"Heina? Heina, wake up." Nagising ako dahil sa pag-alog sa akin ng kung sino. "Oh, Brix...?" saad ko rito. "Gising na. Uuwi na tayo. Baka nag-aalala na si Grandma," aniya. Tumango na lang ako. Hindi na kami kumain ng agahan ngunit nilinis namin ang buong lugar at sinigurado na hindi mag-iiwan ng kalat kahit isa. Dahan-dahan din kaming lumabas at nakahinga ako ng ayos dahil wala ni isang nagbabantay sa labas. Dumiretso na kami sa pinag-parking ng sasakyan. Pagpasok namin ay doon lang sila nakahinga ng ayos. "Anong oras na?" tanong ni Cy. "Alas tres ng umaga," saad ni Leo. "Ang aga pa pala," sabi ni Gyu rito. "Oo pero kailangan na natin umuwi para hindi mag-alala si Grandma." Tumango na lang kami at tahimik na niyang pinaandar ang sasakyan. Nasa tabi ko si Lance at tulog pa rin ka

