kang aalis.” Napalunok ako, pilit na kinokontrol ang nanginginig kong katawan. Wala akong ibang nagawa kundi sumunod. Katulad ng dati. Katulad ng palagi. Para akong batang sinermunan at walang kapangyarihang lumaban. Dahan-dahan akong lumakad pabalik sa aming upuan, marahang pinahid ang luhang gustong kumawala mula sa aking mata. Hindi ako pwedeng umiyak dito. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ‘di ko kilala, pero pwedeng maging usisero sa panibagong eskandalo. Umupo ako nang tuwid, pinilit ang sarili kong magmukhang normal kahit sa loob-loob ko ay wasak na naman ako. Tumingin lang ako sa paligid, nakikiramdam, habang si Miller ay abala sa pakikipagkamay at pakikipagkwentuhan sa mga negosyanteng halos sambahin siya. Wala akong ibang silbi rito kundi maging dekorasyon, isang magandang tanawin na kasama niya sa mga litrato. Isang trophy girlfriend na tahimik lang sa tabi, hindi dapat sumabat, hindi dapat umalis, at lalong hindi dapat kausapin ng iba. Isang anino sa kanyang likuran . Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa akin. Hindi ng may ngiti. Kundi ng may banta. Galit. Babala. Mga matang parang nagsasabing huwag akong gumawa ng kahit anong ikakagalit niya. At iyon lang ang kailangan ko para manahimik ulit. Sa totoo lang, mas gusto ko pang ganito kaysa maiwan mag-isa sa bahay na walang kahit anong koneksyon sa mundo. Kahit papaano, kapag kasama ko siya, may tanawin akong iba. May sulyap sa labas. Kahit pa lason ang kapalit. Maya-maya, pakiramdam ko ay kailangan ko nang pumunta sa CR. Dalawang wine glass na ang naubos ko, at kanina pa ako naiihi, pero hindi ako basta-basta pwedeng umalis. Lahat ng kilos ko kailangang alam niya. Lahat ng galaw ko kailangan ng pahintulot niya. Kaya marahan akong sumenyas sa kanya. Hindi lantaran. Hindi halata. Isang maliit na galaw ng daliri, isang sulyap ng mga mata, parang pahiwatig na may itatanong ako. At kahit doon, dama ko pa rin ang kaba. Dahil kahit pa simpleng pag-CR lang ito sa akin, sa kanya, posibleng paglabag na naman iyon sa batas niyang ako lang ang sinusunod. “What?” tanong niya. “Pupunta lang akong comfort room, naiihi na ako.” sagot ko sa kanya. “Go, bilisan mo, h’wag na h’wag mong hintayin na kakaladkarin kita paalis doon.” banta pa niya. Tipid akong tumango sa kanya at dumeritso na papuntang comfort room. Medyo naligaw pa ako dahil hindi ko naman kabisado ang venue at masyado siyang malaki kumpara sa mga pinupuntahan namin. Hindi man ako palaging sumasama sa kanya pero iyong kasi mabilisan lang siyang nahanapin. Nang tuluyan ko nang mahanap iyon ay pumasok ako sa loob. Nang matapos ay tumingin ako sa salamin. Tinakpan ko iyong dapat takpan sa mukha ko, maging ang pasa sa aking kamay ay tinakpan ko rin dahil medyo nawala na iyong concealer na nilagay ko. Habang ginagawa ko iyon ay may pumasok sa loob ng CR. Nataranta kong tinago ang mga ginagamit ko at kunwaring nagreretouch ng aking mukha sa salamin. Tumabi iyong babae sa akin at naglagay siya ng lipstick. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha bago binalk ang mga ginamit ko sa loob ng aking bag nang marining ko ang babaeng nagsalita sa aking gilid. “Oh my gosh!” gulat niyang ani. Napa-angat naman ako ng ulo para makita siya at nanlaki din ang aking mata nang tuluyang makita ang mukha niya. Pamilyar siya sa akin, sa sobrang pamilyar ay alam na alam ko pa ang kanyang pangalan. “Seraphine!!!” aniya na puno ng excitement ang boses. “Cece?” paninigurado ko at baka hindi siya iyon. “It’s me, Sera! Cecelia!!!” sigaw niya at kaagad akong hinagkan ng sobrang higpit. Niyakap ko rin siya. Ilang taon din kaming nagkita simula noong umalis ako sa bayan namin. Kaklase ko si Cecelia noong college, laki siya sa yaman pero doon pinag-aral sa probinsya dahil naroon ang lolo’t lola niya. Wala siyang nagawa kung ‘di ang sundin sila. Brat at suplada din kasi itong si Cece kaya pinarusahan na doon na magcollege. Pero kahit gano’n siya ay mabait din pala siya. Kaya nga sobrang imposible talaga na maging magkaibigan kami dahil sa estado namin sa buhay. Palaban din kasi itong si Cece kahit college na kami at halos ma expelled na pero dahil sa kapangyarihan ng kanyang pamilya hindi iyon natutuloy. “Kumusta ka na? I never saw you since you left the town… saan ka ba nagpunta? Hinahanap ka nila Auntie mo, ang sabi ay lumayas ka raw.” panimula niya at ramdam ko ang alala sa kanyang boses. Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang tanong. At bakit ako hinahanap nila Auntie? Sila nga ang may dahilan kung bakit ako umalis ng probinsya. Sila iyong dahilan kung nasaan man ako ngayon. Kaya bakit nila ako hinahanap? O baka naman ay nagsisinungaling sila kay Cece. Kilala nila si Cece at alam nila ang pamilya ni Cece kaya may posibilidad na nanghingi pa ng pera ang mga taong ‘yon! “Sabi ng Auntie Janet mo nagpakalap daw sila ng imbestigador para hanapin ka. Nagdonate ang pamilya namin ng kaunting tulong para hanapin ka. Saan ka ba nagpunta?” dugtong pa nito. At talagang totoo ang inakala ko. Kahit wala na ako sa puder nila ay piniperahan pa rin nila si Cece. Kahit palawaay itong babaeng ‘to pero pagdating sa akin grabe naman kung makatulong. Napalunok ako bago nagsalita. “Talaga bang hinanap ako nila Auntie Janet?” Tumango siya. “Oo, maging si Uncle Dan mo pinapahanap ka rin si Jen sinabihan din ako baka hindi ka raw bumalik dahil baka raw… patay ka na…” Tumaas ang kilay ko. Si Jen ay iyong anak ni Auntie Janet. Talagang kasinungalingan ang pinasasabi nila kay Cece, walang katotohanan ang lahat ng iyon. That family wouldn’t find me! “Mayroon kasing aksidente na nangyari malapit lang sa sitio natin. They investigate the scene and they saw the bracelet that I gave you and we thought na ikaw ‘yon,” napakagat ng labi si Cece bago kumawala ng malalim na hininga. “H-Hindi ako p-patay, C-Cece…” halos bulong na ani ko. Muli siyang tumango at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Obviously. So why is your family spreading rumors that you're dead? And who are you with right now, anyway? This is an exclusive event meant for business people, isn’t it?” Bawal. Bawal kong sabihin kung sino ang kasama ko. Ayaw kong malaman niya ang totoong nangyari sa akin dahil alam ko na ang mangyayari kila Auntie kapag sinabi ko ang totoo. Baka mapahamak din ang buhay ko. May kumunikasyon pa kami nila Auntie Janet. Palaging nagpapadala si Miller sa kanila kapalit ko bilang babae niya. Kaya hindi, hindi ko masasagot ang tanong ni Cece. “Ikaw, bakit ka nandito?” mahinang tanong ko, pang ibaba sa topic naming dalawa. “I’m with my brother. Nandito si Kuya, hindi mo ba siya nakita sa loob?” Umiling ako. Kilala ko ang Kuya ni Cece, hindi man kami palaging nagkikita no’n o nag-uusap kabisado ko pa rin ang kanyang mukha. Ngunit sa tinagal tagal ko sa loob kanina ay hindi ko nakita si Luther. “Hindi, hindi ko siya nakita sa loob.” “Sino ba ang kasama mo sa loob, Sera?” muling tanong niya nasa tingin ko ay hindi ako titigilan hanggang hindi ko nasasagot iyon. Bumuka ang labi ko para sana sagutin ang tanong niya ngunit hindi ko na gawa nang makita makita si Miller na nasa labas ng pintuan ng girl’s cr. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang pumasok sa loob. Hinawi pa si Cece dahilan para dumikit siya sa lababo at hinila ako papalabas ng comfort room. “I’m sorry,” tikab ng bibig ko kay Cece bago nagpatinaod sa hila ni Miller sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ang sobrang lakas ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko pa ang diin ng kanyang kuko sa aking balat, alam kong nagmamarka na iyon dahil sa lalim na nararamdaman ko. “A-Aray, M-Miller please… m-masakit na t-talaga…” mahinang daing ko. Nakayuko ako habang hila hila niya ako hanggang sa makarating ulit kami sa venue. Padabog niya akong pinaupo sa upuan. Linga linga siya sa paligid at baka may tumingin sa amin. Nang makita wala ay tumabi siya. “A-Aray… M-Miller…” nasasaktang ani ko nang tinapakan niya ang aking paa sa ilalim ng lamesa. Napakagat ako ng labi at namimilipit na dahil sa sakit ng pagkakatapak at ang isa kong kamay ay kinukurot na niya. “Ano ba ang hindi mo naiinintidhan sa mga bilin ko sa’yo ha? Bakit ang tigas tigas ng ulo mo ngayon at hindi ka na nakikinig sa akin? Anong gusto mo ha? Ikulong kita sa bahay para hindi ka na makalabas?” banta pa niya. Umiling kaagad ako bilang tugon sa kanya dahil kapag hindi ako sumasagot ay mas lalo akong malalagot sa kanya. Halos dalawang taon na kaming magkasama ni Miller, noong unang taon ay ayos pa naman ang trato niya. Akala ko nga ay makakawala na ako sa kamay ni Auntie at giginhawa na ang buhay ko, ngunit hindi pala. Simula noong bumaba ang investors niya sa kompanya at bumaba ang ratings niya ay naging ganito na siya. Halos araw araw ay galit at ako ang pinagbubuntungan ng galit. Sinubukan ko namang makawala, hindi ako tanga para hayaan siyang saktan ako ngunit kahit anong subok ko ay wala akong mapupuntahan. Nahahanap pa rin niya ako at masasaktan… Pinapatawad ko siya, magbabago na raw siya. Pero dalawang araw lang iyon at kapag galit ulit ay sasaktan na naman ako. Sa loob ng limang buwan ay nakailang pagtatangka kong umalis ay hindi talaga ako nagtatagumpay, masyadong siyang makapangyari. Kayang kaya niya akong durugin. “Tanga ka ba, Seraphine? Hindi diba? Nakapag-aral ka ngunit hindi mo naman ginamit sa tama ang utak mo. You are so dumb that make you a bit-ch. Ngayon lalapit ka sa mga Voss, para ano ha? Makawala sa akin?” galit na galit na wika niya. Kilala niya ang mga Voss? Apelyido iyon ni Cecelia, Martha Cecelia Voss. Kilala niya ba si Cece? Napipikit ako nang mas lalo niyang bigyang ng pwersa ang pagkakatapak niya sa paa ko. Nakasandals ako, malamang mamaya ay namumula na iyong paa ko. “Sumagot ka, Seraphine. Bakit mo kinakausap ang isa sa mga Voss?” mariin niyang sambit. Ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit ng ginagawa niya sa akin. Akmang magtatanong na sana ako nang may naramdaman akong umupo sa kabilang gilid ko. Inalis ni Miller ang kamay niyang kinukurot ako ngunit mas lalong dinidiinan naman ang sa paa. “You two look so sweet–oh wait, may nakaupo ba dito?” boses ng lalaki sa gilid ko. Palihim kong pinunasan ang aking mukha, napatingin ako kay Miller nakatingin ngayon sa lalaking nasa gilid ko. Ayaw kong harapin ang lalaki at baka mahalata niya ang nangyayari sa aming dalawa. “What are you doing here, Luther?” mariin tanong ni Miller sa lalaki. Luther? As in Luther Voss?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD