“I just want to talk. Lately, you've been dropping by my office quite often with proposals, haven't you?” ani Luther, na tila walang kaalam-alam sa namamagitan sa amin ngayon.
Dahan-dahan akong napalingon sa gilid, kung saan siya nakaupo. Nang magtama ang aming mga mata, doon ko naramdaman ang biglang pagtapak ni Miller sa aking paa. Napakagat ako ng labi at agad na napayuko upang itago ang sakit. Mabuti na lang at nakalugay ang buhok ko, kaya’t natakpan ang ekspresyon ng mukha kong nanginginig sa sakit at hiya.
“We can talk tomorrow. I’m busy,” sagot ni Luther, malamig at diretso, hindi man lang lumingon sa akin.
“Then, I’ll decline your proposal,” matigas na sagot ng kausap niya, at marahang tumayo para umalis.
Ngunit bago pa ito tuluyang makalayo, narinig ko ang bawi ni Miller. “No, let’s talk now. Step out back with me.”
Nagtaas ng kilay ang lalaki. “How about your girl?” tumingin siya sa akin nang bahagya.
“She’s fine here,” kaswal na sagot ni Miller, na para bang wala akong halaga para bang isang dekorasyon lang akong naiwan sa upuan.
Nang tuluyan na silang umalis ay kita ko ang paglapit ni Cece sa inuupuan ko. Agad ko namang tinignan ang gawi nila Miller at baka nakatingin iyon sa amin. Kinakausap niya ang panganay ng mga Voss, kung sa tutuusin ay kinakausap na niya ang may ari ng Voss Empire. Natatakot lang ako at baka makita na naman niya akong kinakausap ko si Cece.
“What was that? It looks like he hurts you, dragging you was crazy.” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Hinding hindi niya makikita ang mga pasa sa katawan ko dahil nakatago iyon sa mga cosmetics na nilagay ko.
“Hindi, gano’n talaga siya.” sinubukan kong ngumiti para mawala ang kung ano mang nasa isip ni Cece.
“Pero…” hindi na niya tinuloy at napanguso na lang. “May gagawin ka ba sa lunes? Catch up tayo, may kakabukas lang na shop dito sa malapit gusto ko sanang magshopping tayo.” puno ng sigla ang boses niya.
Ilang taon na rin ang lumipas simula noong huli naming pagkikita pero kahit gano’n ay wala akong naramdamang pagka-ilang sa kanya, maging siya ay gano’n din sa akin. Ang kinakabahala ko lang ay kapag nalaman niya ang totoong nangyayari sa buhay ko.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Miller. Sa reaction niya kanina nang makita akong kausap si Cece malamang ay hindi ako papayagan no’n.
“H-Hindi ko a-alam eh, may gagawin kasi ako sa lunes.” pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin sa kanya.
“Ano ang gagawin mo kung gano’n? We can do that together, Sera.”
Agad akong umiling sa kanya. “Hindi, gawaing bahay kasi ‘yon. Hindi ka marunong.” natatawang ani ko.
Natawa din siya sa sinabi ko at mukhang naalala ang mga ginawa namin dati sa bahay nila. Kamuntik ng masunog dahil hindi pala siya marunong magluto kaya sa huli ako na iyong nagluto para sa aming dalawa. Mabuti naman at hindi kami pinagalitan ng lola niya.
“Gano’n ba, gusto lang naman sana kitang makasama eh. Kung gano’n kukunin ko na lang iyong number mo!” excited na aniya at nilabas ang cellphone.
Wala akong number dahil wala akong cellphone. Bawal, isa iyon sa pinagbabawal ni Miller, iyong mga libro lang ang binasa ko kapag nasa bahay ako mag isa at naghahantay sa kanya. O ‘di kaya nanunuod ako ng TV kapag may gusto akong malamang balita tungkol sa nangyayari sa buhat ni Miller. Sikat siya, kaya samo’t saring channel ang mga nagbabalita tungkol sa kanya.
Napakagat ako ng labi at nag isip ng panibagong alibi. “Hindi ko kabisado ang numero ko at hindi ko dala ang cellphone ko. Sa susunod na magkikita tayo doon ko ibibigay.”
Napasimangot si Cece sa sinabi ko. Gustuhin ko man siyang makausap ay hindi talaga dahil wala akong gano’n. Habang nag uusap kaming dalawa ni Cece ay napapatingin kami sa gawi nila Miller hanggang sa tuluyang umalis si Luther doon. Ang akala ko ay aalis din si Miller pero mukhang enjoy na enjoy sa pakikipag-usap sa mga matatandang lalaki. Malaki ang ngiti sa labi at parang nanalo sa jackpot.
Ano naman ang ginawa ni Luther at mukhang masayang masaya ang lalaking iyon?
Agad akong nataranta nang makitang papalapit si Luther sa gawi namin ni Cece. Napahawak ako nang mahigpit sa aking dress nang tuluyan siyang makalapit.
“Anong ginawa mo?” tanong ni Cece, siya na iyong nagtanong sa tanong na nasa isip ko.
“The old man owns a major shipping line, an essential asset that the Ocampo business heavily relies on for transporting goods and expanding their trade network.” sagot nito habang nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin at mahina akong napasinghap nang umupo siya sa gilid ko. Napatingin ulit ako sa likod, busy pa rin si Miller sa pakikipag-usap. Muli akong napatingin kay Luther nang bigla nitong hawakan ang aking kamay at huli na bago ko bawiin ang aking kamay ay nakita na niya ang mga kukong bumakat sa kamay ko, maging ang namumulang kurot ni Miller kanina sa akin.
Kita ko kung paano nagsalubong ang kanyang kilay bago binitawan ang aking kamay. Hindi siya nagtanong sa aking at direkta ang mata sa kanyang kapatid.
“Talk to that man, Martha. Do whatever it takes to keep him occupied. Make him an offer he can’t refuse, something tempting enough to draw him in.” nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa sinabi niya.
“Pero Kuya, Ocampo is a syn—-”
“Just do what I say, Martha Cecelia.” mariing ani ni Luther.
Walang nagawa si Cece kung ang bumuntong hininga at tumayo. Nang tuluyang umalis ay aalis na rin sana ako para makawala sa kung ano mang itatanong ni Luther ngunit hindi nangyari iyon nang hawakan niya ang kamay ko.
Alam ko at ramdam ko na magtatanong siya. Gusto kong iwasan iyon ngunit mukhang wala siyang balak na pakawalan ang kamay ko.
“Ano?” ako na iyong unang nagtanong.
“Where this came from?” tanong niya at tinuro ang kamay ko.
“Please, ayaw kong pag-usap ito ngayon, Luther. Pagod na ako.”
Hindi kami gaano nag uusap ni Luther dati. Kung meron man ay iyong necessary na pag-uusap talaga. Kilala ko na siya dati pa, usap usapan sa lugar namin ang pangalan niya. Kilala siya ng mga babae doon sa amin at marami ding nagpapansin sa kanya. Kita ko kung paano niya dalhin ang mga babae doon sa bahay nila, kung paano sila maghalikan, at kung minsan ay muntik ko na silang nakita magmilagro. Pero wala lang sa akin iyon dahil hindi ko naman siya kaano-ano.
Una ko siyang makita nang dalhin ako ni Cece sa bahay nila, mula no’n ay nagka-crush na ako sa kanya. Limang taon man ang agwat niya sa akin ay parang hindi ko na rin naiisip iyon dahil parang walang pake si Luther. Pero simula noong nagdadala na siya ng babae ay parang gumuho ang mundo ko.
Lalo na’t ang mga babaeng dala niya ay halos kasing yaman din nila. Nanliit ako at nawalan na nang pag asa para mapansin niya dahilan kung bakit mas pinili kong h’wag nang lumapit sa bahay na ‘yon sa tuwing nagyayaya si Cece sa akin.
Mas minabuti kUng mamalagi sa bahay keysa pumunta sa party sa bahay nila Cece. Hindi kami nag usap hanggang tuluyan akong kunin ni Miller sa probinsya at dalhin dito sa syudad.
“You’re living with Miller?” taas kilay niyang tanong sa akin.
Tumango ako bilang tugon.
“Paano mo siya nakilala?” kuryoso niyang tanong sa akin.
“Pagod na ako, gusto ko nang umuwi, Luther.”
Sa pagkakataong iyon ay binitawan niya ang aking kamay at tuluyan na akong tumayo para lapitan si Miller. Hindi ko alam kung ano ang pakay nilang dalawa kay Miller ngayon, lalo na si Luther. Sa diin ng boses niya, ramdam kong may galit siya sa lalaking ‘to.
“Umuwi na tayo please…” bulong ko kay Miller.
Kumunot ang noo niya. “H’wag mong hintayin na magalit ulit ako sa ‘yo, kung gusto mong umuwi mauna ka. Alam mo naman kung paano umuwi, diba?”
Hindi ko alam pero parang nanalo ako sa lotto dahil sa sinabi niya. Ito ang unang pagkakataong pinayagan niya akong mag-isa. Masyadong importante siguro ang pinag-uusapan nila kaya hindi pa siya makaalis.
Tumango ako bilang tugon sa kanya. “Kung gano’n mauna ka na at h’wag na h’wag kang sasama sa iba, kapag nalaman ko alam mo na kung ano ang mangyayari sa ‘yo.”
Muli akong tumango at tuluyan nang umalis sa gawi niya. Kumaway ako kay Cece at mukhang nalito pa. Tinuro ko ang daan papalabas at doon na niya nakuha kung ano ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya bago kumaway at tuluyan ko nang nilisan ang venue.
Sa pagkakaalam ko ay village itong venue at hindi nakakapasok ang walang kakilala. Paano ba ‘yan mukhang maglalakad pa ako! Pero ayos na rin dahil pinayagan akong mag isa ni Miller. Mag enjoy sana siya sa ginagawa niya ngayon para gumaan ang ulo niya at payagan ako sa lahat.
Kahit hindi masyadong kataasan itong gamit kong sandals ay nakakapagod pa rin at wala akong ideya kung gaano na ako kalapit sa labasan dahil hanggang dito ay tanaw ko pa rin ang mansion kung saan ako lumabas kanina. Gano’n iyon kalaki, at halos lahat ng mga bahay dito ay gano’n kalaki ang bahay.
Mali ba itong desisyon kong mauuna akong umuwi at hinintay na lang sana si Miller? Pero ayaw ko ring maiwan mag-isa doon at kompontrahin ni Luther!
Hindi ko alam kung nakakailang hakbang ako nang may namataang pag-ilaw sa aking likuran. Agad akong napalingon at baka si Miller pa iyon at biglaan akong ipapasok sa kanyang sasakyan ngunit hindi. Iba ang sasakyan at may mahalaling tatak na Ro-lls Royce, walang gano’ng sasakyan si Miller kaya nakampante ako kahit papaano.
Muli akong naglakad at huminto ang sasaktan sa tabi ko. Bumusina pa ito bago binaba ang pintuan. Umuwang ang labi ko nang tuluyang nakita si Luther.
Anong ginagawa niya dito?
“Get in,” aniya.
Nagdalawang isip pa ako dahil ayaw kong sumama sa kanya ngunit pagod na pagod na rin ang paa ko at wala akong ideya kung ilang kilometro pa bago ako tuluyang makalabas ng village na ‘to.
“Hop in, Seraphine.” ulit niya, ngayon ay sinabi na ang buo kong pangalan.
Napabuntong hininga ako at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Sana ay tumahimik lamang siya at h’wag ng makialam sa buhay ko. Ayaw kong malaman niya ang totoo dahil ramdam kong mas lalong gugulo ang buhay ko.
“He let you leave alone? Really? What an ass!” dinig kong bulong niya.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa labasan ng village. Masyado pa palang malayo iyon, mabuti na lang ay sumama ako sa kanya.
“Dito na lang ako,” sabi ko.
“Ihahatid kita sa inyo, saan ba kayo nakatira?”
Hininto niya ang sasakyan at sinubukan ko namang buksan ang pintuan ngunit ni lock niya iyon kaya napatingin ako sa kanya.
“Please Luther, huwag ka nang magmatigas.”
“Ikaw ang nagmamatigas dito, Seraphine. He hurts you! He was hurting you! And I’m sure as hell that he was doing that to you. So don’t lie to me, Seraphine!” medyo pasigaw niyang sambit.
Ramdam ko ang galit sa bawat bigkas niya ng pangalan ko. I knew him since he was my bestfriend’s brother, pero hindi naman kaming close dahil masyado na siyang matured keysa sa amin dati. But I knew that his mad when he was calling me by my name.
Napapikit ako dahil sa gulat sa lakas ng boses niya. Ayaw kong makisali pa siya sa gulo ng buhay ko at wala akong balak guluhin ang buhay niya. Wala man akong alam tungkol sa kanila ni Cece ramdam kong successful na sila sa buhay at ayaw kong mapunta iyon sa wala dahil lang sa pakikialam niya sa buhay ko.
Ayaw kong malaman ni Miller ang lahat ng ito dahil sigurado akong magkakasakitan lang ang lahat at ayaw kong masakyan niya ako dahil lang sa ganito. Ilang taon na rin ang nakakaraan at wala na akong nararamdaman para sa kanya kaya sana ay kung hayaan na niya ako ngayon.
“Luther, ano ba ang gusto mong malaman? Hindi ka naman ganito noon, ni hindi mo nga ako pinapasin eh. Ni hindi ka nga lumalapit sa akin sa tuwing naroon ako sa bahay niyo, kaya ano ang kailangan mo ngayon?” hindi na ako makapagtimpi pa, kung si Miller ito hindi talaga ako boboses dahil sa takot sa kanya, pero si Luther ito… hindi naman niya siguro ako sasaktan…
“I want you to stay away from that man, Seraphine. He was abus-ing you, hindi mo ba nakikita iyon?”
Stay away from him? Tapos anong mangyayari sa akin? Saan ako pupulutin?
At ano, ipapa-tay na naman ako ni Miller kapag umalis ako sa kanya? Ibabalik kay Auntie at doon pagbabantaan din ang buhay ko?
Saan ako lulugar sa buhay ko na ‘to?
Napakagat ako ng labi dahil sa lahat ng mga tanong sa isip ko. Ayaw kong umiyak sa harapan niya at baka kung ano na naman ang isipin niya.
“Luther, kasama ko si Miller dalawang taon na. Kaya kung p’wede lang ay h’wag ka nang mangialam sa buhay ko.”
Muli kong sinubukang buksan ang pintuan at sa pagkakataong iyon ay nakawala ako. Agad akong nagpara ng taxi at tuluyang nakawala kay Luther. Ayaw kong maging involve siya sa buhay ko, ayaw kong masira ang pangalan niya, at ayaw na ayaw kong malaman ni Miller ang lahat na magkakilala kami at magkasama kami kanina dahil ako iyong mapaparusahan.
Gustuhin ko mang makawala ay alam kong buhay ko naman ang nakataya. Kaya wala akong kawala…