"Lance, can I talk to you?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lamang siya.
Nauna na akong naglakad at pumunta sa private room. Sumunod naman siya sa akin.
Pagkapasok pa lang niya ay kitang-kita ko na ang ngunot sa kaniyang noo.
"Mukha yatang mahalaga 'yan, ah?" saad nito. Umupo siya sa harap ko.
"Tungkol kay Zain..."
"Iyon ba yung manliligaw mo na ni-friend zone mo?" Natatawang sabi niya.
Sinamaan ko ito ng tingin at nagseryoso ulit. "Wala na siya."
Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. "Sorry for what I said..."
"No, it's fine."
"Anong kailangan mo?" tanong nito.
I gulped. "Pwede mo ba imbestigahan ang kaso niya? Pakiramdam ko kasi ay sobrang tahimik at binabaliwala lang ng mga pulis ang nangyari sa kaniya," I said.
"That's kinda hard, Heina. But I will do it for you."
"Thank you so much."
"He deserves justice," I said.
"Everyone deserves that."
"May mga patunay ba na kung paano namatay si Zain? Kailangan natin iyon para sa imbestigasyon," saad niya.
Agad akong tumango dahil naalala ko ang cctv footage na pinakita sa amin ni Ms. Del Valgon.
"Mayroong cctv footage copy si Ms. Del Valgon," ani ko.
"Then, that's good. Mas madali matutukoy kung sino ang salarin," saad nito.
"Kailangan ko pa ng maraming impormasyon o patunay, Heina..."
"Ayos lang iyon. Tutulong ako hangga't makakaya ko. Pwede akong tumayo na testigo dahil ako ang huling nakasama niya bago—"
"Ano?! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo!" Tinayo niya ako at pinaikot-ikot pa at inalog-alog.
Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at pinakalma. "Hingang malalim," saad ko.
Nag-inhale, exhale muna kami bago ko sabihin sa kaniya ang nangyari.
"Walang nangyari sa akin, okay?" saad ko.
Nakahinga siya nang maayos. "Maabuti naman. Baka ako pa ang patayin nila kapag may nangyaring masama sa iyo."
Tumawa ako. "Basta huwag mo na lang ipapaalam ito sa kanila. Ayaw ko na mag-aalala pa sila," sabi ko rito.
Tumango ito.
"Siguro pag-usapan na lang natin ang tungkol sa kaniya kapag nakauwi na tayo. Mas maganda na i-enjoy na muna natin ang araw na ito," saad niya.
Tumango ulit ako.
Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Brix.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Lance.
"Hindi naman. Akala ko kasi ay walang tao rito, pasensya na," ani Brix.
"Ayos lang. Paalis na rin naman kami," ngiting tugon ko.
Siguro ay rito siya pumunta dahil tahimik ang lugar na ito. Sound proof ang kwartong ito. Wala kang maririnig sa labas o hindi ka rin nila maririnig kahit na nasa loob ka.
"Magbabasa ka ba ng libro rito?" tanong ko.
Pinagmasdan ko naman ang katawan niya ngunit wala itong hawak-hawak na libro...
"May kukunin lang ako rito," aniya.
Tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas ni Lance.
Nagkatinginan muna kami bago bumaba ng hagdan.
"Anong ginawa niyo?" tanong ni Cy.
"Bakit mo naman kailangan malaman?" tanong ko rin dito.
Ngumisi siya. "Eh, bakit ayaw mo muna sabihin?" Taas-kilay niyang tanong.
Umiling-iling na lang ako. Kapag pumatol pa ako rito ay baka kung saan pa mapunta ang usapan.
"Kain na tayo?" tanong naman ni Lawrence at nauna ng maglakad papunta sa dining area.
Sumunod na rin ako dahil gutom na ako at pagod din ang katawan ko dahil sa dami ng ginawa buong maghapon.
"Nasaan si Grandma?" tanong ko.
Napansin ko kasi na simula nang matapos ang aming photoshoot ay hindi ko na siya nakikita sa mansyon.
"Nauna ng umuwi. May aasikasuhin daw," saad ni Leo.
Tumango ako.
Baka aasikasuhin niya iyong mahalagang bagay na tumawag sa kaniya...?
"Masyado naman yatang mahalaga iyong aasikasuhin niya," Gyu said.
"Hayaan niyo na. Baka kailangan niya lang talagang asikasuhin kaya ganoon," saad ni Brix.
Habang kumakain ay hindi maiwasan na ikutin ko ang paningin sa buong hapag-kainan at mapangiti.
Ngayon ko lang naranasan ang ganito karami kasabay na kumain, depende na lang noong panahon na laging nanlilibre si Zain...
At saka, kung pagmamasdan mo ng mabuti ay hindi yaman ang habol nila kay Lola kun'di pagmamahal. Sa mga araw na magkakasama kami ay marami na agad akong natutunan mula sa kanila.
"Iba talaga amats kapag luma-love life na! Nakangiti kahit kumakain!" Iling-iling na saad ni Cy.
Napataas ang kilay ko at saka siya tinignan. Sinamaan ko ito ng tingin nang makitang nakangisi ito sa akin.
"Oops! Nagagalit na naman si boss!" saad pa nito.
I rolled my eyes to him and faced him back.
Huminga ako ng malalim bago kumain ulit. Pagdating kay Cy ay kailangan ko talaga ng mahaba-habang pasensya...
Nang matapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto. Sila ay nandoon sa living room at nagku-kwentuhan.
Hindi ako ganoon maka-relate sa kanila dahil minsan ay may usapin sila na tanging lalaki lang ang nakakaalam...
Natapos na ako mag-half bath at naka-pajamas na ako kaya matutulog na sana ako nang may kumatok sa aking pinto.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Giovanni."
Agad kong binuksan ang pinto nang marinig ang boses niya. Hindi ko alam ngunit awtomatiko ng gumalaw ang aking paa at kamay upang buksan ito.
He laughed. "Seems like you're excited."
Nilihis ko ang paningin sa kaniya at itinago ang pamumula nito.
He ruffled my hair. "Let's go?" he asked.
"Ha? Saan?" tanong ko.
"We will watch movies," he said.
I nodded.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila papalapit sa kaniya.
Walang nagsalita kahit isa hanggang sa makarating kami sa movie room.
In just a small amount of time... I already traced his voice, smell, hair, body, and everything. It made me curious about my feelings and myself. I don't know what's happening anymore.
Nakita ko silang lahat na may kaniya-kaniyang ng pwesto. At ang pwesto na lang na bakante ay 'yong nasa gitna kaya roon na kami umupo ni Gio.
"Nasaan si Brix?" tanong ko.
"Hanap mo ako?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Si Brix pala.
Kumuha pala siya ng snacks at drinks para sa movie marathon namin.
"Ano ang una nating papanoorin?" tanong nito.
"Horror," saad ni Gyu.
Lahat ay sumang-ayon kaya nagulat ako nang tumingin sila sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Ayos lang kahit hindi na hor—"
"Hindi. Ayos lang iyon sa akin," saad ko.
Tumango na lamang ito at nagsimula ng maghanap ng panonoorin.
"Gio, pwede pakuha ng unan?" bulong ko rito.
Malapit lang kasi sa kaniya ito ngunit hindi ko naman maabot ng maayos.
Tumingin lamang ito sa akin na pinagtaka ko. "Bakit may problem ba?" tanong ko.
"Can you say again what did you said?" he asked.
Nangunot ang noo ko. "Sabi ko ay paki-abot ng unan," saad ko.
"No. Not that," aniya.
"Huh?" takang tanong ko rito.
"Can you repeat what you called me?"
"Ahh, iyon lang naman pala. Sabi ko Gio, bakit may problema ba roon?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita kaya nagtaka ako. Nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kaniya dahil hindi ko na ito makita pa dahil sa dilim.
Ngunit bago ko pa ito maaninagan ay bigla niyang nilagay ang unan sa mukha ko.
"Aray!" mahinang sigaw ko.
Hindi ito humingi ng tawad. I rolled my eyes to him. Umusod ako ng kaunti sa pwesto ni Cy kaya nagkaroon ng pagitan sa amin ni Gio.
Ang sakit ng pagkakahampas niya ngunit hindi man lang siya humingi ng tawad?! Hindi naman ako nagtatampo, masakit lang talaga...
Nang magsimula ng i-play ang panoorin ay halos gawin ko ng panakip ng mata si Cy dahil ayaw kong sumigaw o tumili. Nakakahiya naman sa mga lalaking kasama ko na hindi kumukurap.
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Gio papunta sa kaniya.
"Here. You can hug me or do everything to me. I won't mind it," he said.
Nagtataka man ay sinunod ko na lang ang sinabi niya. Niyakap ko ang braso niya at ginawang sandalan sa tuwing may lalabas o manggugulat na multo.
Tumayo ang aking balahibo nang bigla niya akong tapikin sa ulo at saka bumulong sa aking tainga.
"Are you still scared? Do you want me to hug you to lessen what you feel?" he asked.
Nanatili lang ako sa pwesto kung ano 'yong pwesto ko kanina. Sinusubukan mag-process ng utak ko kung ano ang kaniyang sinabi at kung ano ang ginawa niya.
Siguro ay normal lang ang lahat para sa kaniya ngunit nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ito sa akin.
Those butterflies keep flying...
"Ah. Si—"
"Ahh!"
Natigil ang sasabihin ko nang magsigawan sina Gyu at Cy, ganoon din si Tyler at Chester. Kaya sa kursyudad ko ay tinignan ko rin ito.
Ngunit bago ko pa ito tuluyang masilayan ay may tumakip na agad ng mata ko at bumulong.
"Don't watch it. You might not sleep later," he said.
Tumango ako. Ganoon lang ang posisyon namin hanggang sa matapos ang pinapanood namin.
Nang tignan ko ang mga kasama ko ay halos namumula sila kaya mahina akong natawa. Sapat na kasi ang liwanag mula sa pinapanood namin para makita ang mukha nila.
Kukuha sana ako ng chips nang unahan ako ni Calvin. Inaabot ko pa ang kamay ko para manghingi ngunit hindi niya yata iyon nakita kaya napanguso na lang ako.
"Do you want it?" Gio asked.
I nodded as a response.
Nagulat ako nang bigla itong tumayo, ganoon din sila.
"Bakit, dude?" tanong ni Calvin.
Hindi nagsalita si Gio at saka agad-agad kinuha ang chips na hawak nito. Magrereklamo pa sana siya ngunit hindi na natuloy dahil nakitang ibinigay ito sa akin.
Hanggang sa makaupo siya ay hindi makapaniwalang tinitignan ko ito.
"Eat," he said.
"Bakit mo kinuha kay Calvin?" tanong ko.
Humarap siya sa akin at kahit na nasa may dilim ang pwesto niya ay naaninag ko pa rin ang pagtaas ng kaniyang kilay.
"I thought, you wanted it?"
"Oo nga, pero hindi naman yata maganda na kunin mo na lang ito sa kaniya. Pwede naman na kumuha na lang ako ng ilang piraso," mahabang paliwanag ko.
Ilang minutos pa bago ulit ito magsalita. "Just eat it. He won't mind it," aniya.
Napatingin naman ako kay Calvin. Ganoon na lang ang pamumula ko ng mapansin na sa amin sila nakatingin lahat. Siguro ay dahil sa ingay namin kaya hindi masimulan ang panonoorin.
Inabot ko kay Calvin ang chips. "Kumuha ka kung gusto mo," saad ko.
Umiling siya. "No need. I'm already full. Just eat it like Giovanni said."
Tumango na lang ako bilang tugon at saka kumain.
Nagpatuloy na sila sa paghahanap at saka sunod na pinanood ang Squid Game.
"Napanood niyo na ba ito?" tanong ni Brix.
Umiling ako, ganoon din ang iba.
"Sabi ng iba ay maganda raw iyan. Lagi kong nakikita 'yan sa fyp ko," sabi ni Cy.
"O' sige. Panoorin na natin," saad nito.
"Gusto mo?" bulong ko kay Gio dahil nagsisimula na ang palabas.
Hindi ito kumuha ng chips kaya ako na mismo ang nagsubo sa kaniya nito.
-
-
Naka-ilang movies kami kasabay ng pagkaubos ng lahat ng pagkain bago kami makatulog.
"Alas tres na pala," saad ni Lawrence.
Lahat kami ay gising pa at matutulog pa lang ngunit ang mga kasambahay ay nagsisimula ng bumangon.
"Let's sleep," Leo said and walked towards his room.
Nauna na akong maglakad sa kanila dahil inaantok na rin talaga ako. Dahil sa antok ay halos kumapit na ako sa dingding para lang makapaglakad. Dinaig ko pa ang lasing.
"Woah!" Muntik na akong mahulog sa hagdan ngunit bago pa iyon mangyari ay may humawak na ng baywang ko.
"Be careful," he said.
"Salamat, Gio."
Sa kung anong dahilan ay bigla na lang ito naglakad ng mabilis at naunang pumasok sa kaniyang kwarto samantalang kami ay naiwan na nagtataka.
Nakita ko na nakangisi sila Tyler.
"May problema ba sa kaniya?" tanong ko rito.
Umiling sila. "Inaatake lang iyon ng love symptoms," aniya.
Nauna na rin sila maglakad na lalong nagpataka sa akin.
"Don't mind it, Heina. Let's go," ani Lance at tinulungan ako na maglakad.
"Salamat," saad ko rito nang makarating na ako sa kwarto.
He ruffled my hair. "No worries. You need to sleep to maintain your beauty," he said and winked at me.
I shook my head and giggled.
Sinara ko ang pinto at tumalon sa kama. Hindi naman nagtagal ay unti-unti na akong binabalot ng antok.
Kumusta na kaya si Uno...?
Giovanni POV;
F*ck it! Just f*ck it! I acted like crazy in front of her. D*mn these butterflies!
Someone knocked on the door so I opened it, but I regret it...
I can see my friends' teasing eyes.
"Get out," I coldly said.
"Ang daya naman. Bakit ang cold mo sa amin tapos kay Amor, hindi?" ngising tanong ni Calvin.
"F*ck you, Calvin! Don't you dare to call her by her second name."
"Bakit naman? Sabi niya ay ayos lang naman daw iyon," saad nito at hindi pa rin nawawala ang mga ngisi.
"Let's go. Baka bumulagta ka na lang diyan," Matthew said.
All of them still have teasing eyes, that's why I glared at them.
"Woah! Calm down. Ito na nga, oh? Lalabas na," saad nila.
Bago pa tuluyang makalabas sila ay may pahabol na saad pa si Chester.
"Dude, kalmahan mo lang. Baka malaman na lang namin ay may sakit ka na sa puso dahil sa sobrang bilis ng pagtibok niyan pag nandiyan si Heina," saad nito.
"F*ck you all! D*mn!" I shouted and closed my door.
I breathe in and breathe out to calm myself. But when I saw myself in front of the mirror. I look like a tomato because of the redness!
I love the way she called me... Gio? D*mn.