Three days before the heir celebration will happen. Time flies so fast... "Heina, apo?" tawag ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin. "Maaari ka bang makausap saglit?" tanong ko rito. Tumango ito. "Sige, tara sa kotse," saad ko. "Saan po tayo pupunta?" tanong ko. "Somewhere," I said and smiled at her. Hindi naman kami inabot ng isang oras at nakarating na kami sa paborito kong lugar. Hardin ito na pagmamay-ari ng asawa ko... "Nasaan po tayo?" tanong niya. "Let's take a seat first," I said. Umupo kami sa lamesa na nandirito. Nilanghap ko ang sariwang hangin na nagmumula sa mga bulaklak. "Ito ang paborito kong lugar. Paboritong lugar din ito ng Daddy mo," saad ko. "Talaga po?" tanong niya at tumango ako. Nakatutuwang pagmasdan siya dahil iniikot-ikot niya ang kaniyang ulo

