Chapter 7

2175 Words
Nagpahinga ako nang matapos ko ang buong gawain. Kumuha ako ng milo sa refrigerator at pumunta sa sala. Binuksan ko muna ang telebisyon bago maupo sa tabi ni Uno at nagsimulang kainin ito. "Why did you eat that? You should blend that with hot water, right?" he asked. I didn't take a glance at him nor answered his question. I'm just enjoying eating it while watching the movie. He sighed. Is he losing his temper? Maybe...? Nagulat ako dahil bigla siyang humarang sa pinanonood ko. "Hey!" I shouted at him but he didn't go out. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya kasi biglang nag-commercial na sa tv kaya in-enjoy ko na lang muna ang kinakain ko. Nagulat na lang ako nang umupo siya sa kandungan ko kaya napatigil ako sa pagkain ng milo. "Bumaba ka nga riyan, Uno," saad ko. Ngunit hindi niya rin ako pinansin. Nakaupo lamang siya rito at kinuha ang kaniyang cellphone at saka nagpatuloy sa paglalaro. "Uno!" tawag ko sa kaniya. Hindi ko na kasi makain ng maayos ang milo ko dahil sa kaniya. Hindi man lang niya ako nilingon o sinagot kaya sa pagkakataong ito ay nainis na ako sa kaniya. Sinubukan ko siya itulak, dahilan para matapon ang milo ko. "Hala!" sigaw ko. Sa sobrang bigat kasi ni Uno ay hindi ko napansin na hawak ko pa rin pala ang pagkain ko kaya natapon ito. "Look, Heina. Dinumihan mo ako, pati si Heino." Napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. Siya pa ang may lakas ng loob na sabihin iyon sa akin e, siya nga ang dahilan kung bakit natapon ang milo ko. "Umalis ka na kasi riyan," sabi ko. "Why would I?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "At bakit naman hindi? Ha?" tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay ngunit napasimangot ako nang ma-realize na hindi pala nakatuon sa akin ang pansin niya. "Uno," tawag ko ulit dito. "Hmm?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. "Bakit ayaw mo ba umalis diyan sa kandungan ko?" kursyudad kong tanong. "I find your lap a relaxing spot." At sa pangalawang pagkakataon ay napaawang na naman ako ng bibig dahil sa sagot niya. "Ano ka? Aso? Para ma-relax diyan sa kandungan ko?" inis na tanong ko ngunit may pagka-sarkastiko rin ito. Akala ko ay lilingunin na niya ako sa pagkakataong ito ngunit abala pa rin siya sa paglalaro. "Don't compared me to a dog, Heina. I'm better than them." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Huwag daw ipagkumpara sa aso pero pinagkumpara naman niya sarili niya. "No. Dogs can do house chores while you can't, so they're still better than you," ani ko. Agad siyang napalingon sa sinabi ko at kitang-kita ko ang mga noo niya nakangunot dahil sa aking sinabi. Tinignan ko lang siya ng ‘innocent look’ dahil hindi pa rin na aalis ang mga titig niya sa akin. "Stop that innocent look, Heina. It's irritating," he said. Instead of stopping it, nilapit ko pa ang mukha ko kay Uno para lalo siyang mainis. He didn't take away his face, instead he just stayed like what his position was a while ago. Tila ako naman ang napahiya kaya inilayo ko na lang ang aking mukha. Bumalik ulit siya sa paglalaro habang ako ay hindi maayos na makanood ng telebisyon. Maganda ang naging kinalabasan ng regalo ko, para sa kaniya. Ngunit hindi ko alam kung maganda rin ba ang naging kinalabasan nito sa akin... "Tungkol doon sa tinanong mo kanina... masarap kasi kahit na hindi mo na ito ilagay sa mainit na tubig. Kung gusto mo ay subukan mo rin ang ginawa ko. Nakasisiguro ako na masasarapan ka rin," mahabang paliwanag ko sa kaniya. Sa haba ng paliwanag ko ay hindi man lang siya nagsalita o tumango man lang. Tutok pa rin siya sa paglalaro. Why did he keep ignoring me?! "Uno," tawag ko sa kaniya ngunit hindi talaga siya nalingon. Ako na ang naglakas-loob na tumayo. Kahit na mabigat siya ay nagawa ko rin na tumayo, sa wakas. Nangalay ng sobra ang paa ko dahil sa bigat niya. Nakita ko na tila nainis siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa ko o dahil sa nilalaro niya dahil nakita ko na natalo siya, dahilan para umulit-ulit siya sa umpisa. Kinuha ko si Heino at pumunta sa kwarto. Maliligo ako at isasabay ko ng linisan si Heino. Nang maihanda ko na ang susuotin kong damit at tuwalya at saka hanger para kay Heino ay nagpunta na ako sa bathroom, ngunit bago ko pa maisara ang pinto ay nagulat ako dahil may nagtulak dito dahilan para bumukas ulit ito. "Bakit mo hawak-hawak si Heino?" tanong niya. "Bakit masama ba? At saka nadumihan siya, 'di ba? Kaya kailangan ko siya linisin," sabi ko sa kaniya. Tumingin muna siya sa katawan niya bago magsalita ulit. "Madumi rin ako, Heina. Bakit hindi mo rin ako linisan? Bakit kailangan si Heino lang?" tanong niya na tila ba nagseselos. Napaawang na naman ako ng bibig. Sinong tao ang magseselos sa isang teddy bear?! "Kaya mo naman maligo mag-isa, hindi ba? At saka maliligo rin ako pagkatapos ko linisan si Heino kaya umalis ka na riyan bago ko pa maipit 'yang kamay mo sa pinto," mahabang paliwanag ko rito. Ngunit ngumuso lamang siya na animo'y hindi pumapayag sa sinabi ko. "E 'di, maligo ka na lang pagkatapos mo ako paliguan," aniya. Bata ba talaga 'to? Kahit nga mismo ang bata ay maiintindihan ang sinabi ko. I sighed. "Uno, umalis ka na riyan kung ayaw mo na kumpiskahin ko ang cellphone mo." Dahil sa sinabi ko ay siya na rin ang nagkusang umalis at nagsara ng pinto. Nilabhan ko ng mabuti si Heino at pagbanlaw ko rito ay naging kulay light brown siya, ang totoo niyang kulay. Napangiti naman ako dahil sa saya. Hinanger ko si Heino at sinampay sa may pinto. Mamaya ko na lang siya isasampay sa labas pagkatapos ko maligo. Nagsimula na ako maligo at nang matapos ay nagbihis na rin. Dinala ko rito sa loob ng bathroom ang damit ko kaya paglabas ko ay isinampay ko na lang si Heino. Nakita ko si Uno na tutok na tutok na naman sa cellphone kaya kinausap ko siya. "Uno, maaari ka na roon maligo," sabi ko. Agad naman niya sinunod ang sinabi ko. Binigay ko muna sa kaniya ang tuwalya niya. Naghanap ako ng damit niya sa drawer namin. Nang kukunin ko na ang short na nasa ilalim ng drawer ay napakunot ako ng may nahawakan akong kung anong bagay kaya kinuha ko ito. Kunot ang noo ko itong tinignan. Isa itong earpiece... yata? Hindi ako sigurado dahil korte ito ng earpiece ngunit may kakaiba rito. Nang susubukan ko ito ilagay sa tainga ko ay nagulat ako dahil biglang sumigaw si Uno. "Heina, ibigay mo na sa akin ang damit ko!" sigaw niya mula sa banyo. Agad kong ibinalik sa dati ang kinuha ko dahil baka hanapin ito ni Uno at magalit sa akin. Binigay ko naman sa kaniya ang damit niya. Pagkalabas niya sa bathroom ay hindi na kaya ng kursyudad ko kaya nagtanong na ako. "Uno," tawag ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako bilang sagot bago niya i-charge ang kaniyang cellphone. "Bakit?" tanong niya nang makitang hindi pa rin ako nagsasalita. "Tungkol sa—wala, huwag mo na lang isipin," saad ko. Itatanong ko sana ang tungkol doon sa nakita ko kanina lang ngunit baka magalit siya at masabihan pa akong pakiilamera. Nangunot naman ang noo niya. "Is there any problem, Heina?" he asked. I shook my head. "Wala, wala. Nakalimutan ko lang talaga ang itatanong ko." Lumabas ako ng kwarto at naghanda na ulit ng makakakain para sa gabihan namin. Pagkatapos ko magluto ay kumain na kami. Unusual ito dahil wala si Heino sa tabi niya. Tila hindi siya mapakali sa kinauupuan kaya hindi ko na mapigilan magtanong. "Bakit anong problema?" tanong ko. Ngumuso naman siya. "Heina, puwede ba na rito ka sa aking tabi hanggang sa matapos ako kumain? Hindi kasi ako sanay na walang katabi," nahihiya na saad niya. Lihim naman ako na napahagikgik dahil sa pagiging bata niya. Lumipat ako ng puwesto at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Tumahimik ang buong lamesa pagkatapos ko lumipat sa tabi niya. Tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig mo. Naghugas ako pagkatapos kumain gaya ng pang araw-araw na gawain. Umupo ako sofa kung saan siya nakaupo. Nanonood siya ng tv habang ako ay nakatulala lang sa kisame. Nang tingnan ko siya ay hindi man lang siya nagtuon ng pansin sa akin kaya inilihis ko ang tingin sa kaniya. Nakita ko ang bill ng kuryente sa mini table kaya kinuha ko naman ito. "Saan ito galing?" tanong ko sa kaniya. "Sa Meralco. Ang ilaw ng buhay mo," pabalang at pabiro na sagot niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil hindi ako nakikipag-biruan ngayon. Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita. "Nakita ko 'yan kanina sa may pinto habang naglilinis ka. Akala ko nga ay napansin mo na 'yan kanina pa, hindi pa pala. Lutang ka yata ngayon?" mahabang paliwanag niya. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Ayos na sana, e. Matutuwa na sana ako sa paliwanag niya ngunit hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa dulo. Ni hindi man lang ako natawa. Binuksan ko na lang ito at hindi na siya inintindi pa. For how many times, I sighed again when I saw the bill. It's double than what I paid before. Is it because of Uno? I don't blame him. Siguro dahil lang ay may kasama na ako kaya dagdag na ang gastusin sa bahay. "How much is the bill?" he asked. When I faced him... he has a serious face that he never had before. "Just like before," I said and that's a lie. He suddenly grabbed the electricity bill for me and checked it. His eyebrows went up. "Huh? Is your bill as high as before?" he asked in a serious tone. I trembled because I'm not used to his serious expression. And also I remembered someone from it... Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa sofa at tumingin sa kisame at napagpasyahan na pumikit upang makapag-isip-isip. He changed...? He's not the Uno I knew before. Maybe—maybe, it's just me. Perhaps, it was because of tiredness... that's why I felt this towards him or this is just because of too much stress, that's why I over think again... I sighed. Naramdaman ko na may nakasandal din sa sofa at pinagdikit niya ang ulo niya sa ulo ko... Uno. "I know you have a problem," he said. I still haven't opened my eyes. I just want to feel at home... "Hm... yes," I answered. Wala naman sigurong mangyayari kung sasabihin ko ang totoo sa kaniya. Kinuha niya bigla ang kaliwang kamay ko at nilaro-laro ito. "Cry it," he said. Kahit na nakapikit ako ay hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo dahil sa sinabi niya. "I don't need to—" "Yes, you need to." Naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lang siya nagsalita. I sighed. "Oo, may problema ako pero hindi naman ito gaano kabigat kaya hindi ko pa kailangan iiyak. Hindi pa naman ako puno eh, para ibuhos lahat," paliwanag ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang napabuntong hininga dahil sa sinabi ko. "So, hihintayin mo pa na mapuno 'yang emosyon mo bago mo ilabas? Mas maganda na ngayon na para hindi na ganoon kasakit kapag umiyak ka ulit," saad naman niya. Pinaglalaruan niya pa rin ang kamay ko at ramdam ko rin na nakapikit din siya ngayon. Nagpapakiramdaman lang kami sa isa't isa... "Pago-over think lang naman ang problema ko kaya dapat hindi mo na ako problemahin pa," ani ko. Bigla naman niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Overthinking is bad, Heina. And you're not my problem and will never be." Nanaig ang katahimikan pagkatapos niya sabihin iyon. Wala akong masabi dahil unang beses ko masabihan ng ganoon. Lahat ng tao ay tingin sa akin ay problema… "You don't need to be ashamed of me, Heina. You can also show your soft side. You can't always be a short-tempered girl... just show what your real side is, Heina. Show who you are." I thought he was gonna say "weak" but he said "soft". He's being careful about what he will say... I love him. Tears drop from my eyes. "How about you, Uno? How about you? Can you show your real side too?" I asked. I heard him sighed. "I don't know..." Bawat salita niya ay may mabibigat na paghinga. Hindi ko na siya pinilit pa patungkol dito. "If you're ready to show it, then I'll be glad. But I won't force you to do it, Uno. Just always remember that I'll stay by your side, no matter what." Pagkatapos ko iyon sabihin ay bigla ko na lang naramdaman na tila lalamunin na ako ng dilim ngunit bago pa ako tuluyan malamon nito ay narinig ko pa siyang nagsalita. "I love you, Amor. Always remember that too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD