Nagising ako dahil sa ingay. Nanggagaling iyon sa aking veranda. Hindi ko yata ito nasara kagabi. Gumising na ako dahil hindi na rin mabalik ang antok ko kahit na ipilit pa. Naligo ako at nagbihis ng simpleng dress. Lumabas ako sa aking veranda at nataas ang kilay nang makita mula rito ang chopper na sinakyan namin. "Gising ka na ba, Heina?" rinig kong tanong ni Cy mula sa labas ng pinto kaya binuksan ko ito. Nakita ko ang mata niya na pumikit-pikit pa at pinipilit na lang niya itong ibukas. "Antok ka pa rin ba? Matulog ka na lang muna?" tanong ko. Umiling siya. "Aalis na tayo. Sa byahe na lang ako matutulog," aniya. Tumango ako kahit na nadismaya. Akala ko ay magtatagal pa kami rito... Nang bumaba kami ni Cy ay nakita ko rin na ganoon ang itsura nila. Mga antok pa. Halos lahat sa

